Chapter Three

2248 Words
NANLAKI ang mga mata ni Selene nang magising siya na yakap-yakap ni Knox. Ramdam na ramdam din niya ang mainit na hininga ng binata na tumatama sa kanyang leeg at hindi niya iyon gusto dahil sa munting kiliti na nararamdaman niya. Hindi siya sobrang inosente upang hindi mawari kung ano ang nararamdaman niyang `yon. Babae siya at natural lang na makaramdam siya ng gano`n lalo na kung mukha ng isang Knox De Rossi ang una mong makikita. Maingat niyang tinatanggal ang braso ni Knox na nakapulupot sa kanyang beywang ngunit hindi siya nagtagumpay dahil nagising ang binata. “You`re not leaving me again, vasilissa mou.” Rinig niyang sambit ni Knox kaya nag-angat siya tingin upang tignan ang lalaki ngunit nakapikit pa ito. Tumingin naman si Selene sa labas at napagtantong gabi na pala. Mahaba ang tulog niya pero pagod pa rin siya. Naalala niya bigla ang sagutan nila ni Knox no`ng umaga. Nagtataka rin siya bakit tumabi ang binata sa kanya kung alam nitong galit pa siya. “Bakit ka tumabi sa akin?” hindi niya napigilang itanong sa lalaki. Knox chuckled and started combing her hair. “Your hair smells like vanilla and strawberry, I like it.” Saglit na tumigil ang paghinga ni Selene nang marinig ang sinabi ng lalaki. It was a compliment and it made her heart skipped a beat but she shouldn`t feel that way. Nagtaka tuloy siya bakit biglang nag-iba ang pakikitungo ng binata sa kanya. She should be mad at him but she just found herself smiling when Knox complimented her. What's wrong with me? “Thank y-you,” maikling sagot niya sa binata. Kanina pa niya ipinagdadasal na sana ay hindi na nila pag-uusapan ang nangyari sa kanila noong umaga bago sila nagsagutan. It was just a plain foreplay and nothing more. Isa pa, hindi naman nila mahal ang isa`t isa. “Inaantok ka pa?” tanong sa kanya ni Knox gamit ang mababang boses. Tumango lang siya tsaka naramdamang lumapat sa kanyang noo ang labi ni Knox. He kissed her on the forehead and that made her close her eyes. Hindi pwedeng magpatuloy `to. Naiilang si Selene sa ipinapakita sa kanya ni Knox, hindi siya kumportable. Nagsagutan sila kaninang umaga pero ngayon ay para silang magkarelasyon. Iba ang pakikitungo ni Knox sa kanya na siyang gumugulo sa kanyang isipan. Paano kaya niya lalayuan ang binata kung nasa iisang bahay lang sila? “I have to clean up.” Kailangang muna niyang maligo dahil malagkit na ang katawan niya. Hinayaan naman siya si Knox at pinagmasdan lang siya nitong umalis sa kama. He`s just playing games on me, right? Sigaw ng isip niya at saglit na tinapunan ng tingin si Knox. Natatakot siya sa susunod na mangyari kaya habang maaga pa, kailangan niyang rendahan ang puso para hindi mahulog sa binata. Bumibilis ang t***k ng puso niya kapag maganda ang pakikitungo ng binata sa kanya kaya alam niya ang nangyayari sa kanya. LIHIM na napamura si Knox nang nakita ang pag-aalinlangan sa mukha ni Selene. “I`m sorry again. Gutom ka na ba?” Gustong kutusan ni Knox ang sarili dahil sa sinabi. Why did he even say sorry to her again? Bumuntong-hininga na lang siya dahil tango na naman ang nakuha niyang sagot mula sa dalaga. “Anong gusto mong kainin? I`ll cook for our dinner,” tanong niya sa dalaga. “Kahit ano basta mabubusog ako. I`m hungry,” pag-aamin ni Selene. Mahina siyang tumawa bago bumangon sa kama at nilapitan ang dalaga. He planted another kiss on her forehead and sniffed her hair. He likes kissing her and he doesn`t even know why. He`s even treating her nicely and being nice isn`t his cup of tea. Tahimik na tinungo ni Selene ang banyo habang siya naman ay mabilis sa nagpalit bago bumaba sa kusina upang magluto. KANINA pa nakatitig si Knox sa niluto niyang hapunan nila ni Selene habang iniisip kung ano na ang susunod niyang gagawin. Hindi rin lingid sa kanyang kaalaman na siguradong galit ang babae sa kanya dahil sa mga nasabi niya rito. Madami na siyang atraso kay Selene pero gusto niyang manatili pa ang dalaga sa bahay niya kahit galit pa ito sa kanya dahil sa nangyari no`ng umaga. “f**k. When did I become a softy?” He`s usually harsh and rude. He never cared for anyone pero nang makita niya ang lungkot sa mga mata ni Selene kanina, gusto niyang suntukin ang sarili. Naguguluhan siya sa nararamdaman niyang matagal na niyang gustong ibaon sa limot. He should be mad at her for hurting his ego but he`s acting different around her. He even said sorry to her this morning. “Damn. What should I do?” He`s frustrated. Biglang sumikdo ang pag-aalala niya na baka biglang sabihin ni Selene sa kanya na gusto nitong umuwi sa Pinas. Agad naman niyang binura ang pag-aalalang nararamdaman dahil hindi ito nakabubuti sa kanya. “Anong niluto mo?” Bumalik siya sa katinuan nang sumulpot si Selene sa kanyang tabi. Nilingon naman niya ang dalaga tsaka ito nginitian bago sumagot. “Steak and salad. You always have them for dinner, right?” Kunot-noong binalingan siya ng tingin ni Selene pero hindi niya pinansin ang mapanuring titig nito sa kanya. “How did you know that?” nagtatakang tanong ng dalaga sa kanya. Umiwas siya ng tingin at hindi sinagot ang tanong ni Selene. Sa halip ay ipinakita niya rito ang hawak niyang bote ng wine. “Screaming Eagle Cabernet Sauvignon 1992. Do you want this? I can get a new one if you don`t like it.” Nanlalaki ang mga matang binalingan siya ni Selene. “Are you serious? That`s my favorite!” anito. He chuckled and put the bottle on the table. “Come, sit. Alam kong gutom ka na,” anyaya niya sa dalaga at hinila ang upuan para sa kanya. Saglit siyang tinitigan ng dalaga bago ito umupo, siya naman ay umupo sa bakanteng upuan sa harap nito. “Here, have some.” Maingat niyang nilagyan ng salad ang plato ni Selene na siyang ikinatigil ng dalaga. Alam niyang naiilang ito sa kanya pero gusto lang naman niyang pagsilbihan ang dalaga. Not that he loves her though, gusto lang niyang bumawi dahil madami siyang kasalanan sa dalaga. Oo, `yon nga ang rason bakit niya ito ginagawa. “Salamat,” wika ni Selene. Nginitian lang niya ito bago sinimulang kumain dahil hindi niya alam kung paano kausapin ang dalaga. He doesn`t want her to get mad at him again that`s why he chose to shut his mouth. His friends will surely grill him if they would see what he`s doing right now. Those bastards shouldn't know the things he`s up to because when they do, he`s f****d up. Hindi talaga niya maintindihan ang sarili, he`s not himself anymore and it started when he finally got close with Selene. “So, ahm… Where are we?” basag ni Selene sa katahimikan. Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang titig ng dalaga bago sumagot. “At my villa.” Hindi nakatakas sa panginin niya ang pag-ikot ng mga mata ni Selene. Tumaas ang gilid ng labi niya dahil doon pero agad din itong nabura nang magsalita ulit ang dalaga. “I know. Ang tinatanong ko ay kung saang lugar tayo ngayon. You kidnapped me, remember?” Ngayon lang siya tinarayan ng dalaga kaya naman naaliw siya ng konti. “Greece,” maikling sagot niya. “WHAT?!” Napapikit siya dahil sa lakas ng boses ni Selene. Alam niyang gulat ang dalaga pero hindi niya inasahang sisigaw ito ng ganyan kalakas. He flashed a devilish grin while eyeing the shocked woman in front of him. “Welcome to Greece, baby.” HINDI pa rin nag-sink in sa utak ni Selene ang sinabi ni Knox. They`re in Greece! Kagabi ay pinaplano pa lang niyang pumunta sa Greece upang magbakasyon pero ngayon, nandito na siya. She`s in Greece but she`s stuck with Knox De Rossi, her hot kidnapper. What should she do now? Escape? “Why brought me here, Knox?” seryosong tanong niya sa binatang ngayon ay tahimik ng kumakain sa harap niya. Kita niyang natigilan ang binata bago nilapag ang hawak niyang fork. “Damn. My name sounds sexy when you say it. It reminds me of the moment when you were moaning my name in pleasure while we`re having-” “Shut up, Knox! Ang bastos talaga ng bibig mo!” Namumula niyang pinutol ang sasabihin ng binata dahil sa inis. Siya pa `tong nahihiya sa walang filter na pananalita ng binata. He can just say whatever comes to his mind and that`s putting her into a hot seat. Ngumisi lang si Knox at muling itinuloy ang pagkain. “Well, what should I say then?” wika ng binata. Alam niyang may hindi sinasabi sa kanya ang binata, ramdam niya `yon. Ang gusto lang naman niyang malaman ay ang totoong rason nito bakit siya kinidnap. Umikot na naman ang mata niya dahil sa inis sa binata. Parang normal lang sa kanya ang lahat habang siya ay pinipigilan lang ang galit niya rito. Hindi pa rin niya makalimutan ang mga sinabi nito sa kanya no'ng umaga. Knox is back to teasing her again, he's acting like nothing bad happened this morning. “Where`s my bag?” pag-iiba niya sa usapan. Kanina pa niya hinahanap ang handbag niya pero hindi niya ito mahanap. Nandoon ang mga importante niyang gamit tulad ng passport, credit cards pati na rin ang cellphone niya. “In my closet. Hindi mo ba nakita? Kumuha ka ng polo at boxer ko do`n diba?” pilyong giit ni Knox habang titig na titig sa dibdib niya. Bigla naman siyang nahiya dahil sa suot niya ngayon. Basta lang kasi siyang kumuha ng polo at boxer sa closet ng binata kanina. “Look, wala akong ibang dinalang damit maliban sa gown na suot ko no`ng kinidnap mo ako,” inis na sagot niya kay Knox dahil nakangisi na naman ito. Inikutan niya lang ng mata ang binata. “Can you stop grinning? It`s not like I want to put your clothes on. Wala lang talaga akong choice,” dagdag pa niya. Nawalan ng emosyon ang mukha ni Knox na tumingin sa kanya. “Really? Get naked and throw my clothes away then,” anito bago umalis sa hapag at iniwan siyang mag-isa. Sinundan lang niya ng tingin ang palayong binata at hindi na nagsalita pa. Inubos na lang niya ang natitirang pagkain tsaka niligpit ang pinagkainan nila. Naghugas na rin siya ng plato bago umakyat sa taas upang kunin ang handbag niya kay Knox. She needs to call her friends and ask for help to take her away from here. “Fuck.” Iyon ang una niyang narinig no`ng pumasok siya sa kwarto at naabutan ang binatang naninigarilyo sa terrace. He smokes? Selene cleared her throat and walked towards Knox who`s now looking at her. Walang pasabing tinapon ng binata ang hawak na sigarilyo sa malayo bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “What are you doing here?” walang ganang tanong ng binata sa kanya. Hindi na ito nakatingin sa kanya kaya malaya niyang pinagmasdan ang gwapong mukha ng binata. Halatang malalim ang iniisip nito dahil sa malayo ito nakatingin kanina pa no`ng naabutan niya itong naninigarilyo. KNOX wants to punch himself right now. Alam niyang walang gusto sa kanya si Selene at gano`n din naman siya rito. They don`t freaking love each other but why was he mad when Selene told him she doesn`t want to wear his clothes? It`s a shallow reason to get mad but f**k, it ruined his mood. He wanted to clear his mind that`s why he was smoking but when Selene saw him, he just threw his cigarette away. For some unknown reason, he wants Selene to see him as a good man. It pains his ego to admit it but yeah, that`s what he wants right now and he`s well aware that he's in danger. Putangina talagang buhay `to. Kanina pa minumura ni Knox ang kanyang sarili dahil sa emosyong hindi niya maintindihan. Ayaw niyang lumala pa ang emosyon na `yon dahil mababaliw na siya. He doesn`t want to lose his sanity because of some f*****g emotion he can`t even name. It's been years but the same feeling keeps bothering him. Matagal na siyang binabaliw ng emosyong hindi niya maintindihan. “You look frustrated.” Boses ito ng dalaga. Saglit siyang tumingin kay Selene bago ulit tumingin sa malayo. “Yeah. I am,” he admitted. Gulong-gulo naman talaga siya dahil hindi niya alam ang gagawin ngayon at sa mga susunod pang araw na kasama niya si Selene. Siguradong kakamuhian siya ng dalaga kapag nalaman ang tunay na rason bakit niya ito kinidnap. Masama siyang tao dahil sa mga ginawa niya sa dalaga. I`m acting like a f*****g lovesick fool. Tahimik na minura ni Knox ang sarili dahil sa naisip. “Knox, look at me.” Agad siyang napatingin sa dalaga nang tawagin nito ang pangalan niya. “Why?” tugon niya rito. Seryoso ang mukha ng dalagang nakatingin sa kanya kaya may ideya na siya kung ano ang susunod na sasabihin nito sa kanya. Napapikit siya dahil ayaw niyang tignan ang mukha ng dalaga, ayaw niyang tumingin dito dahil baka mawala siya sa katinuan at pumayag sa gusto nito. Maingat siyang hinawakan ng dalaga sa magkabilang braso tsaka ito huminga ng malalim. “I want to go home, Knox. Iuwi mo na ako, please.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD