"TRUTH HURTS"

1149 Words
"SORRY late ako," ang humahangos na bungad kay Aria ng nobyong si Norman. Nakakaunawang ngumiti lang ang dalaga sa nobyo. "Okay lang, halika na?" aniya saka naglalambing na ikinapit ang kamay sa braso ng binata. "Baka nagugutom ka, kumain muna tayo?" si Norman nang naglalakad na sila papunta sa sakayan ng jeep.  Mahigit isang taon narin niyang kasintahan si Norman na matanda lang ng dalawang taon sa kanya. Katulad niya ay sa mall rin ito nagtatrabaho. Ang kaibahan nga lang ay Merchandiser ito at sa supermarket ito naka assign habang siya ay isang regular kahera sa department store ng malaking mall na iyon kung saan sila nagkakilala.  Tapos si Aria ng kursong Hotel and Restaurant Management. Pero dahil mahirap maghanap ng trabaho, hindi na importante sa kanya kung malayo sa kursong tinapos niya ang trabahong pinasok niya. Ang importante kasi sa dalaga ay kumikita siya. "Hindi na, okay lang ako" sagot niya saka na sumakay sa pinarang jeep ni Norman. Gaya ng dati dala ng pagod ay nakatulog si Aria sa byahe habang nakahilig sa balikat ng kanyang nobyo. Ganoon sila araw-araw. Ginigising nalang ito ni Norman kapag bababa na sila.  "Dinner ka muna?" nasa may gate na sila ng kanilang bahay noon.  Magkakasunod na umiling ang kanyang nobyo. "Uuwi narin ako," anitong bakas sa mukha ang matinding pagod at pagmamadali. Tumango-tango si Aria saka tinugon ang halik sa kanya ni Norman sa mga labi. "Rest day mo bukas?" ang binata nang pakawalan nito ang mga labi niya. Nakangiting tumango ng magkakasunod si Aria. "Bakit?" kabisado na niya ang tanong na iyon ni Norman, at hindi nga siya nagkamali. "Dun tayo sa apartment ko bukas? Ipagluluto kita ng lunch,"  nito saka nanunuksong kinagat ang kanyang punong tainga. Mabilis na tinablan si Aria sa ginawing iyon ni Norman. "S-Sige, puntahan kita" sagot niya. Muli siyang dinampian ng simpleng halik ni Norman bago ito tuluyang nagpaalam. "GOOD morning Dad," si James na mahinang tinapik sa balikat ang amang si Jaime na inabutang niyang kumakain na ng almusal sa komedor. "Tinanghali ka yata ngayon hijo?" anitong dinampot ang tasa nito ng kape saka humigop. Nagmamadali ang mga kilos na sinimulan ni James ang pagkain. "Nakatulog ulit ako Pa," aniyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa. Umangat ang daalawang kilay ng matanda. " Masyado kang stress anak, why don't you take a break. Kahit mga isang buwan, walang kaso iyon" payo nito sa kanya. Nagkibit lang ng balikat si James. "Pag-iisipan ko, Pa" aniya. Naiiling na muling humigop ng kape nito ang matanda. "Gusto ko nang magkaroon ng apo," anito sa seryosong tono. Agad na natigilan si James sa narinig saka tahimik na tinitigin ang ama. "You heard me right anak, matanda na ako at gusto kong maranasan ang magkaroon ng apo. Alam mo naman ang kundisyon ko," ang makahulugan nitong sabi saka pinakatititigan ang binata. "Pa," nasa tono niya ang makahulugang protesta at nakuha naman ni Jaime ang ibig niyang sabihin. Mapait ang ngiting pumunit sa mga labi ng kanyang ama. "Hindi lahat ng babae kagaya ng Mama mo," anito. Noon tahimik na ipinagpatuloy ni James ang pagkain. Kaya naman muling nagsalita ang Papa niya. "Akala mo ba hindi ko alam na iyon ang dahilan kaya ka nagkakaganyan?" Kahit kailan, mula pagkabata ay pirming sa ganitong paraan siya kinakausap ni Jaime. Malumanay. Pero hindi niya maipaliwanag ang epekto ng style nito. Dahil totoong tinatalaban siya ng matinding guilt at hiya. "Darating ang araw mawawala