Nakayakap sa akin si Aldrin nang magising ako. Pareho lang kaming nkatapis ng kumot dahil hindi namin nagawang magbihis kagabi sa sobrang pagod. Kailangan ko na yatang lumaklak ng pills mula ngayon para hindi ako mabuntis. Ayokong mabuntis lalo kung si Aldrin ang magiging Daddy ng anak ko. Kung magkakaanak ko mas gusto ko kay Simon. Dahil nakita ko ang pagmamahal niya kay Cedric. Kahit hindi niya ito tunay na anak ay inaalagaan niya ito. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa dibdib ko. Balak kong tumakas sa kanya, ayokong tumagal na kasama siya dahil baka tuluyan niyang mabilog ang ulo ko sa mga sinasabi niya sa akin. Nang maalis ko ang kamay niya ay dahan-dahan akong tumayo at isa-isa kong pinulot ang mga damit ko sa sahig. Halos hindi na ako huminga sa tuwing ihahakbang ko ang mga p