"Kumusta na po ang pakiramdam niyo?" Tanong ni Lyra matapos akong painumin ng tubig. Bigla akong tinamaan ng hiya. Sa halip na inaalagaan niya ang kapatid ay ako ang inaasikaso niya. "I'm fine. Sorry, I just remember my Dad." Nakitaan ko ng simpatya ang mukha niya. Hindi na rin ako nagtagal doon dahil baka nakakaistorbo na ako. Dumiretso na ako sa bahay at doon nalang nagpahinga. I guess I wasn't still over it, huh. The pain of losing a parent isn't something you will go through easily. It's been years. Pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin kung gaano kasakit na makita siyang nahihirapan. And I felt guilty even more knowing that I wasn't there for him. Medyo kumalma na ako nang mga sumunod na araw. Nakapasok na rin si Lyra and nakalabas na ang kapatid nito. Hindi ko nga lang