Kierra's Point of View NAKAUPO lang ako sa isang bench chair dito sa labas ng mansyon habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Parang busy ata ang ilang mga tauhan ngayon dahil parang konti lang ang nagbabantay sa paligid. Wala din sina Larco at Darius ngayon, ang dinig ko ay pumunta sila sa kabilang isla para makita ang sitwasyon nito dahil sa pagsabog nung nakaraang gabi. Tanging si Henry lang ang naiwan dito sa isla at ilang mga tauhan. Napakasarap sa pakiramdam ng hangin na tumatama sa akin balat, nakaka-relax. Parang bigla tuloy pumasok sa isip ko sina kuya, mom at dad. Kumusta na kaya sila? Pinaghahanap pa rin kaya nila ako hanggang ngayon? I really missed them so much. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at akmang tatayo na nang biglang may naupo sa tabi ko na kinatingin