Sa boung durasyon ng kasal ay di mapakali si alice, di man niya kita, pero ramdam niya ang titig ng lalaking pinag alayan niya ng isang gabing kaligayahan, shocks at kamag anak pa ito ng asawa ng ate aina niya.
Friendly ang mga tao, kahit alam nila na mahirap lang kami.
"Hija, kumain naba kayo?"tanong ng byenan ni Ate, mababait pati yung mga bayaw at hipag ni ate.
"Opo tapos na po Sir" magalang kung sagot dito.
"Lolo lang ang itawag mo sa akin",sabi nito.
"Alice po ang pangalan ko Lo." sabi ko dito.
Nagpaalam naman agad ang matanda, maya maya may nakikipagsayaw, pero ang lalaking yun, na nakilala niyang si Hanz Gavin Tan, ay di na uli lumapit, pero ang titig tila cctv camera na nakatotok at tila isa siyang molecules at ito ang gumagamit ng microscope ganun ito kalupit.
Nang magtawag ang emcee na ang lahat ng single na babae ay tumayo para sa bouquet na ihahagis, ay binalewala niya, pinakakain niya si alfred.
Mukhang masaya ang ate niya, masaya sila para rito, pero kalakip nun ay ang pangamba, ngayong may asawa na ito, baka huminto na muna siya ng pag aaral, para humanap ng full time na trabaho, o tapusin na niya muna ang pag aaral.
Ganun nalang ang gulat nya nang sa kandungan niya talaga bumagsak ang bulaklak.
"Ay tuknining" hiyaw ko sa gulat.
Pag tingin ko sa mga tao, ay mukhang excited sila, may mga kalalakihan na nagpakita ng interest sa kanya, hayagan ang iba, sanay na siya sa ganoong atensyon, pero tanging ang lalaking yun lang ang naiisip niya, kinikilig siya na di niya mawari.
Pinapunta siya sa harap, at nang ihagis ang garter ay sumuot ito sa lalaking yun sa ulo pa mismo nito.
Hanz Gavin Tan
"s**t"mahina kung usal, he hate so much attention from the crowd, though mas okay na din, kasi baka makapatay siya pag ibang lalaki ang magsusuot ng garter sa asawa, tumayo na din siya at pumunta sa harap katabi ang asawa, tila naman itong sinisilaban, pinaglalaroan ang mga daliri, She is prettier up close.
"Omg bagay na bagay ang dalawang ito, name please" komento ng baklang emcee.
"Alice Ramirez, "mahinhin nitong sagot.
"Hanz Gavin Tan"sagot naman ng lalaki.
"Wow, pag kinasal na kayo Alice Ramirez Tan kana, so practice, bagay na bagay, shake hands muna o kiss muna?".biro ng Emcee na babae na ikinapula ng mukha nito.
kinamayan niya ito, sinadya niyang pisilin ang kamay nito, at patay malisya na.
Hawak na niya ang garter, pina upo na ito ng Emcee, at lumuhod naman ako sa harap nito tinitigan ko ito sa mata, nakatingin din pala ito sa kanya, kinindatan niya ito na lalong ikinapula ng mukha nito.
"Now, in a count of three, itataas ang garter, bahala ka kung gaaano kataas,anyway are you single?"tanong sa kanya ng emcee.
"Yes"
"Yes"
Sabay pa nilang sagot.
"Okay may twist ito, since parehong single ang dalawang ito, ang ngipin ang gagamitin sa pagtaas ng garter." tila tutol ang dalaga pero, he now loved this part.
Hiyawan ang mga bisita.
"Galingan mo Hanz, para makahabol."birong sigaw ng isang kaibigan ni Drake.
"Okay in one, two and three go" signal ng Emcee.
Dahan dahan naman na kinagat ni hanz ang garter pataas, naramdaman niya ang bahagyang pagkislot nito, at ang pagtayoan ng pinong balahibo nito sa binti, lalo na nang lumampas na sa tuhod nito ang garter.
"Tama na" Bulong nito sa kanya, at akmang tatayo.
"Try to move, hahalikan kita talaga."banta ko dito.
Halos pigil na pigil ni Alice ang kanyang paghinga,itinigil naman nito sa gitnang bahagi na ng hita niya.
Nagpalakpakan ang mga bisita may sumigaw pa ng kiss.
"So pwede daw ba mapagbigyan ang kiss?"tanong niya sa seryusong tinig.
"Baliw kaba, ayoko nga" inalalayan naman niya ito pababa.
Hinatid hanggang sa pwesto ng mga kapatid, at doon na hanggang matapos ang programa.
Alice pov
Nang pauwe na kami, sasakyan pauwe ang problema ko, sinundo lang sila kanina ng van, kaya naman ngayon wala silang masasakyan.
"Allan may pera kapaba jan?"tanong ko sa kapatid.
"Meron ako dito two hundred."sabi nito.
"Akina at pamasahe natin pauwe."sabi ko akmang iaabot na ni allan ang pera nang hinablot ang kamay ko ni hanz.
"Lets go, hahatid ko na kayo,"sabi nito.
"Pero-"
"Hanz ikaw naba ang maghahatid sa kanila?"
"Opo tita".
"Sige, nalinis na nila sa bahay ang magiging silid ng mga bata, hija feel at home, di na kami papayag ni Tito mo na uuwe kayo doon, at puro kayo dalaga, mga bata pa ang kasama nyo."sabi ni Tita, ang byenan ni Ate.
"Pero po, di naman po kami mapapahamak doon tita, doon na po kami lumaki at nagka isip." sabi ko pa.
"Sige na, i dont take no for an answer, walang hihintong mag aral sa inyong magkapatid, at kung gusto mong mag working student ayan kay Hanz pwede ka jan, diba Hanz?" baling nito sa lalaking kanina pa nana natsing.
"Yes tita, you can start soon,"sabi naman ng lalaki, dahil seryuso di ko alam kung ano ang emosyon nito.
"Naku nakakahiya po", sabi ko nalang.
"Lets go, mahal"
bulong nito sa kanya, tinagalog pa talaga nito.nagpa tianod nalang kami, binuksan nito ang likod na bahagi syempre inuna niya ang mga kapatid pasakayin.
"Sa harap ka,"
Sabi nito na pumunta sa passenger seat at binuksan ang pinto, agad naman akong pumasok, mukhang liliit na ang mundo namin.
Ikinabit pa nito ang seat belt ko, at bago pinaandar ang manibela ay isang mabilis na halik ang iginawad sa akin.
"Bat kaba nanghahalik, kitang nasa likod mga bata e,"inis kung bulong dito.
"Cant help it, your lips is dilictible."nakangisi namang sagot nito, naiinis man ay wala naman na siyang nagawa, kahit gustong gusto niya na itong patayin, sa inis niya ay mas pinili niyang matolog nalang sa biyahe, at baka kung ano na namang katarantadohan ang marinig niya sa makasalanang bunganga nito, naidlip nalang siya, tsaka na niya iisipin ang bukas.