Chapter 20 Georgina's POV Pabagsak akong umupo sa sofa dito sa condo ko pagka-uwi na pagka-uwi ko. Nagmamadaling kinuha ko ang phone ko sa bag ko at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Nisha. Jusme! Bakit hindi ko man naalala noong mga nakaraang araw? Bakit ngayon lang nasagi sa isipan ko na birthday na pala ni Sandro bukas! At wala pa akong naiisip na plano para sa nasabing okasyon. "He--" "Hello Nisha!!" Agad kong bungad dito pagka-sagot na pagka-sagot nito sa tawag. "Oh? Napano ka at parang aligagang aligaga ka?" Takang tanong nito. Hindi naman ako maaaligaga ng ganito kung naalala ko lang ng maaga yung birthday ni Sandro eh. It's been a month since that night. The most magical night of my life. Sa dalampasigan, sa ilalim ng buwan at mga bituin, habang masaya naming pin