The following morning, wala na siya sa tabi ko nang magising ako. Tumawag ako sa baba ng bahay para alamin kung nasaan siya and they tild me na nasa pool daw siya so after cleaning my self up ay bumaba na ako para puntahan siya sa pool. Ngunit nang makababa na ako sa hagdan, may mga sasakyang tumigil sa harap ng bahay and I saw Uncle Luis coming out from one of the cars. Napatakbo tuloy ako papunta sa kanila. "Uncle Luis!" I almost screamed his name sa sobrang excitement na nadarama ko. I saw him open the car door at mula roon ay lumabas si Tito Isly. "Tito Isly!" Eksaktong makalapit ako sa kanila ay sinalubong ako ni Tito ng yakap. "Kenji, I am so glad you're okay now," sabi niya sa akin nang maghiwalay na kami. Pisil-pisil niya ang magkabilang braso ko. "Yes, Tito. I am already 100%