Chapter 1

2048 Words
CHAPTER 1   "Nay, may project kami sa Science. Ambagan kasi kami. Penge ako ng isang daan," sabi ko kay mama habang abala ito sa paglalaba.   "Group project naman pala bakit ang laki naman! Kukupit ka lang eh!" hiyaw niya sa `kin. Napangiwi ako sa lakas ng boses ni nanay.   "Hindi nga Nay! Ako na nga lang hindi nagaambag! Nagagalit na mga classmate ko kakaantay sakin." Inis kong sagot sa kanya sabay kamot sa ulo.   "Aba't! Sinisigawan mo pa ko! D'yan ka lang kukunin ko yung pera." Nag hugas muna ito ng kamay at nagpunas sa duster nito.   Napabuntong-hininga ako. Bakit ba ganyan ang nanay ko. Kailangan pa kong sigawan magbibigay din naman pala!   "Oh! Ibalik mo yung sukli ha! Pambili din yan ng ulam mamaya."   Tinitigan ko ang inabot niya saking one fifty pesos.   "Eh, Nay! Nakalimutan ko sabihin na bibili ako ng colored papers tska glue pati mga pang design. May project din kami sa Filipino sabay-sabay lahat kasi nga matatapos na yung first grading period sakt-"   "Ano ba yan Leila! Oh oh! Tignan mo!" inilabas nito ang bulsa ng duster niya. Lahat walang laman. "Wala na kong pera! Siniid mo na. Lahat na lang sayo wala na para sa kapatid mo!" Inis nitong sermon sakin habang nakaunot noo.   "Yung ilaw at tubig hindi pa tayo nakakabayd mapuputulan na tayo. Hindi ka nagtitipid para bilhin yung mga school projects mo!"    Ano ba yan! Sinabi ko lang na bibili ako ng kailangan ko sa para sa school pati bill ng kuryente dinamay ako!?   "Oo na ho! Tipid na tipid na nga eh! Candy na nga lang pang meryenda ko mamaya!" Inis ko ring nilagay yung perang binigay niya sakin sa bulsa ng palda ko.   Winisikan niya lang ako ng tubig. "Umalis ka na nga! Pagnakikita kita kinakabahan ako! Parang palaging pera ang kailangan mo!"    Nakasimangot akong umalis ng bahay. Mabibigat ang mga paang naglakad ako sa gilid ng kalsada.   Kasalukuyan na kong third year student sa public school malapit samin.   Sumakay agad ako sa nakaparadang jeep. Naghintay pa ko ng ilang minuto dahil punuan ito.   "Estudyante po." Sabay abot ko ng anim na pisong pamasahe. Kinuha naman iyon ng dispatcher.   Huling sumakay ang dalawang matatangkad at naga-gwapuhang lalaki. Sakto pang umupo sa harap ko. Isang sulyap lang ang ibinigay ko sa kanila at itinuon ko na ang pansin sa bintana ng jeep na kala mo gumagawa ng music video.   Trip ko kaya yung ganito pag nasakay ako sa jeep.   Sinikop ko ang buhok at nilagay lahat iyon sa kabilang leeg . Malakas ang hangin sa jeep at baka maperwisyo ang ibang pasahero dahil nakaka-laklak na pala sila ng buhok ko. Napagalitan na kasi ako noon ng katabi ko. Feel na feel ko pa naman noon na dumungaw sa bintana at sinasabayan ang music sa cellphone ko. Ayon ipitin ko daw ang buhok ko dahil humahampas sa mukha ng anak niya.   Umayos ako ng upo ng umandar ang jeep. Pumikit ako dahil nakakantok talaga pag nasa byahe. Para akong hinihele. Pagdilat ko saktong napatingin ako sa pasahero na nasa dulo. Titig na titig ito sakin. Kaya tinagilid ko ang ulo ko at pinanlakihan ko ito ng mata. Ayon, natauhan umiwas ng tingin!   Makatitig wagas. Matunaw pa ko eh. Umirap ako at napatingin sa harap.   Isa din pala ang ‘sang to! Nakatitig din sakin. Ano bang problema sa mukha ko? May panis na laway ba ko kung makatitig sila sakin parang kami lang pasahero dito.     Tinagilid ko ulit ang mukha ko at pinandilatan ko rin ito ng mata. Pero sa halip na umiwas ay hindi ito natinag nakipagtitigan pa rin ito sakin. Ang gwapo pala nito oh! Mukhang yayamanin! Kaso bakit sa jeep nasakay?   Halatang mayaman naman ‘to. Ay bet! Ang tangos ng ilong. Manipis at mapupula ang labi! Napatingin ako sa katawan nya. PAK NA PAK! Kanin na lang ang kulang! Ulam na! Hapit ang damit sa katawan kaya bakat talaga ang muscle nito sa dibdib.     Ang laki ng braso! Sarap ata magpayakap dito! Napahagikgik ako ng palihim.   Muli akong napatingin sa mukha niya na ngayon ay nakangisi at nakataas ang kilay sakin. Napaayos ako ng upo sabay poker face.   Mukhang baliktad ang nangyari eh! Imbes na siya itong tumigil kakatitig sakin dahil nahuli ko ako pa itong nabaliktad ang sitwasyon! Nakakahiya ka Leila!   Tumingin ako sa driver tapos pasimple akong tumingin sa labasan ng jeep kaya nahagip ng mata ko si kuya na umiiling habang nakangisi.   Oo na nga! Naglaway na nga eh! Yummy kasi eh!   Hindi nagtagal natanaw ko yung school. Kaya pumara ako.   "Para po," sabi ko kay manong driver.   "Manong para po," sabi ko ulit dahil hindi ito tumigil kaka-drive. Naandar pa rin ang jeep.   Huminga ako ng malalim para magipon ng lakas para sumigaw dahil baka hindi narinig ang boses ko.   "k**i NG INA! MANONG PARA HO! LAGPAS NA KO OH!" hiyaw ko kaya lahat ng pasahero napatingin sakin. Ang iba natawa sa nasabi ko. Walang habas kasi itong bibig ko eh! Sorry naman! Bingi yung driver eh!   Humagalpak ng tawa yung kasama ni kuya samantalang ito naman ay nagulat siguro sa sinabi ko.   "Ang ganda ni ate. Chicks nga eh. Wag mo lang pagsalitain," bulong ng kasama nito pero malakas ang radar ko kaya rinig ko pa rin ito.   "Hoy ikaw!" Turo ko sa kasama ni kuya. Napatingin silang dalawa sakin ng nakakunot noo. Tinuro ng kasama nitong lalaki ang sarili.   "Ikaw, hindi ko pinapakielaman `yang patilya mong hindi naman bagay sayo. Kaya walang pakielamanan ha? Mind your own monkey business!" sabi ko sabay yuko para sana umalis.   Narinig ko pa ang tawanan ng mga pasahero sa sinabi ko. Hahakbang na sana ako pababa ng marinig ko ang sinabi ng pasahero.   "LEILA PEREZ!"   Wow! Ang boses parang announcer lang sa karera ng kabayo!   Teka pano ‘non nalaman ang pangalan ko?!   Lumingon ako para malaman kung sino yong walang kwentang tao na tumawag sa napakaganda kong pangalan.   "NICE NAME. SEE YOU NEXT TIME!" sabi ni kuya. Tapos ngumiti sakin kaya lumabas ang nakamamatay nitong dimple. DIMPLE isa lang kasi.   HA? May next time?!   Nabingi ata ako ‘don ah!   Napahawak naman ako sa ID ko. Dahil nakatitig ito doon. Kaya pala nabasa niya!   "Hoy! Maglalandian na lang ba kayo ‘dyan! Kanina pumapara ka ngayon parang ayaw mo ng umalis!" sigaw ng driver sakin.   "Eto na nga aalis na! Atat ka manong! Sa susunod gagamit din ng cotton buds ha pag may time!" ganti kong saad sabay takbo papasok na sa gate ng school.         - "May transferee daw, a, nabalitaan mo?" Sinulyapan ko si Shaina pagkatapos ay humarap ulit ako sa labas ng bintana habang nginangata ang dulo ng ballpen ko.   Nagkibit-balikat ako, kasi hindi ko naman alam talaga at hindi ako interesado. Mas may mahalaga pa kong dapat isipin kesa sa intindihin kung ano yung bagong balita sa school.   "Grabe! Pinag-uusapan siya sa campus! Alam mo nakasalubong ko siya kanina. Totoong gwapo nga talag--"   "May alam ka bang pwede kong pasukan? Part time ba? Kahit na kahera lang sa karinderya ng tiya mo magkaron lang ako ng pagkakakitaan."    Napatitig muna siya sakin ng ilang saglit bago nagsalita.   "Uh… hindi ko kasi sigurado, pero itatanong ko kapag napabisita ako sa sabado. Balak kasi ni mama pumunta sa kanila para kunin yung isang sako ng bigas. Bigay ni Tiya samin."    "Sige salamat, kailangan ko kasi talaga. Gusto kong makapagipon para sa kolehiyo." Napabuntong hininga ako at nakapangalumbaba na nakatingin sa black board ng room namin.   Buwan na ng Nobyembre at sa susunod na taon ay nasa huling baitang na ako sa sekondarya. Dapat ay ngayon palang makapagipon na ako. Hirap kami sa buhay, kaya mas gusto kong magtrabaho kahit alam kong hindi papayag ang aking mga magulang. Ano ba ang pipiliin ko? Ang galit ng Tatay at Nanay o ang kumita kada araw para may pambayad kami sa gastusin?   Kung makakapasok ako bilang kahera sa karinderya ng tiya ni Shaina paniguradong malaking tulong na iyon. Patok kasi ang karenderya ng tiya nito sa kabilang bayan. Tapat lang kasi iyon sa bagong ginagawang school building, kaya maraming kumakain lalo na ang mga workers doon. Malapit lang naman iyon sa amin at kayang kaya ko itong lakarin. Tutal ay tuwing umaga lamang ang pasok ko at sa hapon ay pwedeng pwede akong sumide-line. Sana talaga ay magkatrabaho na ako.   Pumasok ang guro namin sa mathematics bitbit ang ilang libro at gamit sa kanyang pagtuturo.    "Good morning class!" aniya pagkatapos niyang mailapag ang mga gamit sa table.   "Good morning ma'am!" sabay-sabay naming bati sa kanya habang nakatayo pagkatapos ay umupo na.   Inayos niya ang itim na salamin bago muling sumulyap sa pintuan, agad ang pagkunot ng noo at pagsingkit ng mata ko ng mapansin ang pamilyar na bulto ng lalaki na nagaantay sa labas ng pintuan ng classroom.   "Okay class! We have a new transferee student here, please come in Mr. Torillo and introduce yourself to the class," sabi ng guro namin at sinenyasan na pumasok ang lalaking kanina pa nagaantay sa labas. Halos magkanda haba haba ang aking leeg sa kakatanaw sa lalaking kausap ni maam. Laglag ang aking panga ng makita ko siya! Hindi ko na napansin ang ilang bulungan ng mga kababaihan ng makita ang bagong transferee na sa section pa namin napunta.   "I'm Francis Torillo your new classmate."   Lahat nagtilian maliban sakin. Agad ang pagkabahala saking mukha ng mapansin nitong sinusuri ang paligid na parang may hinahanap. Hindi ko maintindihan pero may pakiramdam ako na ako ang hinahanap niya?   Ni hindi ko nga alam kung san na napunta yung lakas ng loob ko pag dating sa lahat ng bagay. Bigla akong nakaramdam ng hiya, dahil ba iyon sa nangyari nung nakaraang linggo sa jeep? O nahihiya ako kasi gusto ko siya? Alinman sa dalawa ay pareho lang na nakakahiyang talaga.   Umiwas ako ng tingin at lihim na nanalangin na sana ay wag mapadako ang kanyang paningin sakin. Sobra na ata ang pagka-assuming ko para maisip na hinahanap niya ko? Imposible din na hindi ako magpakita dahil magka-klase kami. Is this coincidence or what?   "Ms. Perez, sa likod mo siya uupo."    Bagsak ang aking balikat ng marinig ang pangalan. Hindi ko na nagawang umiwas. Nagtama ang aming mata. Napangiwi ako ng makita kong unti unting sumilay ang ngiti nito sa labi.   I knew it! He remembered me!    "O-opo maam," mahinang sabi ko.    "Ang swerte naman ni Mira katabi niya yung transferee!" sigaw ng classmate ko na medyo may pagka madaldal. Absent ang classmate ko na si Mira ngayon. Nuknukan ng kalandian ang babaeng ‘yon kaya panigurado akong mapapabilang ang bagong salta na ito sa lalaki niya.   "I guess this school year will be exciting," sabi niya bago siya tuluyang maglakad papunta sa pwesto niya.   Napaiwas ako ng tingin at agad ang pagtahip ng kaba saking dibdib. Pakiramdam ko ay may laman ang sinabi niya at isa ako sa dahilan kaya exciting? Is that it? Or I'm just assuming again? Pero kadalasan ng prediction ko ay nagkakatotoo.    Tinagilid ko ang ulo ko at itinuon ang buong atensyon saming guro sa harapan. Panay ang mahihinang hampas ni Shaina saking hita pero pinandilatan ko lang siya ng mata at muling tumingin sa harap.   Rinig ko ang pagurong ng ilang silya at paglapag niya ng bag sa upuan. Mas lalo akong na tense! Napatuwid ako ng upo at kahit inis na inis ako sa reaksyon ko ay hindi ko pa rin ito mapigilan.   "Hi classmate! I'm Shaina Pereña nice to meet you," mahinang sabi ng katabi ko at gustong gusto ko siyang sipain dahil sa pakikipagusap nito sa bagong salta.   "Hi, Francis Torillo, nice to meet you too."    Halos mangisay sa kilig ang katabi ko samantalang ako ay kanina pa nanakit ang katawan sa sobang pagkastraight ng upo. Nangangawit na din ang leeg ko sa pagtingin sa harap.    Ramdam ko ang mahinang pagsipa niya sa silya ko pero hindi ko 'yon ininda.   Pretend Leila... pretend... Kunwari di mo alam. Focus ka sa teacher mong kanina pa nagdadal sa harap.   Pero kahit anong pangungumbinsi ko sa sarili ay nawala na, ng maramdaman ko naman sa bandang siko ko ang pilit na iniipit na maliit na papel. Muling sinipa niya ng mahina ang aking upuan kaya sa sobrang nerbiyos ko sa kanya ay napasigaw na ‘ko!   "Ano ba?!" Lingon ko sa kanya, nawala ang ngisi niya ng makita akong inis na inis.   "Anong problema niyong dalawa diyan? Hindi kayo nakikinig sakin! Leila why are you shouting?" nakapameywang tanong ng guro sa `min.   "Maam kasi sinisipa niya yung upuan ko." I didn't lie. Nilaglag ko siya. Wala akong matinong dahilan kaya mas pinili kong sabihin ang totoo.   "And why did you do that? Mr. Torillo?"   "Gusto ko po siyang makausap saglit at yayaing kasabay maglunch kaso hindi niya ko pinapansin."   Laglag ang panga ko ng sagutin niya ng ganon ang guro namin!   At dahil doon, napaaga ang lunch break namin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD