5 Years Later HABANG nakatanaw sa bintana ng tumatakbong taxi ay hindi ko mapigilan ang magpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Sa limang taon na lumipas ay ngayon ko lang naisipang umuwe ng Pilipinas. Excited na akong makita at makasamang muli ang parents ko at ng mga triplets kong kuya. Hindi ko pinaalam sa kanila na ngayon ang uwe ko dahil gusto ko silang surpresahin. Actually, wala pa sana akong balak umuwe, kaso ay napilitan ako dahil kasal na ni Kuya Gello next week, at hindi naman pwede na wala ako sa kasal nito dahil baka magtampo pa 'yun sa akin. “Dito na po ba 'yun, ma'am?” Para naman akong natauhan nang marinig ang tanong ng taxi driver. Nang mapatingin ako sa labas ay tanaw ko na ang gate ng bahay ng parents ko. “Yes po, manong, kahit dito mo na lang po ihin