Umalingawngaw ang putok ng baril ang maririnig sa buong paligid habang sunod-sunod ang kalabit ko sa gantsilyo. "Magaling ka ng humawak ng baril," wika ni Simon sa akin Inalis ko ang nakatakip sa tainga ko saka humarap sa kanya. "Mabuti naman at naaalala mo na dalawin kami." Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya. Inakbayan niya ako. "Where's Cedric? Miss ko na ang anak natin." "Tulog na tulog napuyat kahihintay sa iyo dahil ang akala niya ay uuwi ka kagabi. Pumasok na tayo sa loob ng bahay ipagluluto kita ng masarap na pagkain." Ngumiti si Simon. "Kaya nga hindi ako puwedeng hindi uuwi kasi namimiss ko ang luto mo." "At na-miss ko rin ang laging mong pinupuri na masarap ang luto ko." "Pinakikilig mo ba ako?" "Hmmm… bakit kinikilig ka ba, Simon Ibañez?" "Konti na lang kik