Habang nag-lalakad kami papalayo kayna Elise ay hindi ko maiwasang hindi pag-masdan si Luna dahil sa kaniyang ginawa na pag-sakay sa aking rason. At bigla naman niya akong nakitang nakatingin sa kaniya kaya’t iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya.
“Luna, ang galing mo doon ah,” pahayag naman bigla ni Jeremy kay Luna,
“Oo nga Luna, hindi ko akalain na may side ka palang ganoon na ugali. Hahaha!” sunod namang pag-kakasabi ni Jessica nang sabihin iyon kay Luna.
Napatingin naman si Luna kayna Jeremy at Jessica at ngumiti, “Ano ba kayo, maliit na bagay. Si Lucas kasi, hindi kayang mag-dahilan o ipag-laban man lang niya ang kaniyang sarili kay Elise. Masyadong mahina,” saad naman bigla ni Luna.
Napatingin naman muli ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin, “Hoy anong sinasabi mo diyan Luna, wag nga ako. Ikaw nga tong biglang lumitaw at sinakyan ang nirason ko eh,” saad ko naman sa kaniya nang sabihin niya iyon.
“Bakit ba kasi hindi na lang nga maging kayo, hahaha!” pabulong naman bigla ni Jeremy nang nag-sisimula na kaming mag-kainisan ni Luna.
“HOY! Jeremy, tumigil-tigil kanang din diyan,” pahayag ko naman.
At bigla naman silang nanahimik ng sabihin ko iyon sa kanila. Hanggang sa nakarating kami sa isang kainan. At nang makapasok na sina Jeremy at Jessica ay doon ko hinawakan sa braso si Luna. “Luna wait,” pahayag ko sa kaniya.
Napalingon naman siya nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Bakit?” tanong naman niya
“Ah—eh, thank you nga pala kanina, ayaw kasi talaga ako tantanan ni Elise,” tugon ko naman sa kaniya.
Bigla niya akong tinapik sa aking balikat, “Ano ka ba, okay lang yun no, minsan galingan mo lang din naman sa dahilan mo okay? Para tigilan ka na niya,” saad naman niya sa akin.
Tumango naman ako sa kaniyang sinabi sa akin, “Tara na, pumasok na tayo,” pag-aaya niya sa akin nang matapos ang aming usapan.
Doon ay nakahinga na ako ng maluwag at hindi na nakaramdam ng hiya kay Luna. Kaya’t matapos ko siyang makausap ay sumunod na ako sa kaniya na pumasok sa loob ng kainan.
Nakapila na doon sina Jeremy at Jessica, ngunit nang oorder na sana kami ni Luna ay biglang umimik si Jeremy, “Naka-order na po kami ni Jessica, wag niyo na din bayaran, ako na,”
Nang bigla naman kaming nagulat ni Luna, at nang patungo na si Jeremy sa uupuan namin ay biglang nag-salita si Jessica, “Kalmahan niyo lang guys, kahit ako nahihiya na,” pabulong niya sa amin ni Luna.
Habang nakaupo kami ay agad naring dumating ang aming kakainin, at nagulat kami sa dami ng inorder ni Jeremy at imposible naming maubos. “Ubusin niyo yan ah, pero kung hindi niyo naman kaya pwede pa naman natin i-takeout,” saad niya sa amin.
“Hindi ko alam kung anong ginagawa mo sa amin Jeremy, pinapataba mo ba kami? Nananadya ka na ah?” pahayag ko naman sa kaniya.
“Hahahaha, chill bro, minsan lang naman ako mag-karoong ng totoong friends, ngayon lang din ako nag-karoon ng totoong barkada sa totoo lang, kaya sulitin niyo na lalo na ngayon my mom called me. Baka daw anytime, pauwiin niya ako sa bahay at dalhin na ako sa states doon sa lolo ko,” pahayag niya sa amin.
Nagulat kami nang sabihin niya ang balitang iyon sa amin lalo na si Jessica, “Seryoso Jeremy? Bakit naman kailangan biglaan? Hindi man lang dinahan-dahan,” saad naman bigla ni Luna nang sabihin iyon sa amin ni Jeremy.
“Ewan ko ba sa kanila, pero pwede naman ako tumanggi pero syempre ngayon sa sitwasyon ko na mag-isa lang ako siguro mas okay din na sa lolo ko muna ako. Pero alam niyo ngayon, nasa desisyon ako na pwedeng wag muna kasi andyan kayo, mukhang hindi naman ako nalulungkot simula noong nabuo tayo,” saad naman niya.
“Wag muna bro, parang kailan lang tayo nabuo ng ganoong katotoo tapos kung kailan malapit na tayong lahat sa isa’t-isa saka naman nag-kaganyan,” saad ko naman sa kaniya.
“Ewan, bahala na. Malay niyo mas piliin ko mag-stay di ba? Wag na muna natin pakaisipin, may mga bagay naman na pwede pang baguhin ang desisyon lalo na kung saan masaya tayo,” pahayag naman niya sa amin.
Sa dami ng sinabi ni Jeremy sa amin, ay hindi man lang nakaimik ng isang salita si Jessica sa kaniyang sinabi. Mas pinili nitong manahimik kesa umimik. Ilang minuto ang lumipas ay natapos na kaming kumain at sa kinain namin ay marami paring natira kaya’t inisip naming ibalot nalang namin ang pag-kain para hindi naman masayang ang ibinayad ni Jeremy.
Luna’s point of view
Tumayo na kami sa aming kinauupuan at nang nauunang lumabas sina Jeremy kasabay si Lucas ay napansin ko ang aking kaibigan na si Jessica na mukhang hindi okay kaya’t naisipan ko siyang tanungin. Nang makalabas kami ng kainan ay bigla ko siyang inakbayan,
“Sis! Ano nangyari sayo? Okay ka lang ba?” tanong ko sa kaniya
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at kitang-kita sa kaniya ang pagiging matamlay niya, “Hindi ko alam,” tugon niya sa akin.
“Dahil kay Jeremy no? parang kanina okay ka naman, pero noong sinabi niya na anytime pupunta na siya ng states nag-iba na ang mood mo, gusto mo na ba siya?” tanong ko naman sa kaniya habang nag-tataka.
Nag-taas balikat siya, at lalo pa akong nag-taka. “Anong sagot yan Jess? Nagiging ganyan ka pero hindi moa lam kung anong nararamdaman mo para sa kaniya,” saad ko naman sa kaniya.
Bigla niya akong hinawakan sa aking braso, “Wag ka namang maingay Luna, baka marinig ka nil ana pinag-uusapan natin siya. Baka kung ano lalong isipin,” saad naman niya sa akin.
“Ayusin mo kasi ang galaw mo, sa pinapakita mo mahahalata ka nila,” pahayag ko naman sa kaniya.
Nag-taas naman siya ng kilay nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Ay weh? Sige aayos na ako, pero please lang wag ka na muna maingay, hindi ko kasi alam eh,” pahayag niya naman sa akin.
Tumango naman ako sa kaniyang sinabi at nanahimik nalang nang bigla na kaming tinawag ni Jeremy at Lucas, “Anon a Jess at Luna, haha diyan na lang ba kayo?” sigaw naman sa amin ni Lucas.
Kaya’t nang sabihin iyon ni Lucas ay agad naman kaming sumunod sa dalawa at tumungo sa sunod naming pupuntahan.