Chapter Eight

260 Words
HINDI napigilan ni Knox na mapangiti habang nakatitig sa kamay niyang hawak ni Selene. Kanina pa siya hinihila ng dalaga papunta sa kung saan nito gustong pumunta. “Damn, I won`t get tired walking all day,” bulong niya sa sarili habang nakatitig pa rin sa kamay nilang dalawa. Busy si Selene kakahanap ng boutique na gustong puntahan kaya hinahayaan na lang siya ni Knox na gawin ang gusto nito. Ang importante para kay Knox ay magkahawak silang dalawa ng kamay. “Knox!” malakas na tawag ni Selene sa kanya. “What?” naguguluhang sagot niya. “Kanina pa kita tinatawag. Nakikinig ka ba?” tanong pa ni Selene. Nahihiyang nag-iwas ng tingin si Knox bago sumagot. “No. I was thinking about something else,” pag-aamin niya. “Anong iniisip mo?” curious na tanong ng dalaga. Dahil sa hindi pwedeng sabihin ni Knox ang nasa isip niya. Minabuti na lang niyang ibahin ang usapan para hindi na magtanong si Selene. “Wala. Ano pa bang gusto mong bilhin dito?” tanong niya sa dalaga. “Wala pa akong maisip, e. Kumain na lang muna kaya tayo? Gutom na ako,” ani Selene. “Then let`s eat first. What do you want?” tanong pa niya rito. Saglit na nag-isip si Selene pero agad naman itong sumagot. “Korean food, okay lang?” Matagal na akong hindi nakakain ng Korean food kaya naman pipilitin ko si Knox na maghanap kami ng Asian restaurant dito. Kailangan na ma-satisfy nag cravings ko ngayon. “Fine. Let`s go,” ani Knox.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD