Chapter 5

1571 Words
Chapter 5 Patuloy na namuhay si Luna na animo'y walang nagbago sa buhay niya. Para sa kanya kasi ay wala naman talagang pinagkaiba. She would still work 8am to 5pm, o madalas overtime pa nga. Virginity lang naman niya ang nawala, bukod do'n, intact pa naman ang lahat sa kanya. She enjoyed what happened that night. If you're going to ask her, will she do it again? She would definitely give you a yes as an answer. With the same man? She's not sure about that. Masaya na siya na kakaibang experience ang pinadama sa kanya ng lalaking 'yon. That man will remain as her first ever s*x experience. Habang buhay niyang maaalala 'yon, at mas magandang manatili na lang 'yon sa alaala niya.  Natakot kasi talaga siya sa sinabi ni Eli na posibleng politiko o kung ano pa man ang lalaking 'yon. Bakit siya may black card? Bakit pakiramdam niya ay sobrang yaman nito? Ayaw ni Luna sa mayaman, masyadong magiging kumplikado ang buhay niya sa mayamang lalaki. 'Yon ang bilin sa kanya ng Nanay niya, umiwas sa mayaman. Dahil karamihan sa mga mayayamang pamilya ay mapagmataas at mahirap pakisamahan. Gusto niya ng mga nasa middle class lang hangga't maaari. Hindi sobrang hirap, hindi rin sobrang yaman. Nakakaraos, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Basta masipag, ayos na.  Muling naging abala si Luna sa trabaho. At madalas pa rin siyang kulitin ng pinsan at Nanay niya na umuwi sa probinsya para makapagkumustahan daw sila ng inirereto sa kanya nito na si Badong. Napapa-irap na nga lang siya sa tuwing sinasabing mag-asawa na siya. Paulit-ulit ang gano'ng topic nila at tila hindi nagsasawa ang mga ito. Pareho lang din naman ang isinasagot niya na wala pa sa plano niya ang mag-asawa dahil wala pa naman siyang napupusuan. Palagi rin naman niyang sinasabing mag-aasawa rin siya kapag na-inlove siya. Gano'n naman kasi talaga dapat, di'ba? Ma-inlove ka muna, kilalanin niyo ang isa't-isa, tapos saka magpapakasal. Hindi 'yong diretso kasal kaagad.  She was walking while checking the papers on her hand, when suddenly she felt warm hands around her wrist. Biglang may humila sa kanya at tinangay siya papasok sa pinto ng fire exit. Titili na sana siya pero kaagad namang tinakpan ang bibig niya. "Finally," rinig niyang sabi ng lalaki na kasalukuyang nasa harapan niya ngayon. Nanglaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ang lalaki humila sa kanya. Pilit siyang nagsalita pero nakatakip pa rin ang bibig niya. Nakita niyang ngumisi ang lalaki at dahan-dahan nitong inalis ang kamay na nakatakip sa bibig niya. "What are you doing here? How did you find me?" Kunot noo na tanong pa ni Luna. "I didn't know your name, but I could find hundred ways to know what I want to know," nakangising tugon pa nito. "Why the f**k do you want to know my name?" Tanong pang muli ni Luna. "Because I want more," tugon din ng lalaki sa kanya. More? Napaisip si Luna sandali. Is this man talking about s*x or not? "I'm sorry, but it's a no for me," mabilis na tanggi ni Luna. Akmang aalis na siya sa harapan nito ngunit pinigilan siya ng lalaki. Lalo pa siyang isinandal nito sa pader at hinawakan sa magkabilaang kamay niya. "You are saying no now. But I remember how much you are willing to be mine that night," bulong nito sa tainga niya. "I was drunk that night, I am sober now. At isa pa, nasa plano ko naman talagang ipamigay ang virginity ko, nagkataong ikaw 'yong willing. But having a f**k buddy is really a no for me. Try asking someone else. It's really a no for me," paliwanag pa ni Luna sa lalaki. Pansamantalang nanahimik ang lalaki habang nakatitig sa mga mata niya. Pinapakiramdaman siguro nito kung seryoso at totoo ba ang mga sinabi niya. "Why? Hindi ka naniniwala? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng namimigay ng virginity pero hindi papatol na maging f**k buddy?" Tanong pa ni Luna nang hindi magsalita ang lalaki. "Yes. I couldn't believe you acted like a slut when you suddenly kissed me while I was drinking alone. Then, to my surprised, you're actually a f*****g virgin. And now, you're rejecting me?" Sagot din nito. "Yes, I am. So, please? Let my hands go? I have so much work to do," mabilis na tugon ni Luna. Dahan-dahan naman nitong binitiwan ang mga kamay niya. Pinulot pa niya sa lapag ang nabitiwan niyang folder ng mga papeles na nire-review niya kanina. "Bye. See you never," nakasimangot na sabi pa ni Luna habang lumalabas sa pinto ng fire exit. Binilisan pa niya ang lakad niya para hindi siya maabutan ng lalaki. Grabe ang bilis ng t***k ng puso niya. Kabadong-kabado siya. Hindi niya in-expect na magkikita pa sila ng lalaking 'yon. Lalong hindi rin niya naisip na hahanapin pa siya nito. Lalo siyang kinakabahan. Naalala na naman niya ang mga sinabi sa kanya ni Eli. Ayaw niyang maging kabit! Nagmadali pa siyang maglakad at halos matapilok na dahil patakbo na ang lakad niya. Buong maghapon na tuloy siyang nagkulong sa opisina niya dahil ayaw niyang makita o makasalubong man lang ang lalaking 'yon. He's very handsome, yes. But Luna is really scared when he realized that man could be a very rich man. Iiwas siya sa gulo hanggang kaya niya. Nang masiguro na niya na natapos na niya ang mga documents na kailangan niyang reviewhin at pirmahan ay kaagad na siyang nagbook ng grab sa cellphone app niya. Matagal na siyang pinapakuha ng sasakyan ng Boss niya, ayaw niya lang. Gusto kasi niyang magpahinga sa biyahe. Mayroon silang transportation or gas allowance. Sinusulit na lang niya ang allowance sa grab. Sa umaga ay madalas na inaantok pa siya sa tuwing papasok sa hotel. Pagod naman na ang katawan niya sa maghapon kaya naisip niyang mas mahirap magdrive pauwi. Siguro maiisipan din niyang kumuha ng sasakyan sa mga susunod na taon, pero hindi pa sa ngayon. Nang makita niyang 2 minutes away na lang ang sasakyan na na-book niya, ay dali-dali na niyang kinuha ang bag niya at nagtungo nasa elevator para bumaba. Pasado ala sais na rin pala. Sa bahay na lang siya mamaya kakain. Inaantok na rin siya pero bibili muna siya ng ulam sa malapit sa apartment niya. Habang naghihintay ay may nakita siyang isang itim na Toyota Land Cruiser na naka-hazzard lang sa gilid. Iniisip niya na tila pamilyar ang sasakyang 'yon, pero wala naman siyang maalalang kakilala niya na may ganoong klase ng sasakyan. Si Eli naman ay naka Mirage, at bukod kay Eli ay wala naman na siyang ibang sasakyan na sinasabayan. Kaagad na lamang niyang iwinaglit ang akala. Mabilis siyang sumakay sa kotse na huminto sa harap nang masigurado niyang tama ang plate number na nakita niya sa sasakyan at plate number ng nasa application sa cellphone. Kaagad niyang isinandal ang likuran sa upuan. Palagi siyang excited na umuwi. Wala naman siyang ibang kakaiba na gagawin. But she feels like going home was her reward. Most of the time, it was a sign of a job well done. Natapos niya ang trabaho ngayong araw, panibago na naman bukas. She's a very pessimist woman, especially when it comes to her career. Kaya nga yata umabot na siya sa ganitong edad at hindi pa rin nagkakaroon ng first boyfriend dahil ngudngod siya palagi sa trabaho. Well, wala man siyang boyfriend, nadiligan naman na siya. She was able to experience that at least once. Uulit pa naman siya, pero hindi pa sa ngayon. She will gather enough courage to repeat her kapokpok-an moment, as what she and Eli calls it.  Nagpababa siya sa grab driver sa may gilid ng bilihan ng ulam. Ito ang paborito niyang karenderia. Mabait din kasi ang may-ari nito. "Nanay Millet, ano ang masarap ulamin ngayon gabi?" Nakangiting tanong pa niya sa may-ari ng karenderia. "Aba, siyempre lahat! Pero dahil mukhang pagod ka na naman sa trabaho, mas bagay sa'yo ang may sabaw. Sakto may nilagang baka kami ngayong gabi. Isang kanin ka ba ulit? O kalahati lang?" Nakangiting tugon din ng matanda kay Luna. "Nanay naman. Paano ako magkakalahating kanin kung nilagang baka ang ipapaulam mo sa akin? Siyempre isa't-kalahating kanin! Bukas na po ako magda-diet," natatawang tugon pa ni Luna. "Hindi mo na kailangan ng diet, Hija. Napaka-seksi mo na. Karamihan nga sa mga suki ko rito, nagtatanong tungkol sa'yo. Gandang-ganda at seksing-seksi sa'yo! Pinapagalitan ko nga, huwag ka kakong babastusin dahil hahatawin ko sila bg sandok at kaldero," kwento pa ni Nanay Millet kay Luna. Lalo tuloy natawa si Luna at napa-iling na lang. "Nanay naman, baka maniwala ako niyan? Haha. Pabalot na lang po, Nanay. Sa taas na po ako kakain. Salamat po," tugon din naman niya. Mabilis namang naibigay sa kanya ang binili niyang pagkain. Mainit-init pa 'yon. Habang nilalakad niya ang papunta sa Apartment Building niya ay may nakita na naman siyang isang itim na Toyota Land Cruiser. Halos kamukha iyon ng nakita niya sa tapat ng hotel kanina pero hindi nga lang siya sigurado kung pareho ba ng plaka. Kibit balikat na nagpatuloy na lamang siya sa paglakad. Marami naman kasi ang gano'ng klase ng sasakyan lalo na ang gano'ng kulay. Wala naman siguro siyang dapat na ikatakot? Puting van naman daw ang nangunguha ng bata, at isa pa, hindi na rin naman siya bata. Makunat-kunat na ang mga laman loob niya. Hindi na 'yon maibebenta pa ng mga sindikato.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD