Luna’s point of view
Ilang oras na ang lumipas at nakarating na ako sa bayan namin sa probinsya ng San Rafael. Nang makababa ako ng bus ay agad ko naring nakita ang aking kuya na si Kuya Gelo. Napalingon ako nang bigla siyang kumaway sa akin habang nakangiti.
“Luna!” pag-tawag niya sa akin.
“Kuya!” tugon ko naman.
Lumapit siya sa akin agad niyang kinuha ang aking mga dalang gamit na mabibigat rin. “Ang dami mong dala ah, mukhang mapapatagal ka dito,” saad naman niya nang dalhin niya iyon.
Napatingin naman ako sa kaniya, “Ayaw mo ba kuya? Bumalik na lang ako sa bus, mukhang ayaw mo eh,” pabiro ko naman sa kaniya.”
Biglang nag-iba ang kaniyang mukha at agad niyang kinuha ang aking braso habang ako naman ay natatawa sa kaniya, “Joke lang kuya ano ba, syempre hindi na muna ako babalik. Mukhang hindi mo naman ako miss,” saad ko naman sa kaniya.
Napabitaw naman siya sa akin at bigla siyang nag-tanong,
“Ano ba kasing meron? Bakit bigla ka atang napauwi?” tanong niya sa akin.
Bigla namang nawala ang ngiti ko sa mukha nang itanong niya iyon sa akin, “Sa bahay na lang kuya, mukhang hindi ito ang tamang lugar at oras para sagutin ko ang mga tanong mong yan sa akin,” tugon ko naman agad sa kaniya.
“Ah ganoon ba nene, sige tara na. Ayan ang motor ko, pag-pasensyahan mo na si kuya eh. Ganito padin ang buhay eh, mahirap,” pahayag niya naman sa akin nang ituro niya ang kaniyang lumang motor.
Napatingin naman ako sa kaniya, at tila nalungkot sa kaniyang sinasabi. Kaya’t inakbayan ko siya kaagad para hindi na siya malungkot at panghinaan ng loob.
“Alam mo kuya, kaya natin yan. Lilipas din naman lahat ng kahirapan nating ito eh, tiwala lang. Tsaka panigurado kaya pa naman ako niyan eh,” saad ko naman.
Napangiti naman siya agad nang sabihin ko iyon sa kaniya.
“Sige na sumakay ka na ne! panigurado gustong-gusto ka na makita nila nanay at tatay,” pahayag niya sa akin.
Agad naman akong sumakay nang sabihin niya iyon sa akin, at tsaka gustong-gusto ko naring umuwi para makita din sila.
Habang nasa byahe na kami at nakasakay na ako sa motor ng aking kapatid. Hindi ko maiwasang magandahan sa paligid, kasabay noon ay hindi ko din maiwasang maalala ang magagandang nakaraan.
Nang biglang nag-salita si Kuya Gelo. “Ayan na pala sina Nanay oh, kasama sina mama. Malayo pa lang nakaway na sayo, haha”
Napatingin naman ako nang sabihin iyon ni Kuya sa akin, at nang makita ko ang aking pamilya kasama si Nanay ay bigla akong naganahan at nabuhayan ng saya. Nang makarating kami doon ay agad akong bumaba ng motor upang puntahan sina mama at yakapin ng yakap na mahihigpit.
“Ate!” sigaw nang bunso kong kapatid na si Harold
“Bunso! Kamusta naman ang aking bunso?” tanong ko naman agad sa kaniya nang biglang umakap sa akin.
“Ayos na ayos ate!” tugon naman niya.
7 years old pa lang ang aking kapatid pero tinuruan na ito nila mama kung paano makipag-usap ng maayos sa kaniyang mga nakakatanda, hindi ko maisip noong pumunta ako ng maynila ay maliit pa lamang ito ngunit pag-balik ko ay Malaki na siya.
“Kamusta Luna anak? Kamusta ang pag-aaral mo sa maynila?” tanong naman ng aking ina sa akin.
Napatingin naman ako sa kaniya at ngumiti, “Ayos lang ma,” tugon ko naman.
Napaupo ang aking ina sa upuan habang inilalabas ko ang aking gamit sa sofa. “Oh? Bakit parang ang tamlay mo ata? Hindi ka ba masaya?” tanong niya muli sa akin nang mapansin na maikli lamang ang aking isinagot sa kaniya.
Napatingin naman ako sa aking ina, “Ma? Pwede na baa ko mag-tanong tutal nandito ka na rin naman sa harap ko at tatayo lang naman po ang tao,” pahayag ko bigla sa aking ina.