ako, mag-iisa ka. Totoong marami kang pera pero iba parin ang pamilya. Iba parin ang may anak at asawa," dugtong pa nito. Ngumiti lang si James saka tuluyang tinapos ang pagkain. "Pag-iisipan ko, Papa," aniyang hinalikan ang ulo ng matanda bago lumabas ng komedor. ***** BETRAYAL NASA daan na si James ay tahimik parin niyang pinag-iisipan ang sinabi ng ama. Si Mang Damian, ang matandang family driver nila ang nasa harapan ng manibela gaya ng dati ay tahimik lang habang pinatatakbo ang sasakyan. "Kumusta ho ang pamilya ninyo Mang Damian?" ang naisip niyang itanong sa matanda. Nakangiti siya nitong sinulyapan mula sa salamin sa may ulunan nito. "Mabuti naman hijo" sagot nito. "hulaan ko, siguro kinausap ka na naman ng Papa mo tungkol sa pag-aasawa ano?" anitong sinundan pa iyon ng mahinang tawa. Alanganin ang ngiting pumunit sa mga labi ng binata. "Masyado na po bang matanda ang edad kong thirty para ipagtulakan niya akong lumagay sa tahimik?" Katulad kanina ay nakangiting muling nagsalita ang matanda. "Hindi naman, pero aminin mo, sa mga naging kaibigan at kaklase mo noon sa kolehiyo, ikaw nalang ang walang pamilya?" nasa tono ng matanda ang panunukso. "Oo nga naman, aminado ako roon" pag-amin niya. "Sixty six na ang Papa mo hijo, ako manang nasa katayuan niya ay ipagtutulakan na kita sa pag-aasawa. Lalo na at hindi naman lingid sa atin ang sakit niya sa puso" paliwanag sa kanya ni Mang Damian. Sa huling sinabi ni Mang Damian ay hindi na nakapagsalita pa si James. Mahal na mahal niya ang Papa niya at wala siyang hindi gagawin para dito. Kung apo lang ang gusto mo Papa mabibigyan kita niyon. Pero manugang? Sa kaisipang iyon ay natigilang napaisip si James. I'm not sure... Ang kabilang bahagi ng isipan niya. ***** "HINDI ba dayoff mo ngayon anak? Bakit ang aga mo yatang bumangon?" ang nanay niyang si Cita na noon ay nasa kusina at naghahanda ng agahan. "May lakad po kami ni Norman, nay," sagot niya saka nagtimpla ng kape. Tumango-tango ang nanay niya. "Mukhang napasarap ang tulog ng mga kapatid mo. Pakigising mo nga at baka mahuli sa klase. Baka nakalimutan nilang Miyerkules ngayon at hindi Sabado." Matapos ang almusal ay nagsimula na ring gumayak si Aria. Alam niyang lunch pa ang usapan nila ni Norman. Pero dahil wala rin naman siyang gagawin sa bahay ay naisip niyang sorpresahin na ang nobyo. Para mas matagal niya itong makasama. May sarili siyang susi sa inuupahang apartment ni Norman na ang nobyo mismo ang nagbigay. Pasado alas nueve nang marating niya iyon. Napangiti siya nang mapunang sarado parin ang mga bintana ng apartment. Naisip niya na baka tulog pa ito kaya naging maingat siya sa kanyang mga kilos. Pero iba ang nangyari nang makapasok na si Aria at mamataan ang isang kulay pulang shoulder bag na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nagsimulang kumabog ang dibdib niya saka maingat na naglakad palapit sa kinaroroonan ng kwarto ni Norman. Parang ipinako sa kinatatayuan niya si Aria nang mula mismo sa malaking uwang ng pintuan ay maaktuhan ang nobyo niyang katalik ang kung sino. Nag-init ang mga mata niya saka wala sa loob na itinakip ang kamay sa sarili niyang bibig. Napasigok siya at umabot iyon sa pandinig ni Norman na mabilis na natilihan pagkakita sa kanya. Nakita niyang bumangon ito. Alam niyang magpapaliwanag ang binata. Pero hindi na niya kailangan iyon, tama na ang lahat ng nakita niya. Kaya nagmamadali siyang kumilos at iniwan ang lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD