Chapter 39

1623 Words
Luna’s point of view Natapos na ang pag-titingin ko ng bag habang mag-kasama si Jessica at Jeremy at kasama ko naman si Lucas, ngunit wala naman akong napiling bag na pwede kong iregalo sa sarili ko dahil wala akong sapat na pera kaya’t niyaya ko na si Lucas. “Lucas? Tara na,” pag-aaya ko sa aking kaibigan na si Lucas Napatingin naman agad siya, “Ha? Eh hindi ka pa nga nakakabili,” saad naman niya sa akin. “Eh—wag na, hayaan mo na, wag mo na pakaisipin,” pahayag ko naman sa kaniya. “Pero Luna—” putol niyang pag-kakasabi sa akin, “Tara na,” pag-aaya kong muli sa kaniya. Umalis na kami ni Lucas at patungo na sa kung saan nandoon sina Jeremy at Jessica, habang nag-lalakad kami ay kinausap ni Lucas sa text. Lucas’s point of view Habang nag-lalakad kami ni Luna ay agad akong nag-send ng text kay Jessica at tinanong sya, “Hello? Jess? Nasaan kayo?” tanong ko kaagad sa kaniya. At hindi nag-tagal ay agad rin siyang nag-reply, “Nandito kami sa labas ng department store malapit sa supermarket,” tugon naman niya. “Can I ask you something? Sa tingin mo bakit hindi makabili si Luna ng gusto niyang bilhin na gamit? May problema ba doon?” tanong ko naman sa kaniya. At muli namang nag-reply si Jessica sa aking itinanong, “Ganyan yan, hindi siya makabili ng gusto niya sa kagustuhang makatipid,” At doon ay hindi na ako muling nakasagot sa reply ni Jessica. Hindi ko inaasahan na malalaman ko ang rason kung bakit hindi ganoon kagastos si Luna pag umaalis kami na mag-kakasama. At agad ko namang kinausap si Luna. “Luna, alam ko na kung nasaan sila, nandoon daw sila labas ng department store,” pahayag ko naman agad sa kaniya, Tumango naman siya sa aking sinabi at doon ay nag-tungo kaagad kami kayna Jessica at Jeremy. Habang nag-lalakad kami ay doon ko naisip na alamin ang kaniyang birthday para mabigyan ko siya ng regalo na gusto niya, at habang unti-unti na naming nakikita ang dalawa ni Jeremy at Jessica ay doon mas ginaganahan ang loob ko. “Jess! Jeremy! Musta?” tanong ko kaagad ng pabiro sa kanilang dalawa, Napalingon naman sa amin ang dalawa nang mag-salita ako ng ganoon, doon palang sa pagka-salita ko ay biglang nag-hiwalay ang dalawa na tila ba parang hindi nagdikit. “Oh? Bakit nag-hiwalay kayo? Hindi ba close na kayo? Hahahaha” pahayag naman ng pabiro ni Luna sa dalawa ni Jeremy at Jessica. “Tigilan niyo nga kaming dalawa, nag-kaayos lang kami,” pahayag naman ni Jeremy sa aming dalawa ni Luna. Nag-katinginan kami ni Luna nang sabihin iyon sa amin ni Jeremy, at sumagot naman bigla si Luna, “O—okay?” tugon naman niya. Pabalik na kami ng parking lot kung saan nandoon ang sasakyan ni Jeremy at habang nag-lalakad kami ay agad ko namang patagong kinausap si Jessica, at para hindi mapansin ni Luna na nag-uusap kami tungkol sa kaniya ay iniba ko muna pansamantala ang aming usapan. At nang hindi na nakatingin si Luna sa amin ay agad kong tinanong si Jessica, “Jess I have question,” saad ko kaagad sa kaniya. “Ano yun?” tanong rin niya nang pabulong sa akin “Kailan ang birthday ni Luna? I think she deserve gift na gusto niya,” tanong ko din naman kay Luna. “Wait let me check,” saad naman sa akin ni Jessica Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag ang tiningnan ang araw, kasi alam niyang October ang birthday ni Luna. At nanlaki ang mata niya nang makita ang araw ngayon sa araw ng birthday ni Luna. “Oh? Ano? Kailan ang birthday niya?” tanong ko muli kay Jessica Hinawakan niya bigla ang aking braso at napatigil kami sa aming pag-lalakad. “Sa isang araw na ang birthday niya, October 10 siya eh. Oh my G! wala pa akong gift para sa kaniya! So when ka ba bibili para sabay na tayo?” pahayag naman niya sa akin. “Yun sakto! Sige tara bukas, alis tayo ng hindi alam ni Luna. Sabihin mo lang na may tatagpuin kang kamag-anak mo dito sa City at susunduin ka nila bukas sa dorm niyo, dadaanan kita sa dorm niyo kasi hindi pa naman niya kilala ang sasakyan ko eh, G ba?” pahayag ko naman kay Jessica. At nag-simula na kaming mag-lakad nang tumugon siya sa akin, “Sige g!” Napalingon si Luna sa amin at napansing nahuhuli kami ni Jessica, “Huy! Ano na kayong dalawa?” pahayag niya sa amin. “Eto na!” tugon ko naman sa kaniya. At agad kaming tumakbo papalapit sa kanilang dalawa ni Jeremy na nauuna sa aming patungo sa papalabas ng mall. Nang nandoon na kaming apat sa parking lot at palagpas na sana ako sa malaking