Hilam ang kanyang mga mata ng luha, walang patid ang kanyang mga luha sa pag uunahan. Masakit ang mga nangyari ngayon sa kanya di pa man niya na nahahanapan ng solisyon ang isang suliranin na kanyang kinakaharap ay may panibagong mabigat na problema na dumagdag na naman, medyo masama pa ang pakiramdam niya sa ngayon bagaman nakapagpahinga na siya kanina ay medyo nanghihina parin siya. Dagdag pa ang kanyang isipin na baka makasama sa kanyang puso ang labis na pighati at sama ng loob lalo na sa ngayon na punong puno siya ng maraming emosyon na alam niyang di iyon makakabuti sa kanila ng baby niya. Sa kalagayan ng kanyang puso mas kinakailangan niyang hindi ma stress at iwasan ang labis na emosyon, baka iyon pa ang maging mitsa pa ng kanyang buhay. Habang nasa biyahe ay pinipilit niyang magp