Chapter 14 Third Person's POV Isang magandang batang babae ang mag-isang naka-upo sa gilid ng kalsada. Nakatulala ito at para bang malungkot habang pinaglalaruan ang hawak nitong maliit na bato. Siya si Aica Denisse Santiago. Bago lang siya sa lugar na ito kaya wala pa siyang mga kalaro. "Ang lungkot at ang tahimik naman dito." Bulong niya sa kaniyang sarili. Wala kasi siyang nakikitang bata na naglalaro sa playground nung pumunta siya roon kanina. "Mabuti pa sa probinsya, marami akong kalaro." Dagdag pa nito. Napasimangot na lamang ang batang babae. Ilang araw na din kasi sila rito pero wala pa siyang nagiging kalaro kahit isa man lang. Isang batang lalaki naman ang naglalakad papunta sa palyground kasama ang pinsan nito at isa pang batang babae. "Lagot ka naman kay Tita! Hindi ka