Chapter Eighteen

258 Words
KANINA pa pinag-iisipan ni Selene kung itatanong nita ba ang full name ng tinutukoy ni Lieven o hindi na lang. Ang problema, hindi talaga siya mapakali at gusto na lang niyang makumpirma. “Mind if I ask you more questions?” singit ni Selene sa pag-uusap nila Knox at Lieven. “Yeah, sure!” nakangiting sagot naman ni Lieven. “Anong apelyedo ng Amara na tinutukoy mo?” tanong pa ni Selene. “Can I just show you her picture? I have tons of it,” ani Lieven. Tahimik lang ulit si Knox sa tabi habang nakikinig sa pag-uusap nila Selene at Lieven. Mukhang interesado rin ito sa tanong niya kay Lieven. “Much better,” ani Selene. Saglit na kinuha ni Lieven ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng jacket na suot. In-on muna nito ang screen ng hawak na cellphone bago ito ipinakita ang babaeng nasa wallpaper. Nanlaki ang mga mata ni Selene sa gulat. “W-what?” utal na giit niya. “Do you know her?” tanong ni Lieven kay Selene na hanggang ngayon ay gulat pa rin. Lumapit si Lieven sa tabi ni Selene upang tignan ang larawan. Saglit din na natigilan si Knox sa nakita pero agad naman itong nakabawi. “Well?” tanong ulit ni Lieven. “Of course she knows her. That`s her cousin, you brute!” sigaw ni Knox kay Lieven. Si Lieven naman ang nanigas ka pwesto. Natulala pa ito dahil sa gulat nang marinig ang sinabi ni Knox. “What the f**k?” mahinang mura ni Lieven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD