Chapter 8

1606 Words

Chapter 8 Niluto na ni Eli ang lahat ng meat na dala niya kahit panay na ang reklamo ni Luna na busog na siya at hindi na niya kaya. Si Martin naman ay pangiti-ngiti lang sa kanila. Nakikinig lang ito madalas sa kwentuhan ng magkaibigan at nakikitawa lang din. Nakatatlong timpla na si Luna ng soju mix. Puro original na soju ang binili ni Eli dahil sabi nito mas malakas daw ang tama ng original kumpara sa ibang mga flavor. Ramdam na nga rin ni Luna na medyo nahihilo na siya, pero hindi pa naman siya lasing. Ganito naman kasi ang madalas nilang inumin ni Eli. "Luna, bili ka muna ng chips sa baba," utos pa ni Eli na kasalukuyang naghuhugas ng mga pinagkainan nila sa lababo. "Sige, sandali lang," tugon naman ni Luna na kakatapos lang magtimpla ng soju mix.  Walong bote na ang naubos nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD