2

1913 Words
“Tsk! Ikaw kasi, masyado mong tinakot ang mga bagets. “ Adam couldn’t help but chuckle. Nagkibit siya ng balikat at napamulsa na lang. “So, idadaan mo lang sa ngiti ang nangyayari sa sasakyan mo?” Tuluyan na ngang bumaba sa August, ang kaibigan niya, mula sa nakabukas na kotse at sinipat ang narumihang parte niyon. “What the hell! Pitcher ba ng softball ang batang ‘yon?” napapailing nitong turan. “What a speed, huh?” He begged to disagree, maliit lang siguro ang babaeng bumato ng pinya sa kotse niya pero hindi ito bata. He could see curves hidden in those layers of clothes. It was crazy, yes. Pero nakalimutan niyang galit siya sa puntong iyon. Basta na lang siya nakatayo sa likuran ng kotse at sundan ng tingin ang kumakaripas na dalawang babae. “Your fault. Kung bakit ba kasi itim ang kotseng ginamit mo? Baka napagkamalang getaway car ito ng isang kidnapper,” pabirong paninisi niya sa kaibigan. “Kidnapper my ass!” Ang paboritong dirty finger ni August, nakita niya na naman. “Well, bagay nga naman sa ayos mo.” Mapagkakamalan nga naman itong suspect na nasa police line up kesa sa mpaniwalaang anak ito ng chief of police ng Tagoloan. Halos gula-gulanit na ang suot nitong tattered baggy pants nito. Ang dami pa nitong tattoo sa katawan. “Babe, ba’t ang tagal?” Napangisi siya nang marinig ang malambing na boses ng babaeng kasama nila sa loob ng kotse. “She misses you already.” Tinapik niya si Nico sa braso at sinenyasang lumulan na ng sasakyan. This time, sa backseat na niya pinalipat ang dalawa at siya na ang pumwesto sa harap ng manibela. Madidisgrasya sila ng waka sa oras kung hahayaan niya ang kaibigan na magmaneho habang walang tigil sa pakikipaglandian sa ‘girlfriend’ nitong si Yvette. Kagabi lang nila ito nakita sa bar, girlfriend na kaagad. Ayaw nang humiwalay kay Nico. Ayaw ring tantanan ng kaibigan niya. Sasakay na rin sana siya nang mahagip ng paningin ang isang bagay na nakabuyangyang sa gilid ng daan. Pinulot niya iyon. Pouch na may nakaburdang E. Baka sa dalawang dalagita kanina. Tinangka niyang iitsa iyong muli sa lupa pero sa kung anong dahilan ay isinuksok niya iyon sa bulsa ng jacket. ‘There’s no harm in keeping this thing.’ Pumuwesto siya sa harapan ng manibela at binuhay ang makina. Hindi pa man tuluyang nakausad ang kotse at naglamutakan na ang dalawa. Kada napapasilip siya sa rearview mirror, napapailing na lang siya. Wala talagang pinipiniling lugar ang kaibigan niya. Minabuti niyang ituon sa pagmamaneho ang pansin hanggang sa tuluyan na nga silang papasok ng gate ng plantation. Isang gwardiya ang nakatalaga doon na pumara sa kanya at sinenyasan siyang ibaba ang bintana ng kotse. “Sir, ikaw pala ‘yan!” Sumaludo ang gwardiya sa kanya na sinagot niya ng marahang pagtango. Ang dalawang manyak sa likod niya, wala man lang pasubali kahit nasisilip ng security. Naglalapaan at naglalamunan. Napangiti pa ang gwardiya sa nasilip. Isinarado niya ang bintana. Parang siya kasi ang tinablan ng hiya. “Jesus, Nico, get a room!” Ngumising aso lang ang lalaki na pansamantalang tumigil sa paghalik kay Yvette. “’Di ka ba naiinggit?” “Hardly. Hindi ako ipinanganak na inggitero. Not in my genes.” Natatawa niyang iniliko ang sasakyan sa isang kalsada patungo sa kinatatayuan ng bahay. Bago marating iyon, hekta-hektaryang pinyahan muna ang mararaanan. It was just almost seven pero naagsisimula nang mabuhay ang activities sa farm. Unti-unti na ring nagsidatingan ang mga trabahador na magha-harvest mamaya. This early. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung ano ang gagawin ng dalawang dalagita kanina? Ang aga pa pero nasa daan na. Kung siya ang ama, hindi niya papayagang basta na lang maglalakad sa isang deserted na kalsada ang mga ito. Ewan niya, pero napapangiti na naman siya sa hitsura ng mga ito. halata ang takot sa mga ito lalo na sa isang nakalingon sa kanya. She looked harmless but who knows. Ang tigas ng pagkakabato ng prutas. “That girl has a criminal instinct.” “What?” Napalakas palang masyado ang boses niya. “Nothing. Just do your own thing.” Manyakis na tsismoso ang gago niyang kaibigan. Not long after, he already caught a glimpse of the loghouse beyond those tall pine trees on both sides of the road. This place gave him a vibe of Baguio. Habang lumilinaw ang bahay, matulog kaagad sa malambot na kama ang naiisip niya. Ang gagong si Nico, ‘di siya tinantanan hanggang sa maubos nila ang lahat ng laman ng case ng beer na binili nito sa isang convenient store noong pauwi na sila mula sa bar. Naturingang police ang ama pero ito ang numero unong sunog-baga. Ipinarada niya ang sasakyan katabi ng isa pang nakaparadang sasakyan sa harapan ng bahay at bumaba. Isang may edad na kasambahay ang nagmamadaling lumabas ng kabahayan at sumalubong sa kanya. “Good morning, Sir!” bati ni Manang Laura na may magaang bukas kaagad ng mukha. “Good morning, Manang.” “May mga bagahe ho ba kayo, Sir?” Gusto niyang matawa sa salitang bagahe. Wala siyang planong magtagal dito kaya isang backpack lang ang dala-dala niya. Isa pa, nasanay siya na laging kokonti ang bitbit kapag umaalis at may mga damit naman na siya sa itaas. “Ako na lang, Manang, konti lang naman ang dala ko. Si Dad nga pala?” “Naglibot-libot po sa plantation, Sir.” Ang aga naman yata. Maaga naman kasing nagigising ang ama niya araw-araw. “Ipaghahain ko na muna kayo ng agahan, Sir.” “Thank you, Manang.” Sinilip niya sina Nico at Yvette sa backseat ng sasakyan. Nagtutukaan pa rin. “Kapag natuyuan na kayong pareho, sumunod kayo sa akin.” Narinig pa niya ang pagmumura ng kaibigan. Halatang naiistorbo sa pag-akyat nito sa langit. Naninilaw na ang bibig ng loko sa kung kaninong laway galing. “Aalis na rin kami kaagad.” Itinaas nito ang nakababang zipper ng pantalon at bumaba. “Ayaw mong mag-breakfast?” Ngumisi lang ng nakakaloko ang baliw. “May nakahanda nang breakfast sa akin,” nakakaloko nitong sagot na sumulyap pa kay Yvette na lumipat na rin sa harapan. Pumalit si Nico sa binakante niyang pwesto at binuhay ulit ang makina. “Isa pa, the goods is safely delivered to his prison.” He scoffed. “This is a paradise, Nico,” nakadipa pa ang kamay niyang tukoy sa paligid. But deep inside, he somehow felt like a prisoner whenever he is here. Kinuha niya ang bag sa compartment at naglakad na nga papasok ng kabahayan. Binagtas niya ang malawak na sala at nagtuloy sa paarkong hagdanan. “This staircase again.” He made a mental note to change its design. Masyadong makaluma. He preferred functionality than design. mas intricate ang disenyo, nakakaumay sa mga mata. Babae lang naman yata ang ayaw niyang plain. Nahawa na talaga siya sa kabalbalan ni Nico. Well, hindi siya santo, pero hindi rin kasing baliw ng kaibigan. Ang utak nito, katulad na katulad ng abstract painting na nararaanan niya sa may hagdanan. 'Pati pala collections ng painting ni Dad, dala pa rin hanggang dito.' Balak nga talaga siguro nitong gawing permanenteng tahanan ang Libona. Abala ang utak niya sa mga iniisip at namalayan na lang niyang lumampas na pala siya sa kanyang silid. Umatras siya ng ilang hakbang at pumasok sa silid niya. The biggest room in the whole household. Talagang ginagawa lahat ng ama na magustuhan niya rito. A few days’vacation isn’t a burden, but making this home permanent? Napapailing siya. Namulat siya sa malaking lungsod. Sanay siya sa mabilis na usad ng buhay. Kapag nandito siya at ang natatanaw sa gabi ay madilim na ulap at naririnig ang mga kulisap, gugustuhin na kaagad niyang umuwi ng Maynila. Inihagis niya ang bag sa kama kasunod ng hinubad na jacket. Pati suot na t-shirt at pantalon at briefs. Tanging naiwan na lang ay ang suot na kwintas. Malamig dito sa Libona pero kinaya pa rin ng balat niya. He had been to worse winters for so many times. Siguro rin, hindi pa humupa ang epekto ng alcohol sa katawan. Papanhik na sana siya sa banyo nang mahagip ng paningin ang nalaglag na pouch sa bulsa ng jacket. Pinulot niya iyon at naengganyong buksan. Nakatuping papel, napupudpod na monggol pencil at ID ang laman. Natawa siya habang tiningnan ang pudpod ng lapis. “It might be kuripot ang may-ari o talagang walang pambili.” Nagkainteres siyang buksan ang nakatuping papel. Grades ng bawat subject ang nakasulat doon. “Quite a good student, huh?” Matataas ang mga markang nakasulat. Pinakamababa ang math but the grade was okay at 86. “Not bad, kiddo.” Sinuri niya ang ID. “Libona National High School . Emilia Candace D. Terencio.” Napangiti siya habang tinititigan ang bawat letra ng pangalang nakasulat. “Emilia…what a name.” It sounded vintage but it had a good ting to it. So, that girl had a name now. Napangiti siya nang maalala kung paano itong tumakbo ng mabilis. Mas lalong umangat ang sulok ng kanyang bibig nang makita ang ID picture. It was an unusual ID photo. Ang tamad naman ng kumuha ng litrato at hindi na inulit. Halos kalahati ng mukha ang natabingang ng mahaba at tuwid na buhok. Nevertheless, ang cute pa rin nitong tingnan sa nanlalaking mga mata na tila may nakitang kababalaghan. Parang mga mata lang ni Emily Rossum. ‘Yong mga matang kahit walang sabihin, parang ang daming sinasabing emosyon ng mga titig. The girl looked innocent in the photo, but he doubted she was one. Ang lakas nang pagkakabato nito ng pinya sa kotse niya. But then, naglakbay pa ang mga mata niya sa buong mukha nito. Katamtaman lang ang tangos ng ilong na bumagay sa hugis ng mukha nito. Bumaba pa ang tingin niya sa mga labi nito. Naturally plump lips liek that of Gigi Hadid. Hindi niya sigurado kung lighting effects o talagang natural na mapupula lang ang mga labi nito. Parang ang sarap halikan. He was surprised by his perverted thoughts. “What the heck, Adam?” Halikan talaga ang naiisip niya? He never had a thing for minors, but he was acting as one damn pervert. Natatawa sa sarili. "Pervert!" Napapailing na nag-iwas siya ng paningin sa picture. “This is the consequence of not getting laid for a few months, Adam” Kasalanan ito ni Kendra. His on-and-off girlfriend. Bago ito tumulak ng London para mag-aral ng Design sa London, healthy naman ang s*x life niya. Hindi siya natutuyuan. Nowadays, it it has become a scarcity. Kahit sinabi ni Kendra na pwede siyang magkama ng ibang babae, hindi niya nakukuha ang satisfaction na kaya nitong ibigay sa kanya. Ibinalik niya ang ID sa pouch at nagtuloy na nga sa banyo. He needed a shower. Mas domoble kasi ang init na naramdaman niya. Tumapat siya sa dutsa. He closed his eyes and indulged himself in the calming effect of the water on his nerves. Suddenly, an image flashed in his mind. It was not Kendra's, but that of someone with an innocent face and those plump lips taht are inviting. Damn! Malakas niyang mura. Naitukod niya ang dalawang palad sa tiles at mas lalong ipinikit ng mariin ang mga mata kasabay ng pagpilig ng ulo. "That girl must be something," he whispered, eyes closed, letting his odd thought wash over him in the cold shower.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD