bc

Faithful (Behind Fame and Glamour Series)

book_age18+
22
FOLLOW
1K
READ
dark
possessive
powerful
twisted
bxg
city
lies
affair
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

Savina is living a lavish but tasteful life, she always gets what she wants however the life of her beloved Paco is the opposite, but it doesn't matter for Savina as long as she loves the man and when she loves... she loves with all her heart and soul. And so she married Paco and vowed to be his faithful wife for the rest of their lives.

But the question is... how long will she be faithful to him if she found out that Paco is cheating on her?

Will she forgive and commit with him again for the second time or she will commit a crime to end her husband deceit?

chap-preview
Free preview
One
Savina Royce Applause and praise was the only thing heard in the entire function hall, kasalukuyan kasing ginaganap ang launching event ng sarilli kong medical group na Sav Universal Beauty dahil isang panibagong produkto ngayon ang nilabas ng aming kompanya. Isa akong Dermatologist at hindi lang ako kilala rito sa Pinas kundi maging sa buong asya dahil angking kong galing. Marahil puno man ngayon ng tao venue ay nagpalinga-linga pa rin ako upang makita ang kaisa-isang taong nais matunghayan ng mga mata ko ngayon. Ang taong nagpapasigla sa akin sa araw-araw at nagsisilbing inspirasyon ko pero hindi ko siya makita rito ngayon. Ang sabi niya ay darating siya pero isang oras na lang ang natitira at matatapos na itong event ko ay wala pa rin siya. "Congratulations, Ate!" untag sa akin ng bunsong kapatid ko na si Pauline. "Thank you, Pauie!" pasalamat ko naman agad sa kanya habang may ngiti sa aking mga labi. "Nakita mo na ba ang Kuya Paco mo?" tanong ko sa kaniya. Ang tukoy kong Paco ay ang lalaking pinakamamahal ko. My fiancee Paco Benedicto "Hindi pa nga, Ate 'yan din sana ang itatanong ko sa'yo wala pa kasi siya sa table natin nina Mommy," imporma ni Pauline. But, Paco promised me he'll come and he's always true to his words, pero bakit parang ngayon iba? He must have a reason. Kaya bago pa ako mabaliw kakaisip kay Paco ay minabuti ko ng umalis ng event nang hindi nagpapaalam sa mga guests ko at ipinagkatiwala ko na ang lahat sa kapatid ko at sa ina ko. It's just a launching event and I'm used to it, ang hindi ako sanay ay ang hindi makita ang presensiya ni Paco. I love him so d*mn much at siya ang mas mahalaga sa akin. Pagkalabas ko ng function hall ay sa ibang exit ako dumaan kung saan walang mga camerang nakaantabay sa pag-alis ko at walang mga malisyosa at malisyosong reporters ang magtatanong. And gladly matiwasay naman akong nakalabas nang walang nakakakita sa akin pero hindi na ako magugulat kung mamaya ay ako na ang headline sa mga diyaryo TV, at radyo but I don't care, kaakibat na ng kasikatan ko ang mga espekulasiyon ng p**nginang medya na iyan. Mabilis kong pinaharurot ang aking kotse pauwi sa bahay namin ni Paco nagsasama na kasi kami sa iisang bubong at kagustuhan ko 'yon at dahil mahal na mahal din ako ni Paco ay napapayag ko rin siya agad. Alerto ang bawat tauhan ko sa mansion kung kaya't makalipas lang ang ilang minuto ay pumasok na agad ang kotse ko sa loob at pinarada saglit sa garahe. "Savina?" Napalingon agad ako sa boses na patanong na tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko ay si Nanay Onor pala ang tumawag sa akin. Si Nanay Onor ang pinakamatagal ko ng katiwala rito sa aking mansion at tinuturing ko na rin siya bilang pangalawang ina ko. "Akala ko ba mamayang gabi ka pa uuwi?" tanong niya sabay lapit sa kinaroroonan ko. "Nay Onor, nandito na po ba si Paco?" Sa halip ay tanong ko sa kaniya, hindi ako interesado sa tanong niya sa akin. Tinignan lamang ako nito at hindi man lang nag-abalang sagutin ang tanong ko. "Nay?" patanong kong tawag sa kanya. Pero naagaw agad ng atensyon ko ang musikang tumunog mula sa speaker na hindi ko mahagilap. "May naghihintay sa'yo garden." Hindi ko na nagawang sagutin si Nanay Onor dahil malalaking hakbang na agad ang ginawa ko patungo sa garden. At dito nga galing ang napakagandang musika na kasalukuyang tumutugtog sa speaker may mga petals of roses pang nagkalat sa carabao grass at may isang mesang naka set-up sa gitnang bahagi at dalawang upuan. Sunod na dumako ang mga tingin ko sa taong lahat-lahat sa akin. "Hello, Mi amor!" nakangiting bati niya sa akin. Sa simpleng bati niya ay kinikilig na agad ako lalo pa't may hinanda pala siyang surprisa sa akin at may hawak-hawak pa siyang bouquet at napakagwapo niya. "My Paco!" Agad kong tinakbo ang ilang pagitang agwat namin upang halikan siya sa kanyang mala rosas at malambot na labi na agad din niyang sinuklian. "I love you," madamdaming pahiwatig ko nang maghiwalay na ang mga labi namin habang magkadikit ang aming mga noo. "Love you more, Mi amor." Muli nitong hinalikan ang labi ko ngunit saglit lang iyon. "Para sa'yo." Hindi mawala-wala sa mga labi ko ang ngiti dahil sa tuwang aking nararamdaman ngayon. Since day one of our relationship Paco never fails to make me happy everyday. No wonder why I fall in love with him every single day, and I just can't imagine my life without him by my side. "Thank you for being the best and for being the most faithful lover in the world, Paco," madamdaming pahayag ko sabay hawak sa kanang pisngi niya. Sa halos limang taon naming pagsasama ni minsan ay hindi natukso si Paco sa ganda at alindog ng ibang babae. He's been faithful to me for the longest time and I thank God for that. Isang masuyo at maingat na halik naman ang tinugon nito sa sinabi ko. "Pero may kasalanan ka pa sa akin." Pinaningkitan ko siya ng mga mata na ikinatawa lamang niya pero saglit lang naman 'yon. "Ang sabi mo dadalo ka sa event ng medical group pero hindi naman," kunwari'y nagtatampong wika ko. Isang nahihiyang ngiti lamang ang sinagot nito sa akin, and here we go again. Iniisip na naman niya ang estado ng buhay naming dalawa. Isang simpleng empleyado lang kasi si Paco sa isang factory at para sa kanya ay walang-wala ang kinikita niya sa kinikita ko. Totoo naman 'yon pero kasi hindi 'yon mahalaga sa akin mahal ko siya hindi dahil sa estado niya sa buhay mahal ko siya dahil mahal ko siya. That's it. "Hanggang ngayon ba kinakahiya mo pa rin ang sarilli mo? Paco, mahal kita at wala akong pakialam kung anong trabaho pa man ang meron ka," pahayag ko. "Ikaw ang ayaw kong mapahiya dahil sa akin, Mi amor kaya minabuti ko na lang na surprisahin ka rito sa bahay," tugon naman niya. "Paco, hindi mahalaga sa akin ang opinion ng mga tao dahil wala silang alam tungkol sa atin. They can easily judge you dahil mga mata lang nila ang nakakakita sa'yo pero wala silang alam kung gaano kasarap magmahal ang katulad mo," pampalubag loob kong litanya. Everyone can judge us using their eyes just with our physical looks but what they never saw is behind someone's face. "Maraming salamat at natagpuan mo ang tulad ko, Sav," naluluhang bigkas niya. "I didn't found you, Paco sadyang itinadhana talaga tayo para mahalin ang isa't-isa." Iglap lang ay nakakulong na ang katawan ko sa mga braso ni Paco and in his arms I feel safe. Ilang minuto rin kaming nanatiling magkayakap ni Paco bago ito nag-ayang kumain. KINAGABIHAN, kapwa kami nakahiga ni Paco sa kama ng aming kwarto habang kami ay magkayakap sa ilalim ng kumot kapwa rin kaming walang saplot pang-itaas. We're just done making love. At kahit ilang beses na naming gawin ang bagay na 'yon ay palagi pa rin kaming sabik sa isa't-isa. "You know what, gusto kong ikasal na tayo sa mas lalong madaling panahon," wika ko sabay haplos sa malapad at matigas na dibdib ni Paco. "Sigurado ka?" tanong naman niya sa akin habang sinusuklay-suklay naman niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. "Of course, My Paco ikaw na ang gusto kong makasama sa habang buhay," punong-puno ng pagmamahal kong pahiwatig sa kanya. "Pangako, Mi amor ikaw lang din ang pakamamahalin ko sa buong buhay ko," nangangakong sagot din niya sabay halik sa noo ko. Paco is my everything, kaya siguradong-sigurado na ako sa kaniya and I can't wait be with him for the rest of our lives and to be his faithful wife. Dala ng labis na saya at kasabikan sa aking puso ay agad kong inasikaso ang kasal naming dalawa ni Paco. Tinigil ko muna ang pagtatrabaho ko para mapagtuunan ko 'yon ng pansin ayaw ko kasing may makaligtaan akong bagay at detalye dahil mahalagang araw 'yon para sa aming dalawa. Maging ang kapatid kong si Pauline ay tumulong na rin sa pag-aasikaso dahil excited na rin itong maikasal ako at bumuo ng sarilling pamilya namin ni Paco. At ngayong araw nga ay pipili kami ni Paco ng susuotin naming dalawa sa aming kasal hindi naman kasi siya humadlang sa kagustuhan ko. Dahil ang mas mahalaga sa kaniya ay ang mga bagay na magpapasaya sa akin, mas lalo ko lang tuloy siyang minamahal dahil ni minsan ay hindi pa naging tutol si Paco sa mga desisyon ko mapasaakin o mapasaamin. Mula sa pagtitipa sa cellphone ko ay nabaling ang tingin ko sa kapatid kong kakarating lang kasama ang isang sikat na designer na si Cess na siyang gagawa ng gown at suit namin ni Paco. "Hi, Ate!" maligalig nitong bati sa akin sabay beso sa pisngi ko. "Hello, Pau!" ganting bati ko sa kaniya at maging sa designer na kasama niya ay binati ko na rin ito. "We'll just wait for Paco, may meeting pa raw kasi sila sandali," wika ko. At minabuti ko na munang pahainan ng pagkain si Cess kay Nanay Onor habang hinihintay pa namin si Paco. Si Pauline muna ang nag entertain kay Cess habang kumakain ito samantalang ako naman ay panay tingin sa aking cellphone may katagalan na kasi pero wala pa rin si Paco, and I'm bit worried about him baka ano na ang nangyari sa kaniya hindi na rin kasi niya sinasagot ang texts at calls ko. "Ate Savina, relax baka na traffic lang si kuya Paco sa daan," untag ni Pauline sa lumilipad kong isip. Nahalata siguro nito ang pagiging alumpihit ko sa aking kinauupuan panay din kasi ang tingin ko sa front door ng aming bahay. "Ito kasing kuya mo hindi na sinasagot ang mga messages at calls ko," nag-aalalang sagot ko. "Maybe he's already on his way home, Ate so chill," natatawang ani pa ng kapatid ko. Napailing na lamang ako sa aking isipan dahil sa sinabi niya, palibhasa kasi wala pa siyang kasintahan kaya hindi pa niya maiintindihan ang tulad ko. I know medyo weird ako kung mag-alala kay Paco kahit sandali pa lang naman itong nawawala sa paningin ko o 'di kaya naman ay hindi agad siya nakakatugon sa mga mensahe ko. E, sa ganun ko siya kamahal, gusto ko araw-araw akong kampante na maayos ang lagay niya. He's my everything and so, I can't afford to lose him. Pagkatapos ng ilang sulyap sa front door ay sa wakas nakita ko na rin ang taong pinakamamahal ko. He looked so exhausted but still he genuinely smile at me and that makes my heart beats so fast. "My Paco!" Sinalubong ko agad siya ng isang mahigpit na yakap. "Mi amor!" He hugged me back. Pero bago pa man ako makalimot ay pinutol ko muna ang masarap naming yakapan at pinakilala ko na si Paco kay Cess, then we started. "I'm done. Your turn, My—" I creased my forehead as I gently squeeze Paco's right hand. "Hey, something's bothering you?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Hindi kasi ito mapalagay sa kaniyang kinauupuan kahit na maluwag naman ang espasyo at komportable naman siya dahil nakasandal pa nga ang likod niya. Nabaling naman agad sa akin ang tingin ni Paco ngunit blanko ang ekspresiyon ng kanyang mga mata na mas labis kong ikinabahala. "Ahm... Pauie, Ms Cess can give us space for awhile?" pakiusap ko sa kanilang dalawa, at agad naman silang sumang-ayon saka umalis sa harapan namin ni Paco. "Paco, may problema ba tayo?" muling tanong ko kay Paco ng kaming dalawa na lang ang naiwan nasa boses ko man ang katapangan ngunit nanatili pa rin ang pag-aalala. "Sorry, Mi amor p-pagod lang talaga siguro ako," paumanhin niya at kanina pa nga halata sa mukha niya ang labis na pagod. "Pero wala namang masakit sa'yo?" muling tanong ko sabay hawak sa kanang pisngi niya. "Walang masakit sa akin, Mi amor sadyang pagod lang talaga ako ngayon. Sorry," muling paumanhin niya sabay halik sa labi ko. "You better rest, My Paco," mungkahi ko. Mas mainam kung magpahinga muna ang mahal ko kaysa naman ituloy namin itong pagpili ng susuotin niyang wala naman siya sa mood. Sa susunod na buwan pa naman ang nakatakdang pag-iisang dibdib namin kaya may oras pa para sa pagpili ng susuotin namin. "Tapusin na lang natin, 'to, Mi amor kawawa naman kasi ang designer kakahintay sa pagdating ko tapos hindi pa matutuloy," katwiran pa niya, na ikinainit bigla ng ulo ko. Imbes na sa akin siya mag-alala ay doon pa talaga sa designer napunta. Ang bait naman yata masyado ni Paco. "No! Paco, marami pang ibang oras at araw mas mahalaga ang kalusugan mo kaysa sa pagpili ng susuotin mo para sa kasal natin," mariin at may pinalidad kong sagot sa kaniya. "Pero, Mi amor—" "Magpapahinga ka, Paco!" mando ko sa kanya sa matigas kong boses. Ayaw ko mang magsimula nang kung anumang away dahil malapit na kaming ikasal, ang kaso ay hindi ko talaga nagustuhan ang pagiging concern ni Paco kay Cess na 'di hamak na designer lang naman namin. "Fine, Mi amor please huwag ka ng magalit," sumusukong turan niya sabay pang-aalu sa akin. "I just don't like the way you care about, Cess' time" umiirap kong wika. "It's not what you think, Mi amor sayang naman kasi ang effort niya," paliwanag pa niya. "I paid her time, Paco kaya hindi sayang ang effort niya. And I can pay her again big time para lang sayangin ulit ang effort niya kaya huwag kang mag-alala," mariin kong litanya. Kalabisan ang buhay na meron ako kaya kahit walang kwentang bagay ay kayang kong bayaran. Napahilot naman agad si Paco ng kaniyang ulo habang nakapikit ang dalawang mga mata niya. "Please don't start, Mi amor," nagtitimping ani niya na ikinataratanta ko naman agad. "I-I'm sorry, My Paco my bad," naiiyak kong sagot. Oo mali ako dahil masyado agad akong nagpadala sa selos pero masisisi niya ba ako? E, sobrang mahal ko lang naman siya. Tarantado ba siya?! "You're right, Sav let me take a rest first mamaya na lang ulit tayo mag-usap," pagod niyang wika sabay tayo mula sa kinauupuan naming dalawa at saka humakbang papasok ng bahay. When he left, I firmly closed my eyes then blew air from my mouth. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko maiinis ba ako o makokonsensiya dahil sa ginawa ko kay Paco. "Ate Savina?" untag sa akin ni Pauline. "Pauline, pauwiin mo na si Cess pagod kasi ang Kuya Paco mo," deritsong wika ko sa kapatid. "And it's my fault, kasi hindi ko man lang siya tinanong kung ready na ba ang kuya mo para pumili ng susuotin niya," pagsisinungaling kong dugtong. "Okay if you say so," pagsang-ayon naman agad ni Pauline sa akin. With that Cess formally bid her goodbye to me as well as my sister then they both leave. Pumanhik agad ako sa taas at dumiretso sa kwarto namin ni Paco and there I saw Paco was peacefully sleeping above our bed habang humihilik sa mahinang tunog. But why is he snoring? Masyado pang maaga para lumalim ng husto ang tulog niya. "Pagod kasi si Paco," ani ng maliit na boses sa isipan ko. Oo nga pala. Tsk! But... one more thing he only snores everytime we just finished making love. So it means, Paco is having s*x with other woman? No! He said, may meeting sila kanina 'yon ang paalam niya sa akin. Meeting ang ginawa ni Paco. MEETING, hindi CHEATING!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook