NANG magising ako ay mag-isa na lang akong nakahiga sa malambot na kama habang hubo't-hubad sa ilalim ng makapal na kumot. Maliwanag na sa buong silid. Nang maalala ang nangyari kagabi ay pakiramdam ko pinamulahan ako ng mukha. Napahikab ako at inunat-unat ang aking katawan. Akmang babangon na ako sa kama nang mapansin ko ang pag galaw ng doorknob, kaya mabilis akong pumikit at nagpanggap na tulog. Hindi ko na nakuha pang takpan ng kumot ang dibdib ko dahil sa bigla nang bumukas ang pinto. Rinig ko ang tunog ng mahihinang yapak na pumasok sa loob ng kuwarto. Nanatili akong nakapikit habang nakatihaya. Ramdam ko ang lamig ng air-con na nanunuot sa balat ko. Lumipas ang ilang sandali, nanatiling tahimik ang paligid, wala na akong marinig na ingay o tunog ng yapak. Akala ko ay nakalabas