NAPAKURAP-KURAP ako. Hindi ko inaasahan na mukha pala ni Darius ang bubungad sa akin. Agad nitong inilapit sa akin ang mukha at akmang hahalikan na sana ako sa labi pero mabilis kong iniwas ang mukha ko sa kanya. “What's wrong?” tanong niya na may pagtataka. “H-Hindi pa po kasi ako nakapag-toothbrush...” pagdadahilan ko. Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Darius. “So what? Eh sa gusto kong halikan ka.” Akmang hahalikan na ako nito muli pero nagmamadali na akong bumangon. “K-Kailangan ko na pong maligo.” Agad akong bumaba ng kama, pero pagkatayo ko pa lang ay hindi ko inaasahan ang biglang paghila ni Darius sa braso ko, dahilan para muli akong mapahiga sa malambot na kama. Agad na pumaibabaw sa akin si Darius at idiniin ang dalawa kong kamay papunta sa aking uluhan. “Aren't you happy