NAIILANG ako sa klase ng kanyang mga tingin. Parang hindi ako mapakali dahil sa mga titig na ibinibigay niya sa akin. Mula pa kanina ay ganito na siya. Hindi tuloy ako makakilos nang mabuti. Sobrang nakakailang ang kanyang mga titig na para bang ayaw niya akong mawala sa kanyang paningin. Nakaupo ako ngayon sa ibabaw ng kama habang sinusubuan si Larco. Hindi pa kaya ng braso niyang magsubo kaya ako na ang nagboluntaryo para subuan siya. “M-May dumi po ba ako sa mukha?” hindi ko na napiglang tanong at umiwas ng tingin sa kanya. Itinuon ko na lang tingin sa hawak kong kutsara. “Wala naman,” agad niyang sagot. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. “P-Pero bakit ka po ganyan makatingin sa akin?” “Oh bakit? Bawal ka na bang tingnan,Miss Gabriel? Parang wala namang nakalagay na k