Chapter Sixteen

275 Words
KINALMA muna ni Selene ang kanyang sarili bago lumabas sa kwarto. Pupuntahan niya si Knox sa baba dahil may bisita yata ito. “Inom tayo.” Iyan ang unang narinig ni Selene nang pababa na siya sa hagdan. Nakita niyang may kausap si Knox sa sala. Kapansin-pansin din ang kagwapuhan ng kasama ni Knox at base sa pag-uusap ng dalawa, mukha yatang magkaibigan ang mga ito. “Alam mo bang gustong-gusto kitang sakalin, Lieven?” inis na giit ni Knox. “f**k you, man. I told you I had nowhere to go,” sagot naman ng kausap ni Knox na si Lieven. Busy ang dalawa sa masama nilang titigan kaya hindi nila napansin ang paglapit ni Selene sa kanilang dalawa. Tsaka na lang nila napansin ang kanyang presensya noong nasa likod siya ni Knox. “Kaibigan mo?” tanong niya kay Knox. Lumingon naman si Knox sa kanya at ngumiti. “Sadly, yes.” “That`s rude, bro! You should be proud that I`m your friend!” malakas na pahayag ni Lieven. “Shut up, Lieven! Ang ingay mo,” sita ni Knox sa kaibigan. “You`re no fun, Knox! Is she the one Nikolai was talking about?” Lieven asked, referring to Selene. Lalong tumalim ang titig ni Knox kay Lieven na para bang pinapatay nito ang kaibigan sa utak. Si Lieven naman ay ngumiti lang ng bahagya at parang inaasar pa si Knox. “Isa pang salita, sisipain na kita palabas ng bahay ko!” sigaw ni Knox sabay bato kay Lieven gamit ang mansanas na naka-display sa table. Nasalo naman ni Lieven ang apple habang tumatawa. “Napaka defensive mo naman!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD