K11 - Magpakatatag MALAKING ngiti ni sister Mary ang sumalubong kay Hermione, nang sandali na pumasok silang mag-ina sa kumbento. Nagmamadali ang may edad na madre na salubungin silang dalawa. Bitbit niya ang baby bag nang yakapin siya ni Mary, saka kinuha ng babae ang dala niya. "Nadalaw ka, Hermione. Salamat naman naalala mo ako. Halika. Ang laki-laki na ni Hunt," nakangisi na sabi nito sa kanya. Inakay sila nito papunta sa loob ng kumbento, sa kwarto kung saan pwede silang magpahinga na mag-ina. "Pasensya ka na ha, hindi ako nakapunta noong kasal mo dahil nasa Davao kami. Ang Mama mo kumusta?" "Okay po si Mama, Sister Mary. Kayo po, kumusta?" Anaman niya nang maupo. Kinuha nito si Hunt at tuwang-tuwa na tinitigan ang bata, "Napaka-cute naman ng apo ko. Dadalaw sana ako sa Mama mo