"Cindy, nandito ka na pala? Kumusta ang eskwela?" tanong ng boardmate kong si Ate Lea Mea. Isa siyang teller sa bangko.
Kadarating ko lang galing sa university na pinapasukan ko. Pagod na pagod ako dahil sa dami ng mga output na kailangang ipasa. Magtatapos na kasi ang school year sa in three months kaya double time ang ginagawa ko upang makahabol. Sa wakas ga-graduate na rin ako sa kolehiyo. At proud ako dahil nagawa ko ito sa sarili kong pagsisikap. Ulilang lubos na ako at nag-iisang anak lang. Kaya naman wala akong aasahang pamilya.
"Okay naman po, Ate Lea. Nakakapagod nga lang. Masyadong demanding pala kapag nasa fourth year na. Ang dami pang bayarin para sa educational field trip, graduation fee, year book at kung ano-ano pa. Kailangan ko na yatang dagdagan ang part time jobs ko para mabayaran ko ang lahat," ang mahabang sagot ko habang ibinababa ang aking back pack sa mahabang sofa. Kaagad akong dumiretso sa lamesa at umupo sa bakanteng silya sa harap ni Ate Lea.
"Hmmm. Huwag kang mag-alala. Magtatanong ako sa mga malalaki naming kliyente sa bangko. Baka nangangailangan sila ng part timer. Game ka ba sa kahit anong trabaho?"
Malapad akong napangiti dahil sa sinabi niya.
"Tagala po, Ate? Game po ako basta marangal na trabaho."
"Aba syempre marangal. Ipapahamak ba naman kita?"
"Maraming salamat po."
Mabait si Ate Lea. Twenty-three years old na siya samantalang ako naman ay nineteen. Wala na rin siyang pamilya kaya parang kaming dalawa ang naging magkapatid simula nang magkakilala kami three years ago.
"Walang ano man. Teka, may solicitation letter ba iyang field trip at year book ninyo? Bigyan mo ako. Mamimigay ako sa opisina."
"Yes mayroon po, Ate. Hulog ka po talaga ng langit. Thank you po."
"Walang ano man. Sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayong dalawa. O s'ya, kumain ka na. It's almost seven in the evening, may trabaho ka pa mamaya."
Nagtatrabaho ako bilang isang part time waitress sa isang sikat na bar sa city. Tatlong oras din iyon, from seven until ten in the evening.
"Sige po, Ate. Sabay na po tayo."
"Sige. Kumain ka nang marami. Nangangayayat ka na sa dami ng trabaho mo."
Masaya kaming naghapunan ni Ate. At fifteen minutes before seven ay nasa jeepney na ako papunta sa pinagtatrabahuhan ko.