"Ready na ang mga gamit niyo?" Lumapit ako kay Lyra at tinulungan siyang bilangin ang mga kakailanganin namin. Tents, flashlight, beddings... Naghahanda na kaming sumakay sa bangka. We're just waiting for the art director to come, siya saka ang dalawa nalang nitong assistant ang hinihintay. May kinuha pa kasi silang gamit for the shoot na gagawin namin sa may kabilang isla. Ngayon na rin sana ang alis ni Rage since I told him he didn't have to finish the whole shoot pero ayaw niya namang iwan ako mag-isa rito. He doesn't even want me to go near Trevor and I am actually fine with that. Hindi ko na rin tinignan pa si Trev mula pa kaninag umaga. Matapos ang interaksyon namin kahapon ay hindi ko na sila pa pinagtuunan ng pansin. "Where's your bag?" Tumabi sa akin si Rage sa bangka. Ang ka