“Ano yun anak?” tanong naman agad sa akin ng aking ina.
“Ma? Tungkol sa simbolo dito sa nasa braso ko, ano po ito?” tanong ko sa kaniya habang tinuturo ang aking braso kung saan nandoon ang simbolo na aking nakikita ganoon din na nakikita ni Lucas.
Napatihimik at hindi agad nakapag-salita ang aking ina sa itinanong ko sa kaniya, at tinawag ko muli siya nang hindi siya sumagot dahil napansin kong parang natulala ito at may inisip.
“Ma? Okay ka lang ba?” tanong ko kaagd sa kaniya
Napatingin naman kaagad ang aking ina, “A-ayos lang anak,” tugon niya sa akin.
“Ano po itong simbolo na nasa braso ko ma?” tanong ko muli sa kaniya
Nang bigla na siyang sumagot tungkol doon, “Saan mo nalaman yan anak?” tanong niay sa akin.
“Wala ma, may kaibigan lang ako na nakapansin sa simbolo na nasa aking braso. Pero pwede ko bang malaman kung ano ito? At nag-tataka ako bakit hindi makita nang iba kapag itinuturo ko sa kaibigan ko,” saad ko naman sa aking ina.
Napatayo naman ang aking ina at lumapit sa akin at agad naring hinawakan ang aking braso.
“Kung ano man ang sinasabi sayo ng iba ay wag mo silang papansinin, hindi mo dapat alamin kung ano yan dahil hindi ka karapat-dapat diyan,” tugon sa akin ng aking ina.
“Pero ma, may karapatan akong malaman dahil braso ko ito. Parte ito ng aking katawan,” pahayag ko naman sa kaniya
Ngunit nang sabihin ko iyon sa kaniya ay bigla siyang nainis na tila hindi ko alam kung anong rason. Sa inis na iyon ay biglang umalis si mama sa aking harapan at lumabas patungo sa kung saan nandoon si papa.
Nang bigla namang pumasok ang aking kapatid na si Kuya Gelo, at napansin ang itsura ni mama noong lumabas ng bahay.
“Oh napaano yun Luna? Bakit nag-iba ang ihip ng hangin ni mama?” tanong niya sa akin.
Napatingin naman ako sa aking kapatid, “Hindi ko alam kuya, tinanong ko lang naman siya ng mahalagang tanong, pero bigla nalang siyang nagalit na hindi man lang niya sinabi sa akin kung bakit,” tugon ko sa aking mas nakakatandang kapatid.
Habang nag-aayos ako ng aking gamit ay hindi ko maiwasan isipin na ganoon na lamang ang reaksyon ng aking ina sa itinanong ko sa kaniya.
Emily’s point of view (nanay ni Luna)
Nag-tungo ako sa aking asawa upang sabihin ang itinanong sa akin ni Luna, papalapit pa lang ako ay napatingin na sa akin ang aking asawa na si Javier.
“Oh? Bakit nakasimangot ang aking magandang asawa? Anong problema?” tanong sa akin ng aking asawa na si Javier.
“May itinanong sa akin si Luna hindi dapat niya malaman ngunit nalaman niya dahil lang sa kaniyang kaklase na sinasabi niya,” tugon ko sa kaniya
Biglang napaisip ang aking asawa kung ano ang aking tinutukoy kaya’t napatanong siya kung ano iyon, “Ano ba iyon?”
“Yung simbolo na nasa kaniyang braso. Eh kahit ako hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniyang katanungan, ni hindi ko alam kung bakit siya nagkaroon ng ganyan,” tugon ko muli sa aking asawa.
Nang biglang may inisip si Javier, “Hindi ba may nakapag-sabi sayong matanda noon na may nakapag-lagay daw niyan sa kaniya at nang sinubukang alisin ay hinid na maalis? At tsaka hindi rin naman siya tattoo ganoong ding hindi siya balat dahil iba’t-iba iyon,” pahayag niyang muli sa akin.
Naalala ko din iyon nang sabihin sa akin ng aking asawang si Javier. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa aking anak na si Luna ang totoo.
Lucas’s point of view
Natapos na ang aming klase sa tanghali ni Jeremy, at habang papalabas kami ng classroom ay naninibago kami na hindi namin kasama ang dalawa ni Jessica at Luna. Nang biglang mag-salita si Jeremy.
“Grabe no? nakakapanibago na wala ang dalawa, lalo na ang kadal-dalan,” pahayag niyang bigla sa akin.
“Yeah you’re right, anyways pasaan ka nga pala after class?” tanong ko naman sa kaniya
“Ah hindi ko alam eh, gusto mo tambay muna tayo sa amin tapos laro tayo ng games sa ps5?” tanong naman niya sa akin.
“Oo naman, hindi ba nakakhiya sayo? Baka sabihin mo naman wala akong muwian, hahaha,” saad ko namang pabiro sa kaniya.
“Are you insane bro? syempre okay lang. Mas ayos na yung may kasama ako sa condo keysa wala no, lalo na at wala akong kapatid. Unlike you,” pahayag niya bigla sa akin.
Bigla naman akong napatingin sa kaniya nang sabihin niya iyon sa akin, “Anong wala? Akala mo lang wala no. Pero totoo wala talaga akong kapatid, solo lang din ako like you bro,” tugon ko naman sa kaniyang sinabi.
Nagulat naman siya nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Seryoso bro? tamang match pala tayo eh as brother’s,” pahayag naman niya sa akin.
“Oo, kaya medyo okay okay na ako ngayon unlike before, although may bestfriend ako na childhood friend,” saad naman ko naman sa kaniya nang sabihin niya iyon.
“May point ka naman, pareho lang tayo. Iba parin talaga kapag may kapatid ka na nakakasama,” pahayag naman niya.
Habang nag-lalakad kami patungo sa canteen ay nakita namin sina Elise, at nang makita ko ito kasama ang kaniyang mga kaibigan ay agad naming iniwas ang aming mga tingin sa kanila.
“Nakita mo ba yun bro?” tanong bigla sa akin ni Jeremy.
“Oo, hayaan mo na sila. Wala akong oras makipag-usap sa kanila, at kung humabol man wag mo na pansinin. I don’t give a f**k,” tugon ko naman kay Jeremy.
Habang nag-lalakad ay napapansin ko nang nakasunod na sina Elise sa aming dalawa ni Jeremy at ganoon din pala si Jeremy.
“Watdafuc bro, nandyan na pala sila sa lukran natin, what to do next?” pahayag muli sa akin ni Jeremy.
“Lakad ka lang, ako bahala sayo. Isang imik lang dyan ng real talk iiwas nay an sa atin,” tugon ko naman agad kay Jeremy.
Nang makakuha na kami ng pag-kain ay agad na rin kaming nag-hanap ng upuan, at dahil dadalawa lang kami ay pang-dalawang tao lang ang hinanap naming lamesa. Para din hindi na makasunod pa sa amin sina Elise ganoon din ang kaniyang kaibigan.
Nag biglang nag-salita si Jeremy, “Bro, nag-text sa akin sina Luna,”
Napatingin naman ako sa kaniya, kaya’t agad ko ring tinanong ito. “Anong sinabi?”
“Kamusta na daw tayo? Humihingi ng pasensya si Luna dahil hindi sila pumasok ni Jessica ngayon sa school, ano? Sabihin ko na rin ba na okay lang at hindi rin naman na ganoon kadaming tao sa school?” pahayag ni Jeremy sa akin.
“Oo bro, para hindi sila mahiya sa prof natin, atleast nakapag-paalam sila ng maayos kahit sa excuse letter man lang,” saad ko naman sa kaibigan kong si Jeremy.
Agad na sinabi ni Jeremy ang aking sinabi sa kaniya, doon ay makakatulong kayna Jessica at Luna iyon para hindi na sila mag-isip doon habang nandoon sila sa kanila.
Nang biglang dumating sina Elise, “Hi Lucas, bakit parang wala sina Luna?” pag-bati ni Elise sa akin.
Narinig ko ang kanilang pag-bati ngunit hindi ko sila pinansin, dahil sa oras na pansinin ko sila ay doon mag-sisimulang mangulit sina Elise at posibleng hindi na ako tigilan.
“Ay hindi napapansin, masyado ka naman snobber Lucas,” pahayag muli ni Elise nang bigla na niya akong hawakan sa aking braso.
At dahil sa madali akong nainsulto ay agad kong inalis ang kaniyang pag-kakahawak at doon ay bigla akong umimik. “Hindi mo ba ako tatantanan? At sinong may sabi na pwede mo akong hawakan sa gusto mo? Close ba tayo?” tanong ko sa kaniya.
Bigla siyang natahimik at tila hindi alam kung ano ang sasabihin sa mga sinabi ko. “Umalis na tayo Elise,” pahayag ng isa sa kaniyang mga kaibigan.
“Oo nga tama yan, makinig ka sa kanila Elise. Dahil tandaan mo ito, wala ka ng mapapala sa akin kahit kulit-kulitin mo pa ako ng ilang beses, I swear,” pahayag ko muli sa kanila.
Doon ay umalis na kaagad si Elise at hindi na pinahaba ang aming pag-uusap. Nang biglang umimik si Jeremy, “Grabe ang pag-hahabol ng babaeng yan sayo ah?”
“Ewan ko doon, hindi ko siya maintindihan after all na ginawa niya sa aking katarantaduhan,” tugon ko naman agad kay Jeremy.
“So ibig sabihin nagkaroon nga kayo ng something?” tanong muli sa akin ni Jeremy.
“Sa hindi ko rin inaasahan, yes,” tugon ko naman.
“Ah, kaya pala. Hindi na ako mag-tataka kung hinahabol-habol ka niya ngayon,” saad muli ni Jeremy sa akin.
Hindi na lang ako umimik sa sinabi ni Jeremy, at kumain na muna kami.
Elise’s point of view
Nag-lalakad na kami patungo sa labas ng mga kaibigan ko habang ako naman ay wala parin sa aking mood dahil sa mga sinabi ni Lucas sa akin.
“Hindi ko akalain na kayang gawin iyon sayo ngayon ni Lucas, mukhang sobra na naman ata yun,” pahayag ni Mica
“Hayaan niyo na, wala rin naman na siguro akong magagawa para bumalik siya sa akin—” naputol ang aking sinasabi nang biglang dumating si Damian at biglang umimik sa harapan ko.
“At sinong ang babalik?” tanong ni Damian ng marinig ng kaunti ang aking sinasabi.
“Ah—wala wala, may pinag-usuapan lang kami nina Mica tungkol sa ex niya,” tugon ko naman agad kay Damian.
“So—pasaan na kayo? Kayo lang ba?” tanong naman muli sa akin ni Damian.
“Yeah,” tugon ko naman
“Can we come with you?” tanong muli niya sa akin
Hindi ako makaimik sa kaniyang itinanong nang biglang sumagot si Mica, “Of course Damian, pwede mo kaming samahan kumain, alam kong hindi pa kayo kumakain kaya G ako diyan!”
“Yun! Kaya sige, let’s go!” pahayag naman muli ni Damian.
Sabay-sabay kaming pumasok muli ng Canteen na kasama na sina Damian, at nang tiningnan ko sina Lucas sa kanilang pwesto ay wala na sila. Nang bigla akong napansin ni Damian at tinanong, “Sinong hinahanap mo? May tinitingnan ka ba na kakilala?” tanong niya sa akin.
Napatingin naman ako kay Damian, “Ah—wala wala Damian, may napansin lang ako na parang hindi pamilyar na mukha sa akin, kaya napatingin ako,” tugon ko naman kaagad sa kaniya.
“Okay, sige na pila na kayo,” pahayag ni Damian sa amin ng mga kaibigan ko.
Nauna kaming pinapila ni Damian bago sila ng kaniyang mga kaibigan, sa mga oras na iyon ay hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo kay Damian tungkol kay Lucas o hindi. Dahil alam ko na kahit tanong lang ang mga iyon sa akin, ay alam kong hinuhuli lang niya ako sa mga tanong niya.
Lucas’s point of view.
Nang makaalis kami ni Jeremy, ay nakita naming pumasok sina Damian kaya agad akong lumabas. Alam kong kapag nakita ako ng mga iyon ay posibleng kalabanin nila ako.
“Buti nakaalis tayo, pero bakit ganoon? Kasama ni Damian ang ex mong si Elise?” pag-tatakang tanong sa akin ni Jeremy.
“Hindi ko alam, pero hayaan mo na sila, wala naman akong pakielam sa ginagawan nila eh. I’m done with Elise, noon pa man,” tugon ko naman agad sa kasama kong si Jeremy.
“Nakakapagtaka lang talaga, imagine kaaway natin si Damian, at the same time ex mo pa si Elise. What if may gusto si Damian kay Elise?” saad naman muli ni Jeremy sa akin.
Doon ay napatahimik ako sa sinabi sa akin ni Jeremy, dahil kahit sabihin niya ay alam kong mayroon itinatago ang dalawa na hindi alam ng iba lalo na at ang mali doon ay ang pag-kakaroon nila ng mag-kaibigang samahan.