ISANG linggo makalipas iyon ay tumulak na nga sila ni James patungo ng San Benjamin. Sa simula pa lang naman ay siya na ang pinagdesisyon ng binata kung saang lugar siya magiging komportable. At pinili parin niyang manatili ng Pilipinas. Iyon ay para maging mas madali sa kanyang puntahan ang amang si Felipe kung kinakailangan. Sa kaparehong bahay kung saan siya dinala noon ng binata siya iniuwi nito. Ang pinagkaiba lang sa pagkakataong ito ay asawa na ang pakilala sa kanya ni James sa mag-asawang Erlie at Delfin, ay pati narin sa anak ng mga ito na si Joshua. "Siguradong gutom na gutom kayo kaya ipaghahanda ko kayo ng masarap na pananghalian" si Aling Erlie nang salubungin sila nito. "Kahit mamayang hapunan nalang Aling Erlie. Hindi pa naman raw gutom itong si Aria, ganoon din naman a