HYACINTH'S POV Paggising ko ang sakit-sakit ng ulo ko. Mabuti nalang at binigyan ako ni Rence ng gamot para sa sakit ng ulo. Nandito pa rin pala kami sa Private Island nina Sophie. Actully,wala akong kaclue-clue kung sinong nagdala sakin o ano ang nangyare kagabi. Dahil tinamaan talaga ako ng kalasingan ko. Nandito ako ngayon sa tabing-dagat. Nakatayo at tumitingin lang sa malayo. May dala-dala rin akong kape para naman matanggal ang sakit ng ulo ko. May problema ba talaga ako?--kami? o sadyang ako lang talaga ang nag-iisip? Kaya nga kami lumayo sa kanila para makalimutan yung mga nakaraan diba? Pero bakit parang...ang hirap? Ang hirap kalimutan ng nakaraan. Ang hirap kalimutan ang isang malaking kamaliang nagawa nila. Sabagay,wala namang may gusto ng nangyare eh. Lahat naman ata kami