Chapter 33 - Ang Kanyang Paliwanag

2034 Words
Tinulungan na muna ako ni Kaliex na tapusin ang paglilinis sa bahay, pati na rin sa labas. Mas mabilis siyang mapagod kumpara sa akin. Nakakaisang area pa lang siya pero pawisan na siya. "Magpahinga ka muna, Kaliex!" sigaw ko sa kanya. Ang mga halaman kasi na patay ay tinatanggal na niya ngayon. Naaawa naman ako sa kanya. Tirik ang araw pero nagtatanggal pa rin doon. Ayaw niya akong hayaan na lumabas dahil sa takot na rin niya na sensitive ako sa sinag ng araw. "Sige. Susunod ako. Tapusin ko lang ang isang ito," sagot niya sa akin. Naghanap ako ng pwedeng maimiryenda namin ni Kaliex. May wine dito kaya iyon na lang ang iinumin namin. Na-realize ko na may isa pa pala akong problema. Paano pala ang pagbabayad ng kuryente namin dito? Hindi ko naisip na pwede rin pala kaming ma-trace nila Mom dito. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi naman nila siguro pipigilan ang gusto kong mangyari. Tinapos ko na ang paghahanda ng miryenda namin. Mamaya ay lalabas ako para pilitin siyang tigilan muna ang paglilinis. Baka mapaano pa siya sa sobrang kasipagan niya. "Wow! Nagluto ka pa talaga, Minlei. Maraming salamat ha? Kaunti lang din ang nadala kong mga pagkain. Bukas ay mamimili ako ng mga stocks para sa atin," saad ni Kaliex. Pumasok na siya at hindi na hinintay ang pangungulit ko sa kanya. Napangiti na lamang ulit ako. "Nga pala, Kaliex. Tanda mo ba ang pagsabog sa may admin noon? May plano sana akong pasabugan ng toxic bomb ang area pero iba ang nangyari. Sumabog mismo ang building at hindi naman iyon kayang gawin ng toxic bomb. Usok lang naman laban sa mga bampira ang ginawa ko. May kinalaman kaya si Minari?" kuryosong tanong ko. "Iyon ba? Si Minari nga ang may pakana niyan. Alam niyang mabubuking ka sa gagawin mo kaya mayroon agad siyang plan B. Pagkatapos nang ginawa niyang iyon, hindi na siya kinausap ng bampira na tumutulong sa amin. Nagalit siguro at naisip na si Minari ang may kakayahan na gawin iyon," sagot ni Kaliex. Bakit naman ako mabubuking? Planadong-planado namin iyon ni Denver. Mayroon din siyang tauhan sa loob kaya mabilis nakapasok ang gamit namin. "Planado naman ang ginawa namin at hindi iyon papalpak," saad ko. "Matagal nang nakamanman sa iyo ang tumutulong kay Minari. Malakas ang kutob ko na kung hindi iyon si Mio, baka maalin sa kanyang mga magulang. Parang robot kasi ang boses, gumagamit ng device para hindi siya makilala," paliwanag niya. Nag-risk na naman si Minari para sa akin. Akala ko ay lagi niyang kinokontra ang plano ko, pero siya rin pala ang nagtutuloy para maging successful. Naniniwala siyang may mababait na mga bampira pero nagawa niyang patayin ang mga bampira sa admin building. Kung sabagay, masusungit at hindi rin makatao ang ibang miyembro roon. "Kung mapapansin mo, lahat ng mga ginagawa ni Minari noon ay para mailigtas ka. Noong may plano kayo sa bundok na maraming bampira, nakatakas ang marami, hindi ba? Nalaman kasi iyon ni Minari at sinabihan niya ang bampirang tumutulong sa kanya. Kahit hindi na siya kinakausap nito, nagtagumpay naman si Minari na mapalikas ang mga mabubuting bampira na nakatira sa area na iyon. Marami ring mga LCV doon at iyon ang kalimitang mga namatay," dagdag pa niya. Naaalala ko iyon. Marami rin talagang buhay ang nawala noon. Napakagat ako ng aking labi nang maalala ang isang pamilya na naglaho na parang paru-paro nang matamaan sila ng toxic smoke. Patunay iyon na sobrang tigas ng aking puso noon. "Nanghihinayang ako sa mga buhay na nawala dahil sa akin. Low class vampires pala talaga ang mga kalaban. Feeling ko tuloy napakasama ko," malungkot kong sabi. "Hindi mo naman ginustong makasakit ng mga inosente. Kahit naman sinong tao ay iisipin na kalaban sila. Hindi pa huli ang lahat para maisatama ang mali," wika niya. Tumango ako. Kaya magpapatulong ako sa kanya kung ano ang magandang gagawin. Kung kinakailangan na lahat ng plano ko ay sasabihin sa kaniya para malaman kung okay iyon, sasabihin ko. "Ano kaya ang magandang gawin? Paano ko sisimulan ang pagsaayos ng dalawang panig?" tanong ko sa kanya. Baka kasi marami siyang naiisip na magagandang paraan. "Huwag ka munang magpakita sa mga bampira. Maganda na sa ka-clan muna natin ikaw magpaliwanag. Huwag na huwag mo ring sasabihin na isa ka na ring ganap na bampira. Baka maguluhan sila at lalong magalit kapag hindi nila maintindihan ang sitwasyon mo," payo niya. "Wala naman bang mga gamit doon na laban sa mga bampirang kagaya ko? O dito na lang din natin sila papupuntahin?" tanong ko. "Marami e. Alam mo naman na nagkalat pa rin ang mga masasamang bampira. Kung ano ang pinag-usapan ninyo ni Denver noon na mga armas na ka-combine ng toxic bomb, iyon na ngayon ang gamit ng mga miyembro," sagot niya. Mukhang na-perfect na ni Denver at ng pinsan niya ang mga plano namin noon na collaboration. Kahit papaano ay marami namang natutunan sa akin ang mga miyembro noon. "Kamusta naman ang thinking nila sa mga bampira ngayon? Tanggap na ba nila na may mabubuti na bampira?" tanong ko. Isa rin kasi si Denver sa galit sa mga bampira. Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan ng kanyang galit. "So far ay okay naman. Tanggap nila na may mga bampira at normal na ring namumuhay sa lugar natin. Hindi na rin daw kasi maiiwasan at imposibleng mawala lahat ng uri nila Mio. Masyado silang malakas. Ang tanging paraan na lang ay mapuksa ang pinaka-mastermind ng mga LCV. Iyon ang iwo-workout natin ngayon," saad niya. Tumango-tango ako. Madali na rin makumbinsi ang iba na maraming mababait na bampira kung ang mga main provider ng mga armas ay naniniwalang hindi lahat ng mga bampira ay kalaban. "Gusto kong makausap si Denver at Kuya Zeke. Kung kasama nila si Mr. Collin ay mas okay," pakiusap ko. "Madali na iyan. Magkasanib na rin kasi ang grupo nila at ang VHC. Sila Risha at Freilla naman ay tumutulong sa akin. Maganda na rin ang tingin nila sa mga bampira. Although hindi ko pa nakauusap si Mio simula nang mawala ka. Ewan, ayoko lang sigurong makaharap siya. Siya kasi ang sinisisi ko kung bakit ka umabot sa ganoong punto," wika niya. Bigla kong naalala ang mga pinsan ko. Kamusta na kaya sila? Baka iniisip nila na masama pa loob ko sa parents nila. Hindi kasi maganda ang huli naming pagkikita. "Si Den, malaki rin ang kasalanan ko sa kanya. Masakit din ang mga nabitawan kong salita sa kanya. Sana ay kapag maayos na ang lahat, makausap ko rin sila," ika ko. Naalala ko na si Den pa ang sinisisi ko noon kung bakit ako natanggal sa pagiging leader. Matalik ko rin siyang kaibigan kaso ako talaga ang tumutulak sa kanila palayo. Ngayon naman ay kay Mio ako lumayo. Sana maintindihan niya ang aking plano. Kung susundan niya ako rito, malugod ko naman siyang tatanggapin, huwag lang muna siyang magpapakita sa mga miyembro hanggang hindi ko pa masyadong naipaliliwanag sa clan ang tungkol sa mga bampira. "Mapagpatawad naman si Den. Sobra rin ang iniyak niya noong mawala ka. Hindi raw kayo nagkaayos man lang. Baka hanggang ngayon ay hindi pa siya nakalilimot sa iyo. Katulad ko, kapag nakita ka niya ay magugulat at maguguluhan kung nasa panaginip pa rin ba. Hanggang ngayon ay para pa rin akong nanaginip lamang habang kasama ka," wika niya. So ang alam talaga nila ay patay na ako? Sila Mio kaya? Bakit hindi niya pa naiisip na puntahan ako rito? Baka mag-away sila ni Chelly. Napatingin si Kaliex sa aking singsing. Hindi ko pa pala ito natatanggal. Agad kong itinago ang aking kamay. Ang kwintas na bigay ni Mio ay iniwan ko sa bahay nila. Ayoko naman na ma-attract ang ibang tao at bampira kung suot ko iyon habang naglalakad. "Ngayon ko lang nakita ang singsing na iyan. Bigay ba iyan ni Mio?" tanong niya sa akin. Napatungo ako. Nahihiya akong aminin na noong wala akong naaalala ay umoo ako sa proposal ni Mio. "Oo e. Wala kasi akong naaalala noon. Akala ko kasi kami talaga at iyon din ang sabi nila Mom at Minari," palusot ko sa kanya. Ayoko pang aminin ang totoo. "Ganoon ba? Pero alam kong mahal mo pa rin naman siya. Nga lang, bakit ka ba talaga tumakas? Para lang ba talaga sa plano mo?" sunud-sunod na tanong niya sa akin. "Pwede ka namang magsabi sa kanya, tiyak na tutulungan ka nila." "Masyado na akong pabigat sa kanila. Anim na buwan akong walang malay tapos ang dami na ring nilang nagawa para sa akin. Gusto ko munang bumawi sa kanila sa pamamagitan nang pagpapakilala sa kanila bilang mabubuting bampira. Deserve din nila na magkaroon ng mapayapang buhay," paliwanag ko. "Ayan ka na naman sa pagiging mataas ang pride mo. Paano kung nag-aalala na sila? Hindi ba sabi mo ay alam din ng mga magulang mo ang tungkol sa iyo nang maging bampira ka? Baka nag-aalala na sila sa iyo," saad niya. "Gusto ko rin muna sanang makahinga nang maluwag. Sobrang bigat din kasi ng pakiramdam ko sa nangyari. Lilipas din ito. Nagtataka lang kasi kung bakit kailangan pa nilang ilihim sa akin. Ikaw din, bakit ninyo inilihim sa akin. Alam mo rin ba ang tungkol sa aking mga magulang?" Seryoso akong nakatingin sa kanya. Napalunok na siya ng kanyang laway. "So may alam ka nga? Bakit ganoon? Wala ba kayong tiwala sa akin? Masakit kasi na dalawang taon ko silang hindi nakasama at naniwala akong wala na sila," malungkot na sabi ko. Napakagat ako ng aking labi para magpigil ng luha. "Pinangarap ko noon na magkaroon ng tahimik at masayang pamilya. Kahit hindi muna ako mag-aral makasama lang sila ay ayos lang sa akin." "Pasensya na talaga, Minlei. Hindi ko alam na ganito ang mararamdaman mo. Nalaman ko lang din iyon gawa sinabi sa akin ni Minari para magpatulong at makuha ang tiwala ko. Nakita ko rin sila personally kaya nagtiwala at sumama ako kay Minari. Never ka naming iniwan. Kahit pinagtatabuyan mo kami, lagi ka naming binabantayan dahil pangako namin sa mga magulang mo na iingatan ka namin," saad niya habang malungkot ang kanyang mga mata. Nasasaktan na naman siya dahil sa kadramahan kong ito. "Tatapusin ko lang itong plano ko, pangakong babalik na ako sa kanila. Bubuuin namin ang isang masayang pamilya kasama si Minari. Kahit na may kaunting galit sa aking damdamin, mananaig pa rin ang pagmamahal ko kila Mom at Dad. Tanggap ko na rin na kapatid ko si Minari. Basta, hayaan mo lang akong pagkaisahin ang mga bampira at tao," saad ko. Tumango siya sa akin. "Basta pangako mo sa akin na magpapatulong ka lang sa akin. Huwag mong isasakripisyo ang buhay mo kung kaya naman naming tumulong. Huwag mo na sayangin ang pangalawang buhay na ibinigay sa iyo," pakiusap niya sa akin. Itinaas ko pa ang aking kamay at sumenyas ng isang pinky promise. Tulad noon, ginawa namin ang nakasanayan kapag nangangako ang isa sa amin. Ginulo niya ang aking buhok sabay yakap sa akin. Normal na ulit ang lahat sa amin ni Kaliex. Kami na ulit ang magkaibigan noon. Tanggap niya pa ang pagiging bampira ko. "Maswerte ako na kahit anong mangyari ay narito ka para sa akin. Masaya ako na ang pagiging suportado mo ay magpapalakas ng aking loob. Sana lang talaga ay magawa natin ang plano ko na magkaisa ang mga mabubuti," wika ko. "Mas maswerte ako na nagawa mo akong patawarin. Pangako ko na hindi na ako maglilihim at magsisinungaling sa iyo. Sasabihin ko na rin sa iyo ang lahat ng aking mga plano. Isipin mo na lang na ginagawa ko ito dahil para mo na rin akong kuya," saad niya. Ngumuso lang ako sa kanya. Yumakap ako sa kanya nang mahigpit. Para ko naman talaga siyang kapatid ngayon. Hindi na kasi katulad noon ang nararamdaman ko sa kanya kaya tanggap na tanggap kong magpakakuya siya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Mio, malungkot ang tingin sa amin. Napabitaw ako sa pagkayakap kay Kaliex. Maya-maya ay nawala na siya sa aking paningin. Para akong nangangatal sa gulat at takot na kung ano ang isipin niya sa amin ni Kaliex. Napatingin ako sa singsing ko nang may mapansin na nakakaiba. "May tracker."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD