PHILIP "Sige po, anong oras bukas?" "Alas syete tayo magkita dito. Magpahinga ka ng maaga. Sa isang araw ka na lang magpuyat." Nagsikuhan ang mga ito at nagtawanan. Mukhang honeymoon ang pinupuntirya nila. Kung alam lang nila, wala pang nangyayari sa amin. Naglalakad na kami pauwi ng magsalita si Tori. "You don't have to go tomorrow if you don't want to. Hindi naman 'yon kasama sa kontrata mo." I looked at her for a moment. "I want to. Your father did, anong rason ko para tumanggi?" "I am just saying, you're not going to stay anyway so why waste your time trying to please them? I know what you're doing, Philip." Hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon pero may dumaang lungkot sa mga mata n'ya. Did she really expect that I will follow the contract? Okay, fine. I am trying my best t