Lucas’s point of view
Nang makita na ako nina Jessica at Luna ay napansin nila ako na tila ba may hinahanap kaya tinanong nila ako
“Lucas? May problema ba? Sinong nakita mo?” tanong kaagad sa akin ni Luna nang mapansin niya na para akong may hinahanap.
Napatingin naman ako sa kaniya nang itanong niya iyon sa akin, “Ah—wala wala Luna, may napansin lang ako kanina, yung aso,” tugon ko naman kay Luna.
Hindi ko sinasadyang mag-sinungaling ngunit ayaw ko naman sabihin kayna Luna at Jessica ang katotohanan na parang naaninagan ko si Damian sa labas ng bahay nila. Sa mga oras na iyon ay ayoko rin na matakot silang dalawa.
“Sakay na kayo,” pahayag ko sa kanila,
At agad rin naman nilang ipinasok ang kanilang mga gamit. Nang matapos iyon ay pumasok na rin sila, ngunit nagulat ako nang bigla silang may sinabi sa akin tungkol sa kanilang naranasan sa mga oras na iyon sa kanilang dorm.
“Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kanina noong nasa dorm tayo, kahit si Aling Lisa ay natatakot para sa atin lalo nan ang malaman niyang aalis tayo,” pahayag bigla ni Luna sa amin ni Jessica.
Nang marinig ko iyon ay bigla akong nag-tanong, “Bakit? Ano ba ang nangyari?”
Bigla namang sumagot si Jessica sa aking tanong sa kanila,
“Naranasan na naman namin ang kalampag sa bubong kanina, at hindi lang kami ang nagising nang mga oras na iyon,” tugon naman kaagad sa akin ni Jessica.
Doon sa sinabi ni Jessica ay napaisip ako, dahil sa nakita ko si Damian sa harap ng dorm nila nang patungo ako doon. Hindi ko masabi sa kanila ang tungkol kay Damian, sa nakita ko.
At dahil ayoko silang mag-taka kung bakit ako napatahimik ay agad na rin akong umimik,
“Paniguradong may dumadaan sa bubongan niyo, na hindi natin alam kung sino iyon,” tugon ko naman sa kaniya.
“Baka nga,” pahayag naman ni Luna.
“Hindi ko na talaga keri ang nangyayari sa lugar natin,” saad naman muli ni Jessica.
“Kahit ako, kahit mga magulang ko din siguro kapag nalaman itong nangyayari baka hindi na ako pabalikin,” pahayag naman bigla ni Luna.
Nang sabihin iyon ni Luna ay bigla akong nagulat, dahil hindi niya alam ay hindi siya pwedeng umalis dito sa lugar namin at hindi na siya babalik. Dahil bukod sa may simbolo siya sa kaniyang braso, ay iyon ay sumisimbolo din nang posibleng pag-kakaganap katulad namin.
“Ah—eh bakit? Paano naman kami nina Jeremy? Iiwan niyo na lang kaming dalawa?” pabiro ko naman sa dalawa habang nangongonsensya sa aking mga kasama.
“Sus! Ikaw Lucas, hindi ka naman ganyan dati, mag pag-ganyan ka,” pahayag naman bigla ni Jessica nang sabihin ko iyon sa kanila.
“Oa mo Lucas! Mag-focus ka na lang diyan sa minamaneho mo, hindi yung ang dami mong pinag-huhugutan diyan,” saad din naman ni Luna sa aking sinabi.
Doon ay nag-simula na kaming nag-tawanan at mas lalong nag-kwentuhan. Nakatulong ang mga oras na iyon na mawala ang kanilang takot sa mga nangyayari sa aming lugar.
Nang makarating kami ng Terminal ay bumaba ako para dalhin ang mga gamit ni Jessica at Luna at ihatid sila sa kani-kanilang sakayan ng bus. At sa hindi inaasahan namin ay mag-katabi lang ay paradahan nilang dalawa kaya doon ay sabay silang namaalam.
“So ano? Balik kayo agad ah?” pahayag ko naman sa kanila
“Oo naman, pipilitin namin. Kailangan, mag-aaral pa eh, mahirap na,” tugon naman kaagad ni Luna.
“Sige na, uuna na ako Luna baka umalis na ang bus mukhang punuan na,” pag-paalam naman ni Jessica.
Napatingin naman kami ni Luna sa bus na sasakyan ni Jessica, “Oo nga Jess, sumakay ka na. Nag-tatawag na ang konduktor sa huling pasahero oh,” pahayag ko naman sa kaniya nang mapansin ko ang konduktor.
“Sige na Luna, mag-iingat ka ha,” pahayag naman ni Jessica.
Umalis na si Jessica at nag-tungo na ito sa bus. Habang si Luna naman ay ganoon din, “Maraming salamat,” pahayag sa akin ni Luna.
Ngumiti naman ako sa kaniya, “Wala iyon,” tugon ko naman.
Umalis na rin si Luna matapos iyon, at bago ako umalis ay hinintay ko munang umalis ang bus ng kanilang sinasakyan. Nang bigla akong may napansin at naamoy sa paligid. Pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin na tila hindi ko pa kilala.
Ngunit hindi ko na iyon pinansin at nag-tungo na ako sa sasakyan, “Sino kaya iyon? Parang si Damian iyon ah, hindi kaya nakasunod siya sa amin nang hindi ko alam?” pag-tataka ko sa aking isipan.
Pinaandar ko na ang sasakyan at nag-tungo na ako sa paaralan upang pumasok.
Damian’s point of view
“Nag-tataka na ako kung bakit napakalapit mo na sa kanila,” pahayag ko
Bumalik na ako sa lugar namin nang maayos. Pag-dating ko doon ay nagulat ako nang makita ako nang aking ama na punit-punit na naman ang damit.
“Oh Damian? Saan ka galing?” tanong ng aking ama sa akin.
“Ah—Dad, ang aga niyo naman po? May pinuntahan lang po kami ng mga kaibigan ko,” tugon ko naman sa aking ama.
“Kanina ka pang wala, madaling araw ka umalis. Tapos sasabihin mo sa akin na kasama mo ag mga kaibigan mo? Niloloko mo ba ako Damian?” saad niya muli sa akin.
Doon sa pag-kakasabi ng aking ama ay hindi agada ko nakaimik ng mabilis, “Sinasabi ko sayo Damian, kapag may ginawa ka na namang hindi okay ikukulong kita sa kulungan natin kahit anak pa kita!” pahayag niya muli sa akin habang galit na galit.
“Papasok na po ako sa kwarto,” pag-kakasabi ko na lamang at hindi ko na nilabanan ng iba pang sagot ang aking ama.
Nag-tungo na ako sa aking kwarto at pag-pasok ko doon ay agad akong kumuha ng panibagong damit at agad na ring nag-tungo sa paaralan upang pumasok. At dahil malapit lang naman ang paaral sa aming bahay ay hindi na ako matatakot na malelate pa ako, dahil nilalakad ko lang naman iyon.
Nang matapos na ang aking Gawain sa bahay, ay umalis na ako sa amin at nilakad ko na ang patungo sa aming paaralan.
Nag-lalakad pa lang ako ay bigla akong nilapitan ni Raver, “Oh? Parang nakangiti ka ngayon? Anong nangyari sayo?” tanong niya sa akin
Nang bigla akong napatingin sa kaniya, “Wala naman bro,” tugon ko naman.
Nang malapit na kami sa paaralan ay nasilayan ko ang sasakyan ni Jeremy na patungo sa paring lot, at habang pinag-mamasdan ko iyon ay nagulat muli ako nang makita ko si Lucas na siya ang nag-mamaneho.
“Sabi ko na nga ba,” bigla kong pahayag.
Narinig naman ako bigla ni Raver sa aking sinabi, “Ano yun Damian?” tanong niya bigla sa akin.
“Ah—wala wala bro, may pumasok lang sa isip ko,” tugon ko sa kaniya.
“Ikaw Damian! Napakadaya mo no, hindi ka na nag-sasabi sa amin ng mga sikreto mo o mga nalalaman mo!” pabirong pag-kakasabi sa akin ni Raver.
At habang wala pa si Leo, isang bagong kaibigan na nag-transfer galing sa ibang school. Ay hinintay niya muna siya sa lobby at naupo. Nang biglang dumaan sina Lucas at Jeremy at may pinag-uusapan.
“So nasaan na sina Luna at Jessica?” tanong bigla ni Jeremy
Nang bigla kong narinig ang pangalan nila ay mas lalo ko pang nilinawan ang aking pang-dinig.
“Pauwi daw muna sa kanila eh,” tugon ni Lucas.
Habang nakaupo ako, ay doon ay nalaman ko na kung pasaan sina Luna at Jessica.
Hindi ko alam kung bakit inaalam ko at intersado ako kay Luna ngunit hindi ko siya maiwasan kagaya ng pag-iwas ko bigla kay Elise matapos ang nangyari sa sinehan.
“Nandyan na pala si Leo eh,” pahayag bigla ni Raver
“Hi guys,” pag-bati ni Raver sa amin, nang mapansin ko na nakatingin si Leo kay Lucas.
“Oh? Bakit ka nakatingin kayna Lucas? Kilala mo ba siya?” tanong ko kaagad kay Leo
“Yes of course, siya ang sikat na sikat noon sa aming school. Hindi ko lang ineexpect na magiging ganyan siya after lahat ng nangyari sa aming school before. Hindi mo aakalain na halos karamihan sa students doon ay takot sa kaniya, lalo na ang mga nambubully ng ibang tao,” pahayag muli ni Leo
“Bakit daw sila natatakot kay Lucas?” tanong ko naman nang bigla akong nag-taka at naging interesado.
“Hindi ko alam eh, pero kakaiba daw si Lucas noon,” tugon naman niya sa akin.
“Baka dating gangster yan! Hahahaha!” pahayag ni Raver habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap tungkol kay Lucas.
“Umayos ka nga diyan bro, hindi biro itong pinag-uusapan namin no. At kung hindi ka interesado sa pinag-uusapan namin, manahimik ka na lang,” pahayag ko naman sa kaniya ng seryoso.
Biglang tumahimik si Raver ng sabihin ko iyon sa kaniya, halos hindi niya alam kung anong sasabihin niya dahil alam kong ayaw niyang maging malala ang aming pag-aaway. Hindi ko na rin muling inimikan si Raver, kaya’t lalo na itong hindi nakapag-salita.
“So ano? Saan na tayo?” tanong ni Leo sa akin.
“Sa tambayan na lang muna tayo, hindi naman makakaayos ang pag-aaral kung hindi pa tayo kumakain di ba? Haha,” pahayag ko naman sa kanila.