Chapter 29

2094 Words
Luna’s point of view Habang naglilinis ako ng kwarto ko na kay tagal ng hindi pinapasok ay pagkalabas ko ng kwarto habang dala-dala ang walis tambo ay bigla kong nakita ang aking ama, at bigla niya akong kinausap. “Anak? Pwede ba tayong mag-usap?” tanong sa akin ng aking ma Napatango naman ako ng sagot sa aking ama at nag-tungo kami sa labas para mag-usap. “Ano po ang kailangan nating pg-usapan tay?” tanong ko sa kaniya Nang pag-lingon niya ay bigla siyang sumagot, “Ano ba ang tinatanong mo sa iyong ina at nag-kaganoon na lamang siya ngayon na tila hindi makapag-salita?” tanong niya sa akin. “Bakit tay? Posible bang alam nyo ang itatanong ko sa inyo? Sige tay sabihin niyo nga sa akin, ano ang ibig sabihin ng mga simbolo na nasa braso ko na kailanman hindi ko dati nalaman? Bakit hindi niyo sinabi sa akin?” pahayag ko sa aking ama. Hindi kaagad nkasagot ang aking ama nang sabihin ko iyon sa kaniya na tila ba nagulat na lamang siya nang sabihin ko iyon sa kaniya. At nang hindi siya makapag-salita ay muli akong umimik sa kaniya. “Oh tay? Bakit hindi po kayo maka-imik? Dahil ba alam niyo din ang tungkol dito? Ano po ba ang ikinatatakot niyo para hindi niyo sabihin sa akin ang tungkol sa mga simbolo nito? Kung hindi ko pa nalaman sa kaibigan ko, hindi ko pa po malalaman ang tungkol dito,” pahayag ko sa kaniya. Nang biglang nanlaki ang kaniyang mata at nagulat sa aking sinabi, “Sinong kaibigan?! At kung sino man siya sinasabi ko na sayo ngayon na layuan mo na siya! Ngayon din!” sigaw niya bigla sa akin. “Bakit? Bakit ko po gagawin ang sinasabi niyo itay? Hindi naging masama ang kaibigan ko sa akin, kahit kailan wala siyang ibang ginawa para protektahan ako lalo na nang makita niya itong simbolo na nasa braso ko, ngayon sabihin niyo sa akin. Ano bang meron dito na hindi ko alam?” pahayag ko muli sa kaniya. Nang dahil sa galit ay hindi na niya ako pinansin at umalis na lamang sa aking harapan. Ni hindi ko man lang nalaman ang rason kung para saan ba ito. Napag-isip-isip ko na dapat siguro hindi muna ako umuwi nang sa ganoon ay walang gulong nangyari ngayon. Nang dahil sa inis ko ay nag-tungo na lamang ako sa aking kwarto at agad na kinausap ang aking kaibigan na si Jessica. Agad rin naming siyang tumawag nang mag-send ako sa kaniya ng mensahe tungkol sa nangyayari sa amin. “Hello? Luna? Oh? Ano na naman ang mga pinag-sasasabi mo diyan? Ano bang nangyari?” tanong niya sa akin. Sa tanong niya ay napahiga ako bigla, at sinabi sa kaniya ang aking saloobin. “Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakikitungo sa akin nina itay,” tugon ko sa kanila. “Bakit naman?” tanong niya muli sa akin “Yung tungkol sa simbolo, hindi nila masabi sa akin kung ano bang meron dito,” tugon ko naman agad sa kaniya. “Hindi pwede yun siz, may karapatan kang malaman yan. Lalo na, di ba hindi ko yan nakikita? Nakakapag-taka naman yun,” saad naman niya muli sa akin. “Kahit yun, isa rin yun sa pinag-tataka ko,” tugon ko naman sa kaniya. Ilang oras din ang aming pag-uusap at doon ay medyo gumaan ang aking loob. Sa hinaba-haba ng oras na pinag-usapan naming ay parang gusto ko nalamang bumalik sa maynila, upang ipag-patuloy ang aking pag-aaral. Kinagabihan, kakain na kami ng hapunan kaya’t lumabas na muli ako sa aking kwarto. Nang mag-simula na kami sa aming pag-kain ay napag-desisyonan kong sabihin sa kanila ang plano ko sa susunod na araw. “Nay, tay, babalik na po ako sa isang araw sa maynila. Naisipan ko pong sayang ang pag-aaral ko kung ititigil ko lamang,” pahayag ko sa kanila Nagulat sila nang marinig iyon sa akin, at napatingin naman sa akin ang aking ama. “May balak kang tumigil sana Luna? Bakit hindi namin alam yun ng iyong ina?” tanong sa akin ng aking ama. “Noong una hindi ko po alam ang