"Mommy, susunduin ba tayo ni Daddy Aldrin?" Tiningnan ko ang relong pambisig ko. Alas-onse na ng umaga. Madalas alas-sais pa lang ng umaga ay nandito na siya para sunduin kami para bumalik sa mansyon niya, pero ngayon ay hindi pa siya dumarating or kahit text ay wala akong natatanggap sa kanya. "Sandali lang anak at tatawagan ko siya." Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan siya ngunit hindi niya sinasagot ang tawag. "Bakit kaya ayaw niyang sagutin?" "Mommy, anong sabi ni Daddy?" "Hindi niya sinasagot ang tawag." "Paano po iyon? Hindi na ba tayo uuwi?" "Huwag na tayong magpasundo sa Daddy mo baka busy siya ngayon." "Okay, Mommy." Sumakay kami ng kotse ko para bumalik sa mansyon ni Aldrin. Habang nasa biyahe ako ay lumilipad ang isip ko dahil kay Aldrin. Ngayon lang kasi siya hi