Damian’s point of view
Pumasok na si Elise sa kanilang classroom habang ako naman ay nagagalit sa kaniya ng sobra dahil sa kaniyang mga sinabi sa akin. Nang biglang dumating ang mga barkada ko na sina Raver at bigla akong inakbayan.
“Oh Damian! Kamusta? Nakausap mo ba chix mo?” tanong niya ng masaya sa akin.
Ngunit sa tanong niyang iyon ay hindi ko siya sinagot at nanatili na lamang na seryoso. Nauna na akong mag-lakad at nag-tungo sa library upang tumambay na lang at hindi na pumasok sa klase.
Nang maupo kami sa library, ay kinausap ako muli ni Raver.
“Bro? ano bang nangyari? Hindi ka ba kinausap ni Elise? Gusto mo ako ang kumausap sa kaniya?” pahayag sa akin ni Raver at nang papatayo siya ay bigla ko siyang pinigilan.
“Wag na bro, ako na bahala,” tugon ko naman agad sa kaniya.
At habang nag-titingin-tingin ako sa paligid ay bigla kong nakita sa malayo sina Lucas kasama ang kaibigan nila na si Jeremy.
“Sinong tinitingnan mo diyan bro?” tanong naman muli sa akin ni Raver
“Si Lucas,” tugon ko naman sa kaniya.
Hindi ko maisip kung ano ba talagang nararamdaman ko ngunit ang alam ko lang ay namumuo ang aking galit sa tuwing nakikita kong masaya at mukhang normal si Lucas lalo na at alam kong isa siyang bampira.
Nang bigla akong papatayo at balak sanang pumunta kung nasaan sina Lucas ay bigla akong hinawakan nina raver sa aking balikat at bigla nilang pinigilan.
“Ops bro, wag ngayon. Baka hindi mo alam maraming nakapaligid sa atin na tao, mas maganda na yung maingat kaysa dito ka pa mag-iba ng anyo. Ayoko naman dumating sa punto na makita nilang isa palang estudyante ang nangangain ng tao,” pahayag sa akin ni Raver
Bigla akong tumingin sa kaniya at sinamaan ng tingin, “Tandaan mo, hindi ko sinasadyang makapatay ng mga tao sa paligid koa at hindi ko pinili maging ganito. Kaya hindi ko kasalanan kung nawala sila, at hindi ko kasalanan kung nakapatay ako,” tugon ko sa kaniya ng seryoso. At muli na akong naupo.
Napatahimik si Raver sa aking sinabi at dahan-dahang umupo kasama ang isa pa naming kaibigan. Hindi ko kinaya ang sinabi sa akin ni Raver kaya’t sinabi ko ang ang saloobin sa kaniya.
Lucas’s point of view
Habang nasa library kami ni Jeremy ay biglang nag-text sa akin si Jessica, kaya’t agad ko naman iyong sinabi kay Jeremy.
“Bro, Jess send me a text,” pahayag ko sa kaniya
Nang agad naman siyang napatingin at naexcite sa sinabi ko. “A-ano? Ano daw sabi? Pabasa nga!” tugon niya kaagad nang sabihin ko sa kaniyang nag-text si Jessica.
Bubuksan ko palang ang phone ko ay kinuha na niya kaagad sa akin upang basahin ang mensahe, nang basahin niya ay napansin ko siya na unti-unting napangiti. Kaya’t agad ko naman muling kinuha ang phone ko sa kaniya.
“Anong sabi?! Akin na nga!” pahayag ko naman sa kaniya
“Babalik na ako ng Manila tom, hindi ko lang alam si Luna. Wala pa siyang update simula kahapon eh, see you all guys!” pahayag ni Jessica sa text.
At dahan-dahan naman akong napatingin kay Jeremy nang basahin ang mensahe ni Jessica sa akin sa phone, “Masaya na naman ang Jeremy, sa wakas may makakasama na tayong dalawa,” pahayag ko naman sa kaniya.
Tumingin naman si Jeremy sa akin habang nakangiti ng malaki,
“Oo nga bro, hindi na tayo mag-iisa,” tugon naman niya sa akin at bigla ko naman siyang tinulak dahil sa pag-kaksagot niya.
“Baliw ka, baliw na baliw ka na kay Jessica,” pahayag ko naman muli kay Jeremy.
Nang bigla niya akong sinamaan ng tingin at nagulat ako nang tumingin siya bigla sa likuran ko at natulala.
“Lucas si—eli—” naputol niyang pag-kakasabi at agad rin akong nag-taka sa itsura niya dahil mukha siyang nakakita ng multo na hindi niya masabi sa akin kaya’t lumingon na lang agada ko nang mapansin iyon.
At nang makita ko si Elise ay muli akong tumingin kay Jeremy, “Don’t mind her,” pahayag ko sa kaibigan kong si Jeremy.
Bumati sa akin si Elise ngunit hindi namin pinansin ni Jeremy, nang bigla na lang siyang umupo sa upuan na nasa harapan namin. Nang gawin niya iyon ay sinamaan ko siya ng tingin,
“And anong rason mo para umupo diyan?” tanong ko bigla sa kaniya.
Napatingin naman siya sa akin at biglang hinawakan ang kamay ko, “Lucas, gusto ko lang naman—” naputol ang pag-kakasabi niya nang biglang dumating si Damian sa harapan namin.
“Ano Elise?! Anong gusto mo kay Lucas? Talagang mapag-laro ka din no? kaya hindi mor in ako kinausap kanina ng maayos sa klase niyo, dahil gusto mong balikan si Lucas?” pasigaw ni Damian kay Elise.
Tumingin naman si Elise kay Damian at tumayo, “Wag mong ipalabas na tayo dahil first of all ni hindi naman naging tayo! Nag-assume ka lang na meron kahit wala! Ni-ligaw nga hindi mo nagawa tapos sasabihin mo na tayo?! What the hell Damian!” sigaw ni Elise kay Damian.
Nang marinig ko iyon kay Elise ay niyaya ko na si Jeremy para umalis at makaiwas sa gulo ng dalawa ni Elise at Damian.
“Let’s go bro hayaan na natin sila,” pag-aaya ko kay Jeremy.
Iniwan namin si Elise at Damian sa Library habang kami naman ni Jeremy ay patungo na sa kaniyang sasakyan upang umalis na lang sa school. At nang habang nag-lalakad kami ay muli naming pinag-usapan ang dalawa dahil narinig namin ang kanilang pag-tatalo.
“Ang lala pala ng Damian na yun bro no? dinig na dinig ng dalawang taenga ko na hind naging sila ni Elise,” pahayag bigla ni Jeremy
“Hindi ko rin akalain, pero wala pa rin akong pake sa kanilang dalawa. Tahimik na akong walang lovelife, and I’m happy right now,” tugon ko naman kay Jeremy.
“Pero matanong ko lang bro, wala ka na ba talagang feelings for Elise? Kasi tingnan mo, habol siya ng habol sayo tapos hindi mo naman pinapansin,” tanong bigla ni Jeremy sa akin.
Napatingin naman ako kay Jeremy ng itanong niya iyon sa akin, kaya’t agad ko rin namang sinagot. “Wala na bro, lalo na ngayon, I hate lies. Ayoko ng maulit ang panloloko at maramdaman ang sakit mula sa kaniya, ma-sstress ka lang na kasama siya everyday,” pahayag ko naman sa kaniya.
Bigla niya akong siniko, “Naks naman, ang Lucas namin! Haha straight! Walang palya-palya!” masayang pagkakasabi sa akin ni Jeremy nang marinig niya ang sagot ko tungkol kay Elise.
At nag-tungo na kami sa parking lot kung saan nandoon ang sasakyan ni Jeremy. Napag-desisyonan namin na mag-tungo ng condo niya para tumambay dahil wala na naman kaming klase.
Elise’s point of view
Nang makaalis si Lucas sa harapan namin ay hindi ako tinigilan ni Damian kaya’t hindi ko na siya nahabol.
“Tingnan mo ang ginawa mo Damian! Talagang hindi moa ko kaya tigilan no?! bakit ha?!” sigaw ko sa kaniya nang makitang umalis si Lucas sa amin.
“Elise, hindi ako tanga! Kitang-kita ko ang kamay mo ay nakay Lucas! Sinong hindi maiinis ha? After nang may mangyari sa atin sa sinehan?! Ganoon na lang ang gagawin mo sa akin?! Wag nga ako Elise!” sigaw naman niya sa akin,
“Damian, tigilan mo nga yang imahinasyon mo! Ilang beses ko bang sasabihin sayon a walang tayo at hindi naging tayo! Wag kang mag-assume na porket may nangyari sa atin ay tayo na! hindi yun ganoon Damian!” pahayag ko muli sa kaniya
Hindi na siya nakapag-salita nang sabihin ko iyon sa kaniya, kaya’t umalis na kami ng mga kaibigan ko at nag-tungko sa hallway upang hanapin sina Lucas. Hindi ko alam kung paano iiwasang magalit kay Damian, ngunit sa mga sinabi niya ay sumabog na ang iniisip ko.
Damian’s point of view
Nang sabihin iyon sa akin ni Elise ay hindi ko alam ang mararamdaman ko, kahit ang mga kaibigan ko na nakarinig ay hindi nila alam ang ipapayo nila sa akin. Hinawakan ako ni Raver sa aking balikat at ako ay kinausap.
“Bro, okay ka—” tanong sana ni Raver sa akin ngunit nang malaman ko na agad ang kaniyang itatanong ay agad kong pinangunahan.
“Hindi bro, tayo uminom?” pagaaya ko sa kanila.
Nagulat sina Raver at Leo nang sabihin ko iyon sa kanila, at hindi nag-tagal ay pumayag rin naman silang samahan ako pag-katapos ng klase namin.
Luna’s point of view
Hapon na at patapos na kaming manguha nang mga bunga ay biglang nag-ring ang aking telepono at agad ko namang kinuha ang cellphone sa aking bulsa dahil baka mahalaga ang tawag.
Ngunit pag-tingin ko sa cellphone ay pangalan ni Jessica ang nakita ko kaya’t agad akong lumayo at sinagot ang tawag ni Jessica.
“Luna? Hello?” pahayag niya
“Jess! Oh ano? Kamusta?” tanong ko kaagad sa kaniya nang sabihin niya ang pangalan ko.
“Okay lang, ikaw ba? Bukas baka bumalik na ako ng Manila. Ikaw ba? Kailan mo balak bumalik? Nag-dadalawang isip kasi ako na itigil ang course ko, tsaka ilang taon narin naman gagraduate na tayo. And take note, sayang yung scholarship natin,” pahayag niya kaagad sa akin.
“Ah—actually Jessica, hindi ko alam eh—” putol kong pag-kakasabi kay Jessica.
Nang bigla niya akong sigawan nang marinig niya ang sinabi ko, “Anong hindi mo alam Luna?!” sigaw niyang pag-kakatanong sa akin.
“Jess kalma ka lang! ito naman hindi pa tapos eh, sabi ko hindi ko rin alam na papayagan pa ulit ako nina inay na bumalik sa Maynila, kaya see you! Baka sabihin mo na kaagad kayna Jeremy ah? wag muna, para surprise,” pahayag ko naman sa kaniya tungkol sa pag-babalik sa Maynila.
“Sira ulo ka talaga Luna kahit kailan! Pinakaba mo naman ako! Muntikan na akong maging malungkot ng very light ha!” saad naman niya kaagad sa akin.
“Oo na sige na! mamaya na lang kita ulit kausapin, nasa bundok kasi kami nangunguha ng tanim. See you na lang!” pag-papaalam ko kay Jessica
“Sige Sis! Ingat ka!” pahayag din naman niya at agad ring pinatay ang tawag.
Nang pabalik ako sa mga tanim ay bigla akong tinanong ng aking ina, “Anak? Sino ang tumawag sayo?”
“Ah—nay si Jessica po. Kasamahan ko sa dorm na tinitigilan ko, isa rin po siya sa umuwi sa kanilang probinsya, kaya’t nag-kasundo rin po kami ng mabilis,” tugon ko naman sa aking ina.
“Aba minsan anak dalhin mo dito ang mga kaibigan mo para naman makagala sila dito at makilala namin ng mama mo, malay mo maireto pa natin si Jessica sa kuya Gelo mo diba anak?” pabirong pag-kakasabi ng aking ama sa akin ganoon din kay Kuya Gelo.
Natawa naman si mama nang sabihin iyon ng aming ama at bigla namang umimik si Kuya Gelo.
“Tay naman! Masaya na ako ngayon no, saka na po ako mag-gigirlfriend kapag may bahay na, sasakyan at kapag mayaman na tayo. Tsaka hindi ko pa naman po kailangan niyan ngayon, ang kailangan ko na lang ngayon ay kayo, okay po?” pahayag naman ng kapatid ko.
“Nako nga, ka-lambing naman ng aking anak na ito. Payakap nga kami sa aming kuya,” pahayag naman ng aking ina.
Lumapit si Kuya Gelo kay mama, at lumapit din naman kami ni tatay sa kanila at nag-bigay din ng mahigpit na yakap. Doon sa eksenang iyon ay hindi namin naiwasan maging emosyonal dahil tungkol sa buhay naming pamilya narin ang tinutukoy ni Kuya at hindi pansarili lamang niya.
“Tama na, baka mag-iyakan pa tayo dito eh ang dami-dami nating dadalhin, baka may makakita pa sa atin,” pahayag naman bigla ng aking ama.
Agad na nag-sipunasan ng kaniya-kaniyang luha sa mata at sipon ang mga nag-iyakan kasama narin ako doon at muli na naming itinuloy an gaming pangunguha ng bunga ng gulay ganoon din ng ilang prutas para may maiuwi sa bahay
Nang matapos na ay nag-tungo kami sa aming kubo at doon ay naupo kami nina kuya ganoon din ng aming mga magulang. Inilabas ko ang tubig na may yelo na dala-dala namin ay inilabas ko din ang baso para makainom kami.
Nang makainom na lahat ay inihanda na lahat ng sako at bit-bitin na dadalhin sa bahay, at nag-simula na kaming mag-lakad para makuwi dahil baka abutan pa kami ng dilim. Kaya’t kanya-kanya nalang ding diskarte ang gagawin para makababa ng ayos sa bundok.