pader ay nagulat ako nang biglang may humila sa akin. At nang mahila ako ay nagulat ako nang makita ko na naman ang mukha ni Elise. Agad ko namang binitawan ang kaniyang pag-kakahawak sa akin. “Ano ba Elise? Hindi mo ba ako titigilan? Are you desperate? Walang-wala na ba? I’m so sick sa kakaganyan mo sa akin, ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayaw ko na? at kung gusto mo ng closure, hindi na natin kailangan yun! You must accept ang mga nangyari sa atin, dapat tinatanggap mo na ang kalokohan mong ginawa before sa akin,” pahayag ko kaagad sa kaniya. “Pero Lucas—kaya ko namang magbago para sayo eh, pero please naman ohhh. Pag-bigyan mo pa ako ng one last chance, para maayos itong sa atin,” saad naman niya sa akin. “No Elise! Ilang chance na ang naibigay ko sayo pero anong ginawa mo? Pinaulit-ulit mo! Elise, kung wala kang puso at wala kang konsensya! Ibahin mo ako, may puso ako kahit hindi tayo normal na tao! Kung pag-mamahal ang usapan, tapat ako don. I don’t waste my time sa taong ayaw talagang mag-seryoso sa akin, sa relasyon namin. Ibahin mo ako sayo,” pahayag kong muli sa kaniya. At hindi na siya nakaimik sa aking sinabi, iniwanan ko siya ngunit may bigla akong naalalang sabihin kaya lumingon muli ako sa kaniya. “And oo nga pala, I hope ito na ang huli mong pag-hahabol sa akin, ayaw ko na nag-mumukha kang tanga sa ginagawa mo,” saad ko naman sa kaniya. At nang sabihin ko iyon sa kaniya ay tuluyan na akong umalis. Alam kong masakit para sa kaniya ang aking sinabi ngunit iyon ang totoo. Habang nag-lalakad ako patungo sa sasakyan ni Jeremy ay nagulat ako nang mapansin kong nakatingin sila sa akin ganoon din kay Elise. At nang makasakay ako ay agad naman akong kinausap ni Jeremy, “Are you okay bro? kalmahan mo lang, mapapagod din yan,” “Sana nga bro, dahil hindi ko na alam kung ano pang gusto niyang salita ang matanggap sa akin. Pang-ilang beses na ito,” saad ko naman sa sinabi sa akin ni Jeremy. Nag-simula nang mag-maneho si Jeremy patungo sa kaniyang condo upang kumuha sina Luna at Jessica ng kanilang kaunting gamit para sa pag-uwi nila sa kanilang dorm. Nang biglang umimik muli si Jeremy. Luna’s point of view “Sunduin ko na ba kayong dalawa bukas? Para makalipat na kayo sa condo,” tanong niya agad sa amin. “Ahh—update ka namin Jeremy ah? sasabihin pa namin mamaya kay Aling Lisa, susubukan naming makalipat agad,” tugon ko naman sa tanong ni Jeremy sa amin. “Sige, wag kayong mahihiya sa akin, hindi naman na kayo iba sa akin,” pahayag muli sa amin ni Jeremy. Agad namang sumingit si Lucas sa usapan, “Sabihan niyo ako ah, para makatulong naman ako sa inyo na makapag-bitbit ng mga gamit niyo. Ang pangit naman kung wala akong maitutulong,” pahayag niya. Napatingin namaman kami sa kaniya ni Jessica, “Baliw! Syempre naman, tatawagan ka namin. Ikaw kaya ang mag-bubuhat ng mga make-up kits ko no! tsaka mga salamin ganon tsaka mini cabinet,” pahayag naman bigla ni Jessica. Doon sa mga sinabi ni Jessica sa kaniya ay nag-simula na kaming mag-tawanan. Hanggang sa nakarating na kami sa condo ni Jeremy at ang bumaba na lamang ay si Luna at Jeremy para kunin ang gamit namin ni Jessica. Jessica’s point of view. “Yan! Yan wala na sila,” pahayag ko kaagad kay Lucas Sinimulan naming pag-usapan ni Lucas ang tungko sa gagawin naming surprise para kay Luna para sa kaniyang darating na birthday sa isang araw. “Kailangan pala may mga pa-foods din tayo, pero don’t worry Jess ako na bahala doon,” saad naman sa akin ni Lucas “Ala, ang unfair naman kung ikaw lang—” putol kong pag-kakasabi kay Lucas nang bigla niyang siningitan “No Jess, it’s on me. Okay na, ako na okay? Kaysa naman ikaw lang,” pahayag naman niya sa akin. Doon ay napag-tanto ko na mabait talaga si Lucas at hindi siya masamang tao. Pero ang ipinag-tataka ko ay kung bakit napakabait niya kay Luna. “Andyan na sila!” pahayag ko kaagad kay Lucas. Nag-simula kaming mag-pakaayos ni Lucas na tila walang pinag-usapan tungkol sa isa sa aming kasama. At nang makarating sila sa loob ng sasakyan, ay biglang umimik si Luna. “Oh? Bakit parang aligaga kayo diyan?” tanong niya “Luh? Hindi ah! ang oa naman nito,” tugon ko naman kay Luna. “Biro lang eh! Tara na, hahaha,” saad naman niya muli sa amin. Nag-simula nang mag-maneho si Jeremy patungo sa dorm namin ni Luna bago niya naman ihatid si Lucas sa kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD