Gabi na at doon ay napag-isip-isip namin ni Jessica na mag-ayos at mag-impake ng aming mga gamit dahil napag-desisyonan muna namin na mag-tungo muna sa aming probi-probinsya. At habang nasa kalagitnaan kami ng pag-aayos ng gamit ay biglang tumawag si Lucas.
“Hello?” sagot ko sa pag-tawag ni Lucas sa akin.
“Luna? Ano? Kamusta na ba diyan?” tanong naman niya tungkol sa nangyari sa labas ng aming dorm.
“Okay na, nalinis na ang bangkay na nasa labas. Tinitingnan na nila kung anong posibleng nangyari sa babae,” saad ko naman kay Lucas.
“Eh kayo? Ano nang ginagawa niyo diyan? Pasensya na kung kailangan nating pumasok na kanina. Baka kasi may nakapaligid sa atin na hindi natin alam kung meron nga ba,” pahayag muli ni Lucas.
“Actually Lucas, uuwi muna kami sa probinsya ni Jessica para maiwasan ang nangyayari sa ating bayan. Para kasing hindi na normal ang nangyayari, siguro oras ko na din malaman kayna mama kung ano nga rin ba ang nasa braso kong ito na simbolo,” pahayag ko naman muli sa kay Lucas.
“Ha? Bakit biglaan naman ata Luna?” tanong naman niya sa akin nang sabihin ko iyon sa kaniya.
“Kailangan Lucas, nakakatakot tumigil sa lugar na alam mong delikado,” tugon ko namang muli sa kaniya.
“Tama ka, kailangan niyo munang maging ligtas ni Jessica bago unahin ang pag-aaral. Mas mahalaga ang buhay,” saad naman sa akin ni Lucas.
“Sige na Lucas, kailangan pa naming tapusin ang mga ginagawa namin ni Jessica. Para maaga rin kaming makatulog dahil aagahan rin namin ang pag-alis namin dito sa dorm para hindi ganoong kahirap sa byahe,” pahayag ko naman sa kaniya.
“W-wag. Wag kayong umalis ng madaling araw, para maging safe kayo at makampante ako hayaan niyong ihatid ko na kayo sa terminal, kaysa umalis kayo ng dilim pa ng kayo lang dalawa ni Jessica,” pag-aalok sa amin ni Lucas.
“Ah—eh—” naputol kong pag-kakasabi nang biglang umimik si Jessica nang marinig ang sinabi ni Lucas.
“Hindi ba nakakahiya Lucas? At tsaka maaga ka magigising, parang nakakaistorbo naman ata kami kung ganoon ang gagawin mo,” saad ni Jessica kay Lucas.
“Huh? Hindi Jessica, It’s okay. Wala namang kaso sa akin, ang mahalaga safe kayo,” pahayag naman kaagad ni Lucas kay Jessica.
“Sige Lucas, sabi mo yan ah, pero thank you ah!” pahayag muli ni Jessica kay Lucas.
“No problema Jess, basta kayo!” tugon naman agad ni Lucas.
Namatay na ang tawag nang matapos nang mag-usap si Lucas at Jessica. Bumalik na kami sa pag-aayos ng aming mga gamit.
Madaling araw ay nagising na kami ni Jessica nang may napansin kaming pag-tapak sa itaas ng bubungan ng aming dorm.
“Wag kang gumalawa Jess, shhh,” pahayag ko bigla sa kaniya
Nang marinig niya ako ay bigla siyan napatingin at napatigil sa kaniyang ginagawa. “Anong meron Luna?” pabulong niyang tanong sa akin.
“May tao sa bubong,” tugon ko naman sa kaniya.
“Hala, buti na lang sara ang bintana,” saad naman niya nang sabihin ko iyon
Nang biglang tumawag si Lucas, at tumunog ng malakas ang kaniyang cellphone. Agad-agad kong kinuha ang cellphone sa aking bag, at dahli-daling hinanap dahil sobrang lakad ng tunog. Posible kaming marinig ng taong kung sino ang nasa taas.
“H-hello?” kinakabahan kong pag-sagot kay Lucas
“Oh? Bakit ganyan ka mag-salita?” tanong naman niya nang mapansin ang aking pag-sasalita.
“K-kasi may pakiramdam namin ni Jessica may tao sa itaas ng tinitirahan namin,” tugon ko naman kay Lucas na tila kinakabahan.
“Wait, hintayin niyo ako diyan,” pahayag sa akin ni Lucas at agad na binaba niya ang telepono.
Paniguradong sa mga oras na iyon ay mag-mamadali siyang pumunta dito sa aming dorm. Ilang minuto ang pag-kawala ng tunog sa ibabaw ng aming dorm, ngunit nang biglang sinabi ni Lucas na patungo siya dito, doon ay naging malakas ang pag-papaingay sa aming bubungan.
Sa sobrang lakas ay bigla kaming pinuntahan ni Aling Lisa dahil nag-alala siya para sa amin,
“Luna! Jessica, sumama kayo sa akin,” pahayag niya sa amin.
Nang sabihin iyon ni Aling Lisa ay agad rin kaming sumunod sa kaniya sa kaniyang silid upang doon muna manatili habang dala-dala na ang aming mga gamit.
Papasok pa lang kami sa kaniyang silid ay agad na niya kaming tinanong,
“Pasaan kayong dalawa? Bakit may dala kayong malalaking bag?” tanong niya bigla sa amin habang tinitingnan ang aming mga dala.
“Ah—Aling Lisa, uuwi lang po muna sana kami sa aming probinsya, nakapag-sabi na rin po kami sa aming mga kaklase para sabihin sa aming mga guro,” tugon ko naman agad kay Aling Lisa nang tanungin kami.
“Sa ganitong oras? Aalis kayo?” tanong muli sa amin ni Aling Lisa
“Aling Lisa, dadaanan po kami ni Lucas dito sa dorm. Lalo na daw po at alam niya rin kung anong nangyayari sa ating lugar,” tugon naman ni Jessica kay Aling Lisa
Nang sabihin iyon ni Jessica kay Aling Lisa ay naging maluwag ang pakiramdam nito nang malaman na may mag-hahatid sa amin sa terminal.
“Oh sya, sabihan niyo ako kapag nandyan na si Lucas. Para makita kung ligtas ba kayo kapag lumabas kayo dito sa dorm, ayoko naman na may mangyari sa inyong dalawa,” saad naman sa amin ni Aling Lisa
“Thank you po, sige po dito po muna kami sa silid niyo,” tugon ko naman muli.
Lucas’s point of view
Habang nasa byahe sya dala-dala ang sasakyan ni Jeremy na ipinahiram sa kaniya ay hindi niya maiwasang mataranta. Kaya mas binilisan pa niya ang kaniyang pag-papatakbo ng sasakyan.
Nang makarating siya doon sa dorm nina Luna at Jessica, ay malayo pa lang ay may napansin siyang isang lalaki na nakatayo sa labas ng dorm nina Luna. At nang mapansin niya na may paparating na sasakyan doon, at hindi niya alam na ako ay bigla na lang siyang nagtago.
Hindi niya alam ay kilala ko na siya malayo pa lang at doon palang ay naaninaw ko na na si Damian ang lalaking pagala-gala sa kanilang lugar.
“Damian?” pabulong ko nang makita siya.
At nang tumigil ako sa dorm nina Luna, at nang bumaba ako ay hindi ko na muling nakita si Damian.