Chapter 49

4045 Words

PANAY ang tingin ko sa aking wristwatch habang palakad-lakad sa loob ng kuwarto ko. Kanina ko pa hinihintay ang pagdating ng dalawa kong kuya, pero 1:35 AM na ay wala pa rin. Malapit nang mag umaga. Hindi ko alam kung saan pa ba nagpunta ang dalawang 'yun at kung may balak pa bang umuwe dito sa bahay. Mula kanina ko pa pinipilit ang sarili kong matulog, pero kahit anong pilit ko ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi pa rin kasi talaga mawala-wala sa isip ko ang mga pangyayari kanina sa reception. Paano naging magkaibigan ang mga kuya ko at ng Larco na 'yun? Paano sila nagkakilala? Saan at kailan? Hindi 'to maaari! Talagang hindi! Hindi pwede! Pero bakit? Bakit kailangan niya pang magpakita sa akin? Ano na naman kaya ang balak niya? Masama talaga ang kutob ko. Ang daming tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD