"Because I love him!" Hindi na rin nakapagpigil na sigaw nito pabalik sa akin. "I tried to stop him! I never wanted to hurt you nor insult you! But he was so persistent and I fell... hard." Mahina lang ang pagkakasambit niya sa huling kataga ngunit tila bomba iyong sumabog sa tenga ko. "Ang sabihin mo, pansariling kaligayahan mo lang ang iniisip mo! Kinalimutan mo ang pamilya mo, ang pagiging magpinsan natin dahil sa kati at kalandian mo! Makasarili ka! Mang-aagaw ka! Kinuha na nga ni Tito Isly ang dapat na kay Daddy tapos ikaw naman 'yung dapat na akin ay pilit mo ring kinukuha! Talagang pamilya kayo ng nga mang-aagaw!" Naririnding bulyaw ko sa kanya. Hindi ko na makontrol pa ang mga lumalabas na salita sa akin because I just wanted to prove how filthy he is. Umiling siya sa sinabi ko.