pumasok sa isip ko, ngunit kanina nang nakausap ko ang kadorm-mate ko na si Jessica ay napag-desisyonan ko pong bumalik na lamang, para hindi rin sayang ang scholarship na aking kinukuha,” tugon ko muli sa aking ama kahit alam kong hindi parin kami ayos. “Sige, tama naman dapat yan. Wag kang tumigil sa pag-aaral,” tugon naman pabulong ng aking ina. Nang marinig ko iyon ay tinuloy ko ang aking pag-kain, at nang matapos ay agad narin akong bumalik sa kwarto upang makapag-pahinga. Hindi ko alam kung paano haharap ng maayos sa aking ina, kaya’t napag-desisyonan kong maging mapag-isa muna sa kwarto. Habang nakaupo ako sa kama ko ay narinig ko sila na pinag-uusapan ako. Tatay Rolando’s point of view “Ano ba yan? Hindi mo ba nakikita kung anong nangyayari kay Luna?” inis na pag-kakasabi ko sa aking asawa. At bigla akong napatingin sa iba kong anak na nasa lamesa pa at nililinis ang lamesa. “Mga anak, pumasok na muna kayo. May kailangan lang kaming pag-usapan ng nanay niyo,” utos ko sa kanila para hindi nila marinig ang problem ana kailangan naming pag-usapan mag-asawa. Nang makapasok ang aking mga anak na lalaki ay nilapitan ko ang aking asawa na nasa lababo, “Ano? Hindi ka man lang ba sasagot diyan? Hanggang kailan mo kayang itago sa anak mo ang kailangan niyang malaman kung siya na mismo ang nakakita kung ano ang tinatago natin? Hanggang kailan ba?!” pahayag ko muli sa aking asawa. “Ano ba Ronaldo?! Hindi mo ba ako tatantanan?! Bakit hindi ikaw ang mag-sabi kung hindi ka na makapag-hintay na sabihin sa anak mo ang totoo ha? Hindi yung pinipilit mo ako diyan! Kung hindi mo iniisip ang sarili niya lalo na kapag nalaman niya, ano?! Paano na ang gagawin natin!? Paano kung may gawin siya sa sarili niya?! Hindi ka ba nag-iisip Ronaldo?!” sigaw ng asawa ko sa akin. “Pero bakit nga kasi kailangan pa nating itago lalo na at ngayon alam na naman niya? Ano pang silbi ng pag-tatago? Sabihin mo sa akin?” tanong ko muli sa kaniya. “Ewan ko sayo Ronaldo, kung gusto mo ng sabihin sa anak mo ay sabihin mo na. Nasa saiyo na kung paano mo hahawakan ang magiging reaksyon niya o ang plano niya sa buhay,” tugon naman niya sa akin. Hindi ako makapaniwala sa sinabi sa akin ng asawa ko, hindi narin ako nakapag-salita sa sinabi niyang iyon kaya’t para hindi na mag-tuloy-tuloy ang init ng aking ulo ay lumabas muna ako pansamantala sa labas upang mag-palamig. HInayaan ko narin muna ang aking asawa na mapag-isa kasama ang kaniyang ina, upang maisip niya ang mga dapat gawin lalo na at alam na naming dalawa na nasa tamang edad na si Luna para malaman ang nagaganap sa aming pamilya. Luna’s point of view Sa gabing iyon ay iyon ang unang beses na marinig ko ang aking mga magulang na nag-away dahil sa mga nalaman nil ana nalaman ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil mukhang kasalanan ko kung bakit sila nag-aaway ngayon. Nang matapos ang pag-aaway na iyon at nakapasok na sa kwarto sina mama ay napag-desisyonan kong tumungo sa kwarto nina kuya Gelo. Nang kumatok ako sa pintuan nila ay agad rin naman niyang binuksan ang pinto “Oh Luna? Gabi na, bakit nandito ka?” pabulong niya sa akin dahil takot rin siyang marinig siya ng aming mga magulang. “Wala lang kuya, gusto ko lang ng kausap. Nakakatakot kasi ang nangyayari kayna itay at inay,” tugon ko rin naman sa kaniya ng pabulong. Nang sinabi ko iyon ay wala na siyang nagawa kung hindi ang papasukin ako sa kwarto nila ng bunso ko pang kapatid. Nang makaupo ako sa kama ni bunso at ganoon din si Kuya Gelo ay bigla ako nitong tinanong. “Ano ba kasing nangyari Luna? Bakit nag-kaganyan sila?” tanong ng kuya ko sa akin. “Wala kuya, may tinanong lang ako kayna Inay tungkol sa simbolo. Gusto ko lang naman malaman kung anong ibig sabihin niyon lalo na at ngayon ko lang ito Nakita,” tugon ko naman sa aking kuya. Nang sabihin ko iyon sa aking kapatid ay parang napaisip siya sa sibolo na aking sinabi kaya’t tinanong ko siya muli nang mapansin ko iyon. “ah—eh kuya anong iniisip mo? Alam mo ba ang tungkol sa simbolo?” tanong ko naman sa kaniya. “Iniisip ko lang kung may alam baa ko tungkol sa simbolo, pero parang dati noong kabataan ko at bata ka pa lang ay parang narinig ko na yan sa kanila at yan din ata ang pinag-aawayan nila dati, hindi ko lang alam kung bakit,” tugon naman niya kaagad sa akin. “So ibig sabihin kuya, hindi lang ito ang unang beses na nag-away sila tungkol sa simbolo?” pahayag ko sa kaniya “Siguro Luna, hindi naman natin sigurado kung parehas lang bang simbolo ang nakikita mo sa binabanggit nila lalo na at bata-bata din naman ako dati ang tagal na noon,” tugon niya muli sa akin. Nang sabihin iyon ni kuya ay parang hindi ako nawalan ng pag-asa na malaman ang kung anong ibig sabihin ng simbolo na iyon. Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni kuya Gelo ay biglang may kumatok sa pinto. Kinabahan kami ng kuya ko dahil baka sina inay at itay ang kumakatok at gusto kaming kausapin, ngunit nang buksan ni kuya ang pinto ay nagulat kami na ang lola pala naming ang kumatok. “Mga apo? Maaari ko ba kayong makausap?” tanong ng lola ko sa aming dalawa ni Kuya Gelo. Tumango naman kaming dalawa at pumasok rin naman agad ang lola namin. Nagulat kami sa mga oras na iyon na siya lamang mag-isa ang nag-tungo doon. Nang maupo ang lola naming sa upuan ni kuya malapit sa kaniyang lamesa ay biglang umimik muli ito. “Luna, ano ba ang simbolo na sinasabi mo? Eh kahit ako hindi ko alam kung ano yung binabanggit nila. Wala silang sinabi simula noong pag-kaanak sayon a kahit anong simbolo,” pahayag ng lola ko Ipinakita ko sa kaniya ang kaliwa kong braso na may simbolo, at nang makita niya iyon ay agad rin niyang binitawan ang aking braso. “Paano mo Nakita yan Luna?” tanong kaagad sa akin ng aking lola. “Yung kaibigan ko lola—” naputol ang kaing pag-kakasabi nang biglang umimik ang lola ko “Kaibigan mo? Hindi ba masama para sayo ang kaibigan mo? Hindi ba siya nananakit o kung ano?” pabulong sa akin ng lola ko Umiling ako at sumagot, “Hindi po la,” tugon ko naman “Mabuti naman, at kung sino man ‘yang kaibigan mo sana ay hindi siya mag-bago nang pakikitungo sayo hanggang sa huli,” saad naman muli ng lola ko. “Alam niyo po ba ang ibig sabihin niyan lola? At tsaka bakit niyo po nakikita?” pag-tataka ko naman nang napansin kong nakikita ng lola ko ang mga simbolo. “Kasi kung sino man ang kaibigan mong yan, naging parte din ako ng mundo nila,” tugon naman sa akin ng lola ko. Doon pa lang sa pag-kakasabi niya ay nagulat ako at hindi ako makapaniwala na isa ang lola ko na katulad ng Samahan nina Lucas. “Pero apo, dapat mag-iingat ka palagi dahil nag paligid natin, sa mundo natin ay hindi ligtas,” saad niyang muli. “Lola, hindi pa po ba kayo antok? Mukhang hindi na okay yang sinasabi niyo ah? Baka antok na kayo,” pahayag naman ng aking kuya Gelo sa aming lola “Apo gelo, hindi pa ako antok. SInasabihan ko lang si Luna tungkol sa kaniyang hinahanap na sagot. Maganda na maging maingat ang kapatid mo kaysa sa hindi, hindi ba?” pahayag niyang muli. Napasang-ayon naman ang aking kapatid na si Kuya gelo sa sinabi ng aming lola. “Sige na mga apo, ako ay mag-papahinga na. Kung anong narinig niyo ngayon mula sa akin, ay sa atin na lamang,” pahayag niyang muli sa amin. “Sige po lola, salamat po sa inyong mga payo,” tugon ko naman. Nang makalabas na si Lola ay nag-paalam narin ako kay Kuya Gelo, upang makapag-pahinga na dahil bukas ay paniguradong pupunta kami sa aming taniman at mag-tatanim ng mga palay lalo na at doon lang din kami nabubuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD