Matapos nan gaming usapan nina Lola at Kuya Gelo ay nag-tungo na rin ako sa aking kwarto upang mag-pahinga.
Kinaumagahan, alas kwatro ng madaling araw ay narinig kong may nasa kusina na. Nang sumilip ako ay ang aking in ana nag-papakulo ng tubig para sa kape na kaniyang ihahanda ganoon na din ang tinapay.
Nang biglang lumabas ang aking ama at niyakap ang aking ina. Doon ay napansin kong humihingi na ng pasensya ang aking ama sa aking ina. Nang biglang binuksan ni Kuya Gelo ang aking pintuan na hindi niya alam na ako ay nandodoon.
Kaya’t sa pag-kabukas niya ng malakas ay aksidentend nauntog ako sa pintuan. Ngunit nang makita ako ng aking kapatid ay tinawanan niya ako.
“Aray naman kuya,” pahayag ko sa kaniya
“I-ikaw kasi, hindi ko naman alam na nandyan ka na. Ano ba kasing ginagawa mo diyan sa likod ng pintuan?” tanong naman niya sa akin ng pabulong habang tinatawanan.
“W-wala—” tugon ko naman.
Nang biglang nag-salita ang aking ama, “Gelo, pumunta na kayo dito at pupunta na tayo sa taniman. Mag-almusal na kayo,” utos ng aking ama sa aking kapatid.
“O-opo tay!” tugon naman niya kaagad habang natatawa-tawa sa nangyari sa akin.
Lumabas narin ako kaagad ng pinto nang sabihin iyon sa aking kapatid na lalaki. Nang lumabas ako ay hawak-hawak ko ang aking noo. At napansin naman agad iyon ng aking ama,
“Oh? Napapaano yan? Bakit namumula?” tanong ng aking ama at pansamantala niyang itinigil ang kaniyang pag-kakape.
“Pasensya na tay, hindi ko naman alam na nasa likod na pala ng pinto si Luna. Ayun, pag-bukas ko ng pinto nauntog, nawala ang antok,” pahayag naman ng aking kuya Gelo sa aming ama habang natatawa.
“Ikaw Gelo, wag kang tumawa. Tingnan mo ang nagawa mo sa kapatid mo, nag-kabukol siya ng wala sa oras, ikuha mo ako ng yelo doon,” utos ng aking ama sa aking kapatid.
Agad namang kumuha si Kuya Gelo ng yelo para mailagay sa aking noo dahil sa bumukol ito.
Nang makakuha na si Kuya ng yelo ay ibinigay ito sa aking ama, kumuha naman ng malinis na tuwalya ang aking ama at doon inilagay ang yelo.
“T-tay, wag mo po diinan masakit eh,” pahayag ko sa aking ama
“Oo anak, dadahan-dahanin ko lang,” tugon naman niya sa akin.
“Wag kasi titigil sa likuran ng pinto Luna, kanina mukhang tulog pa kaluluwa mo na biglang nagising, hahaha,” saad naman muli ni Kuya Gelo nang pabiro.
“Kuyaaaa—” pahayag ko naman
“Oo na, biro lang, hahaha,” tugon muli ng aking kuya sa akin.
“Tay ako na ang mag-hahawak, mag-almusal na kayo diyan, para mabilis na tayong makakilos,” pahayag ko naman sa aking ama.
“Sigurado ka anak? Baka mangalay ka?” pabiro naman niya sa akin,
“Tay, kaya ko na. Hahhaa, alam ko namang baby niyo ako pero kahit baby niyo ako eh kaya ko na po ito, malakas ata to,” pahayag ko naman sa aking ama.
Nag-tawanan kami, at agad rin niyang ibinigay sa akin ang tuwalya na may yelo at ako na ang nag-tuloy na ilagay sa noo ko. Ininom na muli ng aking ama ang kaniyang kape at ganoon din ako na nag-simula na rin ng pag-kain ng almusal na tinapay.
Nang biglang umimik ang aking ina sa akin at ikinagulat ko naman,
“Luna? Kailan ka babalik ng Maynila?” tanong niya sa akin
“P-po nay? Baka po bukas, sayang po kasi pag-aaral ko kung hindi ko itutuloy eh ilang taon na lang naman po at makakagraduate na ako,” tugon ko naman sa aking ina.
“Sige, papayagan kita basta’t mag-iingat ka doon. Alam kong hindi ganoon kadali ang buhay doon, pero sana bago ka mag-karoon ng magiging kaibigan ay kilalanin mo muna sila ah? ayaw namin na napapabayaan ka,” pahayag muli sa akin ng aking ina.
“Salamat nay,” tugon ko naman agad sa kaniya.
“Sige na, bilisan niyo na diyan at malayo pa ang aahunin natin,” pahayag muli ng aking ina sa amin.
Kumain na kami ng mabilis ni kuya Gelo ng tinapay at uminom ng kape, at pag-katapos noon ay nag-bihis kami ng damit na may mahabang manggas ganoon din ang pang-baba na mahaba para hindi kami mangati habang nandoon sa taniman na puno ng talahib.
Tulog pa ang aking bunsong kapatid ganoon din ang aking lola, ngunit nang dahil kinailangan naming mag-paalam sa aking lola ay ginising ito ng aking ina at nag-paalam. Bumangon ang aking lola upang tingnan ang aming pag-alis, at para masarhan narin niya agad ang bahay dahil babalik pa siya sa kaniyang higaan.
“tay, dito na po ako sa motor sasakay kay kuya Gelo,” pahayag ko naman sa aking ina.
“Sige anak, hahawak ka ng mahigpit kay kuya mo at baka malag-lag ka,” tugon naman niya sa akin.
“Opo tay,” tugon ko naman agad sa aking ama.
Si mama ay nakasakay sa aming tricycle na minamaneho ng aking ama habang si Kuya Gelo naman ay ang kaniyang motor. Bago kami makataas ng bundok ay babyahe pa kami ng ilang minute upang makarating doon.
Nang makarating kami doon ay lumiliwanag na, at doon sa pag-liwanag na iyon ay mag-aalasais na.
Nakababa na kami ng aming sinasakyan, at agad kong kinuha ang aking bibitbiting tubig kay kuya. Habang sina tatay naman ay dala nila ang mga sako ganoon din ang iba pang kailangang gamitin sa bundok. Doon sa itaas ng bundok ay nandoon ang aming bahay kubo, na pwede naming tigilan kapag kami ay ginagabi. Nandoon din ang aming alagang kalabaw sa pwestong iyon.
Paahon na kami ng bundok, ilang minuto pa lang ng aming pag-lalakad ay nakakaramdam na ako ng pag-kapagod at napansin naman iyon ng aking kuya Gelo.
“Oh? Luna? Kaya mo pa ba?” tanong niya sa akin habang nag-aalala
Napatingin naman ako sa kaniya ng itanong niya iyon sa akin, “Oo kuya, parang nanibago lang ako siguro dahil hindi na ako sanay,” tugon ko naman sa kaniya.
“Ay syempre, wala doong bundok,” pabiro naman sa akin ng aking kuya.
Natawa naman ako sa sinabi sa akin ng aking kapatid. Pero kahit ganoon ay tuloy-tuloy parin ang aming pag-lalakad makarating lang doon sa taniman namin sa bundok.
Ilang minuto na ulit ang nakalipas ay nakarating na kami sa bundok kung saan nandoon ang aming taniman ganoon din ang aming kubo na aming pinag-papahingahan. Nang nandoon na kami sa kubo ay ibinaba na namin ang aming mga dala-dalahan at nag-pahinga ng kaunti para makapagsimula na kami.
Uminom ako ng kaunting tubig, at habang tumitingin ako sa paligid ay naaalala ko ang aking pag-kabata at agad narin naman akong napapangiti.
“Oh? Anong iningingiti-ngiti ng kapatid ko diyan?” tanong sa akin ng bigla ng aking kapatid.
Nagulat naman ako ng itanong sa akin yun ni Kuya Gelo at agad kong ibinalik ang aking mukha sa pagiging seryso. “W-wala kiya ah!” tugon ko naman agad sa kaniya.
Nang biglang umimik sa amin ang aking ina, “Oh? Tapos na ba kayo diyan? Pwede na ba tayo mag-simula, baka hapunin tayo kung hindi pa tayo mag-sisimula,” pahayag sa amin ng aming ina.
“Opo nay! Pwede na po, mukhang tapos narin mag-pahinga si Luna,” tugon niya ng pasigaw dahil nasa malayo na ang aming ina.
Nang sabihin iyon ni kuya sa aming ina ay tumayo na ako kaagad at sumunod na kay kuya kung saan doon narin ang tungo niya sa aming mga magulang. Nang papalapit na kami ay nakikita ko na unti-unti ang aming taniman.
“Ang sagana tay ng mga tanim niyo ah,” pahayag ko sa aking ama habang siya ay nangunguha na ng mga bunga.
“Oo nga anak, ang galing parin ng panginoon sa atin at binibigyan tayo ng ganitong kagagandang bunga sa pinag-hirapang tanim,” tugon naman agad sa akin ng aking ama.
“Hindi mo ba alam Luna? Gwapo kasi kami ng itay kaya ganito ang kinalabasan ng tanim natin, ang tawag kasi sa amin pang-paswerte, hahahaha” pabirong pag-kakasabi ng aking kapatid.
Nang dahil sa sinabi niya ay nagsi-tawanan kami ng aking ama kasama na rin ang aking ina.
“Kalokohan mo Gelo, wag mo dalhin kay Luna nako!” pahayag naman ng aking ina nang marinig iyon mula sa aking kapatid.
“Ma, tunay naman kasi, tingnan mo naman ang mukha ng inyong anak. Sa gwapo kong ito, kanina pa ba mag-mamana di ba?” pahayag muli ni Kuya Gelo sa aking ina.
“Tigilan moa ko Gelo, hahhaa,” tugon naman ng aking ina nang sabihin iyon ni kuya.
Hindi ako makaimik sa mga sinasabi ni kuya gelo, nang bigla akong nalugkot dahil ang tagal ko nang hindi namalagi dito sa amin sa bukid. Siguro kung may unibersidad dito ng katulad sa maynila, hindi na ako mag-papakahirap mag-isa doon.
Lucas’s point of view
Panibagong araw, kami na naman ni Jeremy ang mag-kasama. Kakakita lang naming dalawa sa school.
“Good morning bro!” pag-bati sa akin ni Jeremy,
“Good morning,” tugon ko naman.
“Oh? Wala ka bang balita kayna Luna at Jessica? Matatagalan ba sila sa pagbalik?” tanong naman bigla sa akin ni Jeremy
Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang tanong, “Wala pa eh, sayo ba? Hindi ba nag-paparamdam sayo si Jessica?” tanong ko naman pabalik sa kaniya,
Umiling siya sa akin at nang makita ko iyon ay napabuntong hininga ako. “Iba parin pala talaga kapag tayong apat ang mag-kakasama,” tugon ko naman sa kaniya.
Nag-lakad na kami patungo sa aming classroom kung saan iyon ag major. At nang pag-pasok namin ay nagulat kami na nakapwesto na doon si Elise, kaya’t agad naman akong siniko ni Jeremy.
Naupo ako sa kung saan nandoon si Jeremy dahil ayoko rin namang tabihan si Elise. Umalis naman kaagad sa kinapepwestuhan ang aking kaklase na dapat katabi ni Jeremy at tumabi naman iyon kay Elise.
Nang biglang dumating ang aming professor. Nag-simula na kaagad ang klase noon nang bigla kong napansin na nasilip si Damian sa aming classroom. Bigla namang nag-iba ang aking paningin ng makita mismo ng aking mga mata ang aking kaaway. Nang bigla akong napansin ng aming professor.
“Mr. Lucas? Anong tinitingnan mo diyan sa labas? May problema ba?” tanong kaagad sa akin ng aking prof
“Ah— wala naman pong problema sir, may nakikita lang po ako sa labas na nasilip,” tugon ko naman.
Nang biglang tumungo sa pintuan ang aming prof at tiningnan kung sino ang nasilip at nang makita niya ay si Damian. Nagulat ako nang papasukin si Damian sa aming classroom,
“Okay Mr?—” pahayag ng aming prof
“Damian sir,” tugon naman niya nang nasa harapan na siya ng klase.
“Anong kailangan mo Mr. Damian para sumilip ka ng sumilip dyan sa pintuan? Hindi mo ba alam na nadidistract mo ang klase ko dahil sa ginagawa mo?” pahayag naman ng aming prof sa kaniya.
Nang biglang hindi umimik si Damian sa sinabi ng aming prof sa kaniya, kaya’t muling tinanong ni sir si Damian.
“Ano pag kailangan mo? Sino ba ang kailangan mo dito sa klase ko?”
“Ah sir—si Elise po, can I talk to her for a while?” tugon kaagad ni Damian sa aming guro.
Napatingin naman si sir kay Elise, at agad na kinausap. “Okay Elise, sumama ka palabas kay Mr. Damian, at pag-usapan niyo na ang kailangan niyong pag-usapan,” utos ni sir kay Elise.
Sumama ang tingin ni Elise kay Damian nang sabihin iyon sa kaniya, at dahil wala siyang magawa s autos ng aming prof ay tumayo nalang agad ito at sumunod palabas kay Damian para makipag-usap.
Elise’s point of view
“Ano bang problema mo Damian? Ano na naman ang kailangan mo? Pati ba naman sa klase ko nang-iistorbo ka?!” gigil na gigil kong pag-kakasabi kay Damian nang i-excuse ako sa aming klase.
“Chill Elise, wala naman akong ginagawang masama. Gusto lang talaga kitang makausap, and at the same time makasama. Masama ba yun? Parang kailan lang may nangyari sa atin tapos ngayon, parang kaaway mo na ako ah? bakit? Nagugustuhan mo na ba pabalik si Lucas?” pabulong sa akin ni Damian.
At agad ko naman tinulak siya papalayo sa akin.
“Tigilan mo nga ako Damian! Alam kong may nangyari sa atin, pero hindi ibig sabihin noon kaya mo ng sabihin sa akin ang gusto mo,” pahayag ko naman sa kaniya.
Hindi ko maipaliwanag ang galit ko kay Damian sa mga oras na yun, kaya’t nang sabihin ko iyon ay agad akong bumalik sa loob upang bumalik sa klase at iniwan ko sa labas si Damian.