"FROSTY GLASS BATHROOM"

1220 Words

GAYA ng gustong mangyari ng amo niya, pinuno niya ng maraming pagkain ang dambuhalang two door na refrigerator nito.  Hindi naman siya nahirapang maghanap ng unit nito kasi naka embose sa mismong keycard ang numero ng silid na kailangan niya hanapin. Saktong quarter to twelve nang matapos niyang lutuin ang specialty niyang beef caldereta. Inayos niya ang mesa at tamang natapos siya ay narinig niya ang magkakasunod na katok sa pinto. Sinilip muna niya iyon peephole ng pinto. Nang matiyak na ang amo niya ang kumakatok ay agad niya itong pinagbuksan ng pinto. "Hello po," ang bungad niya. Ngumiti ito sa kanya saka nagtuloy sa loob. Ibinaba nito sa sofa ang dalang body bag saka naupo roon at naghubad ng sapatos. "Ah, ready na po ang lunch ninyo. Inayos ko na sa mesa" pagbibigay alam niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD