TORI Umuna na akong magpunta sa kwarto. Kung paano kami magkakasya sa maliit na kama na ito ay hindi ko alam. Malaking lalake si Philip at kahit s'ya lang ang nakahiga dito ay sakop na n'ya ang buong kama. Saan ako hihiga? Sa ibaba n'ya?? Oh my gosh, iba't ibang tagpo ng nakaraan ang pumapasok sa isip ko. Gusto ko ng sabunutan ang sarili ko. This is such bad idea! Dapat ay umuwi na lang kami sa farm kanina. Pero naisip ko naman si Karlos, naaawa ako kung iiwan namin s'ya dito. Ni hindi ko nga naisip na mawawalan ng kuryente! Mas nakakaguilty kung iiwan namin s'ya dito na may sakit tapos nangangapa sa dilim. Yes, he is a grown man -- pero takot pala sa multo. Hindi ko namalayan na nandito na pala si Philip at nakasandig ang balikat sa hamba ng pinto. "Anong iniisip mo?" tanong n'ya sa