bc

The Engineer's Unforgettable Love

book_age18+
19
FOLLOW
1K
READ
HE
badboy
heir/heiress
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Iniwan ng nobyo si Candice Pontavedra ng wala man lang pasabi basta na lamang siyang nawalan ng komunikasyon kay Marvin Almeda ng hindi niya alam ang dahilan kung bakit. Nasaktan siya sa nangyari at lumipat sila sa malayo ng kanyang pamilya upang tuluyang makalimutan si Marvin. Sa paglipas ng panahon ay muling nagtagpo ang dating magkasintahan.

chap-preview
Free preview
C 1 candice
THE ENGINEERS UNFORGETTABLE LOVE. "Ate..!!. ate Candice, bumangon ka na, tanghali na! gumising ka na raw sabi ni nanay, papasok ka ba ngayon o hindi?" rinig kong sigaw ng kapatid kong si Kate sa labas ng aking kwarto. Napabalikwas ako bigla ng bangon sa aking narinig na tanghali na raw. Pupungas-pungas ako ng aking mata habang sinisipat ang alarm clock sa side table ng aking kama at napabagsak ang balikat ko ng maalala kong hindi ko pala na i set kagabi ang alarm clock bago ako natulog. Mag aalas syete na pala ng umaga at alas otso ang pasok ko sa trabaho. "Ate.. ano na? gising ka na ba? papasok ka ba sa pabrika?" sigaw na naman ni Kate sa akin. "Gising na ko at oo papasok ako, kaya pwede ba wag ka na ngang maingay diyan, Ang sakit mo sa tenga, Kate." bulyaw ko sa kanya na ikinaalis na niya sa labas ng pinto ng aking kwarto na dinig kong nagdadabog pa ata kaya napailing ang ulo ko sa inakto ng aking kapatid. Tinungo ko na ang banyo upang maligo at asikasuhin ang sarili ko sa pagpasok. Nang matapos akong magbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto ko at pagbaba ko ng sala ay napansin naman agad ako ng nanay ko. "Good morning po, Nay." "Morning, napuyat ka na naman sa kakapanood sa cellphone mo kagabi noh! Ay naku Candice, magkakasakit ka sa ginagawa mong iyan." sermon ni nanay na nginitian ko lang. "Hindi ka ba muna mag aalmusal bago umalis? wala pang laman ang sikmura mo ah, baka mapaano ka naman niyan ha?!" tanong pa niya na may halong pag aalala para sa akin. "Sa pabrika na lang po Nay. Malapit na 'kong mahuli sa trabaho, baka magka-memo na naman ako or worst ay masesante pa. Mahirap mawalan ng trabaho ngayon, marami pa naman pong bayarin si Kate sa school. Lalo na ngayon na graduating na siya sa college." sagot ko naman kay nanay na nagmamadaling magsuot ng sapatos. "O sige, baunin mo na lamang itong pandesal na nalagyan ko na ng palaman. Kainin mo habang nasa byahe ka. Huwag kang nagpapalipas ng gutom Candice, bawal magkasakit dapat alam mo yon!" bilin pa niya at iniabot sa 'kin ang baon ko na tinanggap ko naman. "Alis na po ako Nay! ingat kayo rito." paalam ko sa kanya na sakto namang paglabas ko ng aming bakuran ay siyang dating ng aking ama mula sa pamamasada ng tricycle. "Good morning Tay, mano po! Ang aga n'yo ata ngayon gumarahe?" bati kong salubong sa kanya. "Ikaw naman ay tinanghali ka na naman ata ng bangon at mukhang nagmamadali ka na naman sa pagpasok?" puna niya sa akin. "Oo nga po Tay, mahuhuli na nga po ako sa oras ng pasok. Sana lang hindi ako ma-late at makaabot pa ko sa takdang oras." sagot ko naman na napabuntong hininga pa. "Sakay na at ihahatid na kita." utos ng aking ama na ikinasigla ko agad. "Salamat po tay!" at sumakay agad ako sa tricycle niya. Mahirap na baka bigla magbago ng isip eh nagmamadali pa man din ako. "Pandesal tay, gusto mo? Nilagyan na ng palaman ni nanay 'to." alok ko sa kanya na kinakain ko habang nasa biyahe pa kami. "Hindi na, ubusin mo na lang iyan at busog pa naman ako." tanggi ni Itay. "Ubusin ko talaga 'to tay, ayaw mo eh!" sabi ko na lang sa kanya at tinuloy ko ang pagkain. "Naramdaman n'yo po ata 'tay na kelangan kayo ng pinakamaganda ninyong anak ano? Wag mo na lang ipaalam kay Kate na sinabi ko yon! Salamat talaga tay, hulog ka ng langit ngayon sa akin." paglalambing ko sa aking ama na ikinahalakhak niya. "Bakit kayo tumatawa? Eh totoo namang maganda ako ah! Ang dami kayang gustong manligaw sa 'kin. Kahit itanong mo pa kay nanay." biro ko naman na sumilay ang ngiti sa mukha niya. "Mana kase kayo sa akin ng kapatid mong si Kate eh!" pagyayabang niya naman. Tunay naman na sa kanya kami nagmana ng kapatid ko sa itsura may lahing kastila kase ang aking ama na minana rin namin ni Kate sa kanya kumbaga malakas ang dugo nila tatay kumpara sa aming ina. Maganda rin naman si nanay tipikal na pilipina beauty. Pero kung ugali ang pag uusapan kay nanay kami ni Kate nagmana. Marami naman talaga ang nais manligaw sa akin pero binabasted ko talaga agad at nung nag aaral pa ko madalas akong kinukuhang muse sa classroom namin, iniimbitahan din akong mag muse sa paliga ng basketball at inaalok na sumali sa mga beauty contest, dahil sa taas kong 5'5 at balingkinitang katawan, maputi rin naman ako pero nirereject ko wala akong hilig sa pagsali sa mga ganun, mahina ang loob ko, mahirap na baka magkalat lang ako sa stage. Takot din ako sa question and answer portion. Ayoko kase na mapahiya baka hindi ko masagot ang tanong ng mga judge pagtawanan lang ako ng mga audience kaya okay na sa akin na maganda ako na walang title na beauty queen. "Andito na tayo, bumaba ka na ng makahabol ka sa oras ng pasok mo." usal ng ama ko na nagpalik sa diwa ko kaya bumaba na ko at nagpaalam sa kanya. "Thank you, Tay. Ingat po kayo sa byahe." na tumango naman at nagbilin din na mag ingat din ako. Kinawayan ko na muna siya bago lumapit sa gate ng pinapasukan kong pabrika. "Hi, Manong guard. Good morning po!" bati ko sa kanya sabay pakita ng ID ko at saka pumirma na sa log book na nakapatong sa lamesa niya. Sira kase ang clock timer ng pabrika kaya lahat ng trabahante roon ay kailangan pumirma muna sa logbook na nasa gate para mairecord ang oras at labas ng mga empleyado ng pabrika. "Muntik ka na namang mahuli ng pasok Candice." sita sa akin ni Manong. Kilala na ko ni manong guard sa dalas ko ba namang pagpasok ng alanganing oras at pakikipagkwentuhan sa kanya ay sanay na rin siya sa akin. Sa kanya lang naman ako malapit at nakikipagbiruan minsan. Ang iba kaseng kasamahang guard ni Manong ay iba kung makatingin sa aming magkakaibigan lalo na sa akin. Kaya kapag hindi si Manong ang nasa gate ay nagdidiretso na 'ko ng pasok sa loob ng pabrika. Hindi naman ako suplada, ilag lang sa mga lalaking nagpapakita ng interest. "Ou nga po manong eh! Naman kase nakalimutan ko na naman pong mag alarm, buti na lang hinatid ako ng tatay ko kaya umabot pa ko sa oras. Hindi pa naman po ako late di ba manong!?" sagot kong nakangiti pa kay manong sabay takbo papasok. Humarap pa ko sa kanya at ikinaway ang aking isang kamay sa kanya. Malawak naman ang ngiti ni Manong na kinamot pa ang ulo at umiling dahil sa pagtakbong ginawa ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
167.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
80.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
73.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
119.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
23.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook