PARANG may kung anong tumusok sa bandang dibdib ko nang makita si Larco na may kandong na dalawang magagandang babae, hindi lang nakakandong sa kanyang mga hita, kundi salinsinan niya pang hinahalik-halikan ang leeg ng mga ito. Parang biglang bumigat ang mga paa ko—na hindi ko agad maihakbang papasok. Para akong napako sa bungad ng pinto na hindi na makaalis. Hindi ko alam kung dapat ko bang ituloy ang pagpasok o hindi. Bakit ganito ang bumungad sa akin? Mukhang hindi naman 'to panaginip. Pero bakit ganito? Naguguluhan ako. Alam kong napansin ni Larco ang pagbukas ko ng pinto dahil pansin kong pasimple itong napatingin sa aking kinatatayuan, pero muli din ibinalik ang atensyon sa paghalik sa dalawang babae at parang balewala na lang sa kanya ang presensya ko. “G-Good morning,” bati sa