"Yaya!" Umalingawngaw ang boses ni Michaella sa loob ng condo ni Aldrin. Mula nang magkabalikan sila at lagi na itong nasa condo ni Aldrin. At dahil lagi siyang nandito lagi rin akong pagod. Wala kasi itong ginawa kung hindi ang pahirapan ako. At sinasaktan niya ako kapag nakatalikod si Aldrin. Huminga ako ng malalim. Hindi pa ako tapos linisin ang kalat na ginawa niya sa kusina. Ngayon meron naman siyang ginawang kalat Lumapit ako sa kanya. "Yes, Madam?" Tinaas niya ang pintura at tinapon niya sa sahig habang nakangiti siyang nakatingin sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang panoorin siyang tinatapon ang pintura. "Linisan mo na bilisan mo," sabi niya. "Sandali lang po kukuha lang ako ng mop." "Hindi mo na kailangan ng mop." Huminto ako at humarap sa kanya. "Bakit po?* "Lumapit