Chapter 1

2172 Words
Kierra's Point of View "Kierra sweetheart..." "Baby Kierra..." "Princess Kierra..." Napasimangot ako at tinakip ang unan sa aking mukha habang nanatiling nakapikit. Rinig ko naman ang pagpakawala ng malalim na buntong hininga ni Kuya Renz, ang pangatlo kong kuya na ubod ng kulit. Siya 'yong klase ng kuya na kukulitin ka hanggang sa masunod ang nais niya, at ngayon heto na naman siya't nang iistorbo sa tulog ko. Seriously, nakakainis siya kung minsan. "Oh come on, sweetheart, get up," he cooed with a hint of sweetness in his voice. "I'm still sleepy, kuya. Mamaya na lang po, okay?" I replied lazily, keeping my eyes shut. My brother chuckled. "Mamaya? Baka mamayang hapon pa 'yang sinasabi mong mamaya? I know you too well, sweetheart. But seriously, you need to get up. I'll help you!" Hindi ko inaasahan ang biglang pagbuhat sa akin ni kuya, dahilan para mabitiwan ko ang unan. "Kuya Renz!" I groaned in annoyance as my legs flailed in the air. Despite my protest, he carried me into the bathroom, and before I knew it, he turned one the shower, the cold water splashing onto my face. "Oh my gosh, kuya! It's freezing!" pagtili ko at napahilamos na lang sa aking mukha. "Be quick, sweetheart." Kuya Renz laughed mischievously, gently setting me down before leaving the bathroom. Napasimangot na lang ako at wala nang nagawa kundi ang maligo. Muntik ko nang makalimutan, ngayong araw nga pala ang first day ko sa university na papasukan ko. After finishing my shower, I dressed simple outfit, opting for black faded jeans and a plain yellow t-shirt matched with white sneakers. With my black backpack slung over my shoulder, I headed downstairs. Pababa pa lang ako ng stairs ay tanaw na tanaw ko na ang triplets kong kuya. Nakaupo silang tatlo sa sofa habang busy sa kani-kanilang ginagawa. Si Kuya Gello ay pinupunasan ang kanyang pistol gun gamit ang puting towel, si Kuya Cev naman ay busy sa kanyang laptop, habang si Kuya Renz ay pangiti-ngiting nakatingin sa sariling cellphone na para bang kinikilig sa ka-text. Kahit na kambal silang tatlo at iisa lang ang itsura ay iba-iba naman ang kanilang pag-uugali; kung si Kuya Renz ay ubod ng kulit, kabaliktaran naman sa dalawa kong kuya na ubod nang seryoso na akala mo'y palaging may kaaway at handang makipagsuntukan ano mang oras. "Good morning, little Kierra," Kuya Gello greeted me when he noticed my presence. I smiled and took a seat next to Kuya Renz who was still busy with his phone. "Good morning din po, kuya. By the way, where's Mom and Dad?" I inquired, realizing they weren't around. "Dad is at the precinct, and Mom left early for the farm. It's the fruit harvest today," sagot ni Kuya Gello at tumayo na ito bago isnuksok ang baril sa tagiliran. "Renz, ikaw na ang maghatid kay Kierra sa school; kailangan ko nang pumunta ng presinto ngayon din." Both Kuya Gello and Kuya Cev followed in our father's footsteps and became policemen, while Kuya Renz pursued a career as a doctor, just like our mother, who is a surgeon. Kuya Renz, being a psychiatrist, helps people in a different way. "But I have a date today! Actually, paalis na rin ako ngayon, kaya hindi ko siya maihahatid," reklamo ni Kuya Renz at matamis na ngumiti sa akin. "I'm sorry, sweetheart. Mag-taxi ka na lang muna ngayong araw, wala kasi ngayon si Mang Ernest para ihatid ka." I smiled back, understanding the situation. "It's okay, kuya, magta-taxi na lang po ako—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang umalingawngaw sa buong bahay ang galit na boses ni Kuya Cev. "Ano ka ba naman, Renz! Uunahin mo pa ba 'yang pakikipag-date sa mga babae mo kaysa sa kapatid natin!" Napahinto naman si Kuya Gello sa akmang paglabas sa pinto at napalingon, habang kami naman ni Kuya Renz ay hindi makapaniwalang napatingin kay Kuya Cev na ngayo'y inis nang isinara ang kanyang laptop bago tumingin sa akin. "Ako na lang ang maghahatid sa 'yo. Huwag na huwag kang sasakay ng taxi," ani Kuya Cev bago dinampot ang baril sa kanyang tabi at sinuksok sa kanyang suot na uniporme katulad ng kay Kuya Gello. Pansin ko naman ang pagsimangot ni Kuya Renz bago binalik ang attention sa kanyang cellphone at nagkibit-balikat na lang. "Hey, Cev. May problema ba?" tanong ni kuya Gello nang nakakunot ang noo habang nakatayo sa pinto. "Let's just talk later. Ihahatid ko lang muna si Kierra," sagot ni Kuya Cev at sumenyas na sa akin. "Let's go." Napatango na lang ako at sumunod palabas ng mansyon. Habang nasa biyahe ay pansin ko ang sunod-sunod na pagpakawala ng malalim na buntong hininga ni Kuya Cev at ang paghigpit ng hawak nito sa manibela na para bang may kinaiinisan. Kaya naman hindi na ako nakatiis pa. "Kuya, are you okay? May problema po ba?" Nang marinig nito ang tanong ko ay tila natauhan at parang nagising mula sa malalim na iniisip. Saglit niya akong tinapunan ng tingin at nginitian. "I'm okay, sweetheart. Nga pala kapag tapos na ang klase mo ay huwag na huwag kang lalabas ng school, at lalong huwag kang sasakay ng taxi. Just wait for me to pick you up, alright?" he said, his tone serious and protective. Kahit na nagtataka ay tumango na lang ako. Dati naman kapag wala ang driver namin ay ayos lang sa kanila na mag-taxi ako, pero ngayon hindi ko alam kung bakit pinagbabawalan na ako ni Kuya Cev. Pagdating ng university ay hinintay muna ako ni Kuya Cev na makapasok ng gate bago ito umalis. Pero bago ito tuluyang umalis ay nilapitan muna nito ang security guard ng school at parang kinausap. Hindi ko naman marinig kung ano ang kanilang pinag-usapan dahil malayo na ako, pero pansin ko ang sunod-sunod na pagtango ng security guard kay kuya habang napapatingin sa akin na para bang ako ang kanilang pinag-uusapan. Nagkibit-balikat na lang ako at nilibot na lang ang tingin sa loob ng napakalaking university. Surrounded by numerous students, I couldn't help but feel like the only one walking alone. Ugh! The first day always makes me feel like a friendless nerd. Napahinto ako sa paglalagad nang biglang tumunog ang tiyan ko, dahilan para tumawa ang dalawang babaeng estudyante na napadaan sa tabi ko. My gosh, nakakahiya! Oo nga pala, hindi pa pala ako nakakapag-almusal. Kung bakit naman kasi masyadong nagmamadali si Kuya Cev na ihatid ako, ni hindi man lang muna ako pinag-almusal. Nakakainis siya! Akmang ipagpapatuloy ko na ang paglalakad ko nang bigla na lang may bumulaga sa harap ko—na siyang kinasinghap ko sa gulat. "I heard that! You're hungry, right?" Embarrassed, I glanced at the chubby girl in front of me. She chuckled while pointing at my stomach. Tingin ko, isa rin siyang estudyante rito sa university. Hindi pa ako nakakasagot nang bigla na itong yumakap sa isa kong braso. "My name is Amie, and I think we'll be classmates. I saw you during enrollment last week; you were with a very handsome police officer, right?" Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa narinig. Last week kasi ay si Kuya Gello ang kasama kong nag-enroll dito sa Grant University, at talagang suot pa nito ang kanyang police uniform, kaya agaw attention tuloy sa mga estudyante dahil pansin kong marami ang napapatingin sa amin nung araw na 'yon. "Ah, yes, he's my brother, the police officer you're referring to," I replied. Bigla na lang namilog ang mga mata ni Amie sa sinabi ko, hanggang malapad na itong ngumiti. "Oh my goddness! So, does that mean I can get to see him every day if we become friends?" Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa tanong nito, kaya naman ngumiti na lang ako. Napatili naman si Amie na para bang kinilig, hanggang sa mahina na nitong hinampas ang braso ko. "Sige, magmula sa araw na 'to ay gusto kong mag-bff na tayo. So, what's your name, miss beautiful?" Lumapad naman ang ngiti sa labi ko. "My name is Kierra. Kierra Celestina Ellie Gabriel." "Okay! Let's go, Kierra! Let's eat! Alam kong gutom ka dahil sa pagtunog ng tiyan mo kanina!" She laughed. Bago pa ako makareklamo ay hinila na nito ang braso ko. Napangiti na lang ako at nagpatianod na lang, hanggang sa napadpad kami sa loob ng tahimik na cafeteria. "Teka lang, Amie. Baka ma-late na tayo sa klase. Puwede naman mamaya na lang tayo kumain sa breaktime." "Mmm..." Amie shrugged and guided me to sit down. "Just sit there. I'll order the food. Don't worry about being late; it's the first day of class, so it's okay." I just nodded. Ang totoo ay gutom na talaga ako dahil konti lang ang kinain ko kagabi, tapos hindi pa ako nakapag-almusal kanina dahil sa pagmamadali ni kuya na ihatid ako. When Amie returned, she had a food tray with two white bowls. "What kind of food is this?" I asked, curiously inspecting the contents of the bowl. Amie laughed and playfully tapped my arm. "Come on, Kierra! Don't you watch k-dramas?" I shook my head. "No." Amie frowned. "Hays… Dapat manood ka para malaman mo kung anong name ng pagkain na 'to. Ang tawag dito ay tteokbokki. This year lang daw sila nagkaroon sa menu ng tteokbokki dito sa university. Nagulat nga ako kanina nung makita ko, kaya ito na lang ang inorder ko. I'm sure magugustuhan mo 'to." I nodded, eyeing the tteokbokki she was referring to. It indeed looked delicious. As I looked back at Amie, she had already picked up her chopsticks and started eating. Napatingin naman ako sa chopstick na nasa bowl ko. Ang totoo ay hindi ako marunong gumamit nito. "Amie, wala bang tinidor?" Napatigil naman si Amie sa akmang pagsubo at napaangat ng tingin sa akin. Ngunit ba ito makasagot ay may isang kamay na ang naglahad ng tinidor sa harap ko. "Here, you can use this." I looked up at the person who spoke and offered me a fork. Pero ganoon na lang ang pag-awang ng labi ko nang makita ang guwapong mukha ng isang lalaking nakasuot ng white pulo—na nakatupi pa hanggang siko at nakabukas pa ang tatlong butones. May hikaw pa ito sa kaliwang tainga at may konting balbas na pumapalibot sa pisngi na mas lalong nagpalakas sa kaguwapuhan nito. He looked so manly, and I think… his age is not far from my triplets brother. In fact, he was even more handsome and hot than the models I see in magazines and shows. Hindi ko na namalayan ang sarili ko na napatulala na pala sa lalaking nakatayo sa harap ko. Nang hindi ako gumalaw ay kinuha na nito ang isa kong kamay at inilagay ang tinidor. I snapped out of my trance and shyly smiled at him. "T-Thank you," I stammered, causing Amie to giggle beside me. "You're welcome," he replied with a smile. His unexpected smile revealed perfectly white and even teeth, causing my heart to race even faster, especially when our gazes met. After handing me the fork, he walked away and took a seat at a nearby table. "Hoy, Kierra! Gising!" Natauhan ako dahil sa pagsiko ni Amie sa braso ko, and when I looked at her, she was grinning mischievously. "Na love at first sight ka, 'no? Tama ba?" Amie laughed and tapped my arm. "Oh my gosh! He's so handsome, right, girl!" Napangiti ako, at sabay pa kaming napagikhik ni Amie bago pinagpatuloy ang pagkain ng tteokbokki. "Tingin mo, isa kaya siyang professor dito sa university?" Amie whispered to me while chewing the tteokbokki. Napatingin naman ako sa table kung saan naroon ang lalaki, pero hindi ko inaasahan na nakatingin din pala ito sa akin, kaya agad na nagtama muli ang aming mga tingin. My heart skipped a beat, so I quickly looked away. "Sana siya ang maging prof natin siya para masaya. Oh my gosh!" muling bulong ni Amie sa akin na kinangiti ko lang. Tulad ko ay kinikilig din si Amie sa guwapong lalaki. "Pero teka, tingnan mo kung gaano kalagkit ng titig niya sa 'yo, girl. Hindi kaya type ka niya?" pagsiko sa akin ni Amie sa braso. Pasimple akong tumingin muli sa gawi ng lalaki, pero halos mahigit ko ang aking paghinga nang muling magtama ang aming mga tingin sa tatlong pagkakataon. Wala akong makitang emosyon sa mukha nito; seryoso lang itong nakatitig sa akin na para bang may malalim na iniisip. I also noticed his tight grip on the glass of water on his table. For some inexplicable reason, I suddenly felt intense nervousness, and my heart pounded even faster. I decided to avoid looking at him again, until Amie and I finished our meal. "Wait, where did the handsome guy go?" tanong ni Amie at tumayo na sa kanyang upuan, inilibot ang tingin sa loob ng tahimik na cafeteria. Oo nga, wala na 'yung lalaki sa mesa nito at tanging kami na lang ni Amie ang naiwan sa cafeteria. Nawala nga bigla ang lalaki nang hindi namin namamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD