Chapter 38

1107 Words
Hindi namin alam kung saan ang sunod naming patungo nina Lucas at Jeremy, kaya’t kami ni Jessica ay sumusunod na lamang sa kanila kung saan sila pupunta. Nang biglang nilapitan ako ni Lucas, at hinila ang aking kamay, “Huy! Huy Lucas! Pasaan tayo?!” tanong ko sa kaniya habang hila-hila niya. Bigla niya akong dinala sa kung saan medyo malayo na kayna Jessica at Jeremy, “Ano bang ginagawa mo Lucas?” tanong ko muli sa kaniya. Tumigil na kami, “Hindi naman masama kung bigyan natun silang dalawa ng time di ba?” “Mag-sabi kasi, hindi yung nanghihila na lang ng basta,” saad ko naman sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang napatungo at nakonsensya sa kaniyang nagawa at nang mapansin ko iyon ay agad ko naman din iyong binawi sa kaniya. “Huy, ito naman biro lang eh,” saad ko agad sa kaniya. “Baliw, okay lang,” tugon naman niya “Pasaan ba tayo?” tanong ko naman sa kaniya Napatingin naman siya sa akin, “Ikaw, kung saan mo gusto. Gusto mo ba mag-tingin-tingin?” tanong naman niya sa akin. “Nakooo wag na, baka mainip ka lang sa akin,” pahayag ko naman sa kaniya. “Sira ka ba? Okay lang, at tsaka ako naman ang nang-hila sayo dito bakit naman ako maiinip diba?” saad naman niya sa akin. “Sure ka na diyan?” tanong kong muli sa kaniya. “Oo, sure na sure,” tugon naman niya sa tanong ko. “Okay sabi mo eh, sige tara! Doon tayo,” pahayag ko naman sa kaniya habang tinuturo kung saan kami unang pupunta. Sinamahan niya ako sa unang gusto kong puntahan sa department store, at habang nag-titingin ako sa bag section ay bigla niya naman akong tinanong, “Gaano na ba katagal may feelings si Jeremy kay Jess?” Nagulat naman ako sa kaniya nang itanong niya iyon sa akin at magkaroon ng idea tungkol sa dalawa, at napangiti naman ako doon. “Nako matagal na, simula first year college ata may gusto na yang si Jeremy kay Jessica. Kaso si Jeremy kasi hindi mo makikita sa kaniya ang pagiging ganyan niya dati, pakiramdam mo noon bolero, mayabang, bida-bida. Hanggang sa dumating tayo ngayong third year, naging seryoso na pala kay Jess, hindi ko rin naman akalain,” pahayag ko kay Lucas habang nag-titingin ako ng bag. “Ibang klase din pala si Jeremy eh no, ang laki din pala ng pinag-bago niya. Pero ang masasabi ko lang ay tama lang ang ginawa niya, tingnan mo kung hindi pa natin naging mas kaibigan ng malalim hindi pa natin malalaman kung anong ng nangyayari sa buhay niya,” saad naman ni Lucas. At dahil sa kaniyang sinabi ay napatigil ako sa pag-hahanap ng bag, “Eh ikaw Lucas? Bakit ng aba hindi mo na gusto si Elise? Ang ganda-ganda, curious din ako sa break up niyo ah, kasi mukhang malalim,” tanong ko naman sa kaniya. Napatahimik siya bigla at napatingin sa akin. Doon ay akala ko ay hindi na niya sasagutin ang aking tanong kaya’t agad ko namang binawi, “Wag—wag mo nalang sagutin Lucas kung hindi mo kaya, sorry—” naputol kong pag-kakasabi nang bigla siyang umimik. “Ayoko kasi na niloloko ako lalo na’t at the first place nag-seryoso ako sa tao, harap-harapan mong nakita na, na she’s with someone else at samantalang ako ayun, tatanga-tanga na nag-papakasaya hindi ko alam niloloko na pala ako, saya no? pero it’s okay. Okay na yun ngayon, kasi nakita ko ang worth ko at alam ko kung ano ang mas deserve ko. At kung dumating man ang tao na yun na mag-paparamdam ng pag-mamahal ulit, mas seseryosohin ko pa siya higit pa sa inaakala niya,” saad naman niya sa akin. Hindi agad ako nakapag-salita sa kaniyang sinabi, dahil sobra akong humanga doon. “Wooooow! Biglang bumigat yung puso ko nang sabihin mo iyon ah, hahahaha! Tama yan Lucas! Alam kong sooner or later matatagpuan mo na rin siya, at wag mong kakalimutan ah! ipapakilala mo siya sa amin!” pahayag ko naman sa kaniya. “Oh sige ba! Easy noon no, hilig ko pa namang maging proud sa girlfriend,” tugon naman niya sa sinabi ko. Nang biglang tumunog ang phone ko, “Saglit Lucas, may natawag,” pahayag ko kay Lucas. Agad kong kinuha ang phone sa bag ko, at nagulat ako na numero lang ang nandoon. Kaya’t sinabi ko naman agad iyon kay Lucas, “Lu-lucas—numero na naman, sino kaya ito?” tanong ko sa kaniya habang pinapakita sa kaniya ang number. “Wag mong sagutin Luna, hindi ito yung oras para sagutin ang ganyang bagay at sabi ko sayo yung mahahalaga lang na tawag ang sasagutin mo at yung nasa contacts lang,” pahayag naman niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniyang sinabi sa akin, sinunod ko rin ang kaniyang sinabi na wag sagutin kaya’t itinago ko nalang muli ang phone sa loob ng aking bag at pinatay. “Sayo ba? Hindi pa ba natawag sayo sina Jeremy?” tanong ko naman sa kaniya. Agad naman niyang kinuha ang kaniyang phone at tiningnan kung may natawag ba sa kaniya, at nang makita niya, “Wala naman, sige lang mag tingin-tingin ka lang muna diyan, sabihin ko na lang sayo kapag nag-text na sila,” tugon naman niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti.   Lucas’s point of view Nang ngumiti sa akin si Luna ay biglang nag-iba ang pakiramdam ng aking dibdib at napangiti na lang ako sa kaniya, at habang nag-hihintay sa dalawa ni Jeremy at Jessica ay hindi ko maiwasan isipin rin kung ano na ang nangyari sa kanila. Hawak-hawak ko ang aking cellphone at tiningnan ko muli ito, habang nag-sscroll ako sa cellphone ko ay biglang may nag-text sa akin at iyon ay si Charles. “Bro nasaan ka? Hinahanap ka ng dad mo, kakausapin ka ata,” tanong niya sa akin. At sa text niyang iyon ay hindi ko siya pinansin lalo na at kung ang tatay ko ang may kailangan sa akin. Alam niya kung gaano kalaki ang sama ng loob ko sa tatay ko, kaya’t kung hindi ako tumugon sa kaniyang mensahe ay alam kong maiintindihan niya ako. Nang bigla namang nag-text si Elise sa akin. Nang makita ko ang kaniyang pangalan ay agad kong binura ang kaniyang mensahe kahit hindi ko pa iyon nababasa dahil alam naman niyang hindi kami ayos. At para hindi ako magambala ay itinago ko nalang muna ang aking cellphone sa aking bulsa, at patuloy ko na lamang sinamahan si Luna sa kaniyang pag-titingin ng bag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD