"Simon, can we talk?" tanong ko sa kanya.. Kadarating ko lang galing sa date sana namin, at dahil hindi busy siya, si Aldrin ang pumunta para maging ka-date ko. Tumingala siya upang tumingin sa akin. Abala kasi siya sa hawak niyang phone. "Yes, sure." Inilapag niya sa ibabaw ng table ang phone niya at dumikwatro ng upo. Umupo ako sa harap niya. "Ano ba ang plano mo sa amin dalawa ni Aldrin?" Kumunot ang noo niya. "What do you mean?" "Napapansin ko, madalas mo kaming pinaglalapit ni Aldrin. Ano ba ang pinag-usapan n'yong dalawa?" Huminga siya ng malalim. "Do you want to know the truth?" "Please, tell me." "Okay, alam mo naman na halos lahat ng business ng mga Herrera ay siya ang humahawak. Stepbrother ko siya, pero kahit pareho kaming ng Ina. Hindi ko naramdaman na isang pamilya ka