Chapter 12 - Dinner Date

1086 Words
Sinusubukan kong pabasin ang aking mga pangil. Sinusunod ko naman ang lahat ng mga payo ni Mio. Ngayon lang ako medyo nahihirapan. "Dapat matuto kang maglabas ng pangil, hindi lang kapag may naaamoy kang dugo," saad ni Mio. Tumango lang ako. Patuloy lang ako sa pag-focus para magawa ko na ang pangalawang pagsasanay ko. Nakaharap ako ngayon sa salamin at kasabay ng pangil, pumupula rin ang aking mga mata. Napalingon ako kay Mio nang lumabas na rin ang aking pangil. Medyo natagalan ako bago ma-achieve ito. Inulit ko ulit para mas malinaw na makita ni Mio. "Magaling. Mabilis ka namang matuto. Expected ko na talaga na hindi ako mahihirapan sa iyo, maliban sa pag-aaral makipaglaban. Pero sa susunod na lang iyon," saad niya. Natapos ang training namin. Bumalik muna kami sa kwarto para magpahinga. Naisip ko na maligo muna, nakahihiyang tingnan na ang haggard ko pagkatapos mag-training. "Maliligo lang ako saglit ha?" paalam ko. "Mag-dress ka na rin. Dinner date tayo sa tabing dagat mamaya," utos niya. Napangiti ako. Isa rin iyan siguro sa mga pangarap ko noon. Napaka-romantic kapag ganoon ang klase ng date tapos mayroon pang pailaw. Pumasok na ako sa shower room bago pa matulala sa kanya. Advanced naman ako masyadong mag-isip para sa dekorasyon ni Mio. Mabuti na lang malaki ang lugar na ito. Hindi ko na kailangan lumabas para kunin ang mga damit ko. Magkakasama na sa iisang area ang closet at shower room. May kanya-kanya lang itong pintuan at magkakatabi lang. Isang pintuan lang ang kailangan kong i-lock. Parang isang buong bahay na rin ang comfort room nila. Hindi ko alam kung ganito ba ang pamumuhay ko noon. Parang hindi makatotohanan na ang yaman kong tingnan. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot na ako ng isang simpleng puting dress. Bagay na bagay ang itsura nito para sa date sa beach. Naglagay na rin ako ng kaunting kolorete sa mukha para maging presentable. Kinulot ko na rin ang aking buhok dahil mas maganda iyong tingnan sa akin. Lumabas na ako ng kwarto. Hindi ko na nadatnan si Mio. Baka naghahanda para sa dinner kaya hihintayin ko na lang na sunduin niya ako sa kwarto ko. Napansin ko na naiwan niya ang kanyang cellphone. Kinuha ko ito at saktong wala itong password. Pagbukas ko ay panay ang messages ni Ate Minari ang aking nakikita. Sobrang dami niyang mag-message kay Mio. Kahit mga walang kabuluhan na tanong ay tinatanong niya. Sinubukan kong hanapin ang pinakadulo niyang messages. Nagulat ako nang mabasa ko na nag-confess si Ate Minari kay Mio. Naguguluhan ako. Ako ba talaga ang kasintahan ni Mio? Bakit gusto rin siya ng aking kapatid? Muli kong binasa ang kadugsong ng messages. Kung ang pagbabasihan ay ang mga reply ni Mio, mahahalata na wala siyang interest kay Ate Minari. Hindi rin naman niya sinabi na ako ang mahal niya. Nakarinig ako ng tunog sa door knob kaya agad kong ibinaba ang cellphone niya. Naging pakielamero ako ngayon, nakukunsensya tuloy ako. "Are you ready?" tanong niya sa akin. Lumapit siya para kunin ang aking kamay. "Let's go?" Tumango ako. Kinuha ko ang kanyang cellphone at agad itong binalik sa kanya. Nagpasalamat siya sa akin kaya napangiti ako. "Tara," saad ko. Nang makalabas na kami sa bahay ay natanaw ko na ang napakagandang set up ni Mio. Hindi lang ito basta may pailaw, punung-puno rin ito ng mga magagandang bulaklak. Naglakad kami sa pulang carpet na nakalatag sa buhanginan. Anong okasyon ba ngayon? "Grabe naman na dinner date ito, parang may magbi-birthday o magpo-propose," natatawang sabi ko. "Papayag ba ako na ang unang date natin dito ay simple lang?" saad niya. Hinila niya ang upuan para mapaupo ko. "Gusto kong bawat araw na magkasama tayo rito ay maging espesyal. Lagi kong ipararamdam sa iyo na mahalaga ka sa akin at mahal na mahal kita, Minlei." Napangiti ako at sinusubukan pigilan ang aking mga luha na nagbabadyang bumagsak. "Maraming salamat, Mio. Hindi ko na tuloy alam kung papaano babawi sa iyo. Ako na itong inalagaan ninyo, pero ikaw pa rin ang gumagawa ng mga dahilan para maging masaya ako. Malaki ang utang na loob ko sa iyo. Ramdam din ng aking puso ang pagmamahal sa iyo," naluluha kong sabi. Tumayo siya para lapitan ako. Yumakap siya sa akin kaya ganoon din ang aking ginawa. "Ikaw ang rason kung bakit ako nagiging masaya. Gagawin ko ang lahat para makita lang ang iyong mga ngiti, Minlei. Ipaglalaban ko ang bawat araw na kasama ka," saad niya pa. Inangat niya ang aking baba para diretsong makatingin sa kanya. Ang sarap talagang titigan ng kanyang mga mata. Para bang hinihigop ako nito papalapit sa kanya. Ipipikit ko sana ang aking mga mata nang biglang nagkaroon ng fireworks sa kalangitan. Hindi ko maiwasan na naman ang paghanga. Sobra-sobra na ang effort na kanyang ginagawa sa akin. Ang ganda-ganda ng paligid! Sobrang espesyal ang araw na ito para sa amin. "Happy birthday, Minlei!" bati niya sa akin. Para akong nabingi sa aking narinig. Birthday ko. Ngayon? Akala ko ay tapos na ang kaarawan ko sa taon na ito? "Happy birthday, mahal ko. Deserve mo ang ganitong klaseng effort at pagmamahal. Sana ay nagustuhan mo ang munting surpresa ko sa iyo," dagdag pa ni Mio. May buhat na siyang malaking bouquet at inabot iyon sa akin. Mayroon din siyang hawak na maliit na box, parang kwintas ang laman. Kinuha ko iyon at agad na binuksan. Tumambad sa akin ang napakagandang kwintas na mayroong maraming diyamante. Sa itsura pa lang nito ay halatang mamahalin na. "This is too much, Mio, but I love it! Salamat sa walang sawang pagmamahal sa akin. Hindi ko na naman inaasahan ang araw na ito," naluluha kong sabi. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil sa saya. "Bagay na bagay sa iyo iyan. Matagal ko nang kinikipkip ang kwintas na iyan para ibigay sa iyo. Ngayon ang magandang pagkakataon na maisuot iyan sa iyo," masaya niyang sabi. Inabot ko sa kanya ang kwintas at hinayaan siyang isuot sa akin. Nakatingin lang ako sa makinang na mga diyamante. Sobrang ganda nito. "Salamat, Mio. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin. Hindi na dapat iyon tinatanong pa," wika ko. Ako na ata ang pinakamaswerteng babaeng kilala ni Mio, bukod kay Tita Michie. Tuluy-tuloy ang pag-agos ng aking mga luha. Sobrang saya ng aking kaarawan. Hindi man ito proposal, pakiramdam ko ay nanalo na ako sa lotto. Ang makasama lang si Mio ay napakahalagang pangyayari na sa aking buhay. Hindi na ako makapapayag na mawala pa